Pumunta sa nilalaman

Heidi Mendoza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Heidi Lloce Mendoza (ipinanganak Nobyembre 3, 1962)[1][2] ay isang Pilipinong lingkod bayan at komisyoner at officer-in-charge[3][4] ng Komisyon sa Awdit ng Pilipinas. Noong Oktubre 6, 2015, ninomina si Mendoza ni UN Secretary-General Ban Ki-moon upang pamunuan ang United Nations Office of Internal Oversight Services na papalit sa Canadianong si Carman Lapointe.[4][5][6] Nanungkulan din si Mendoza bilang panlabas na awditor ng Food and Agriculture Organization, World Health Organization at International Labour Organization.[5][7]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Mendoza'y ipinangak sa Tayabas, Quezon kina Agapito Lloce, isang pulis, at Silveria Macaraan. Nag-aral siya sa Paaralang Elementarya ng Tayabas East, at nagtapos ng high school bilang valedictorian sa St. John Bosco Academy sa Tayabas. Nagtapos siya ng kolehiyo na may degri sa Accountancy mula sa Sacred Heart College sa Lucena noong 1983, at nang sumunod na taon naging isang ganap na sinertipikuhang pampublikong accountant.[1][2] Ipinagpatuloy niya ang post-gradwadong pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, at kumuha ng Public Administration at National Security Administration, ayon sa pagkakasunod.

Ikinasal si Mendoza kay Meynardo Mendoza at may tatlong supling.

  1. 1.0 1.1 "Heidi Lloce Mendoza – WOMAN of ACTION" (sa wikang Ingles). A Celebration of Women. Marso 2, 2013. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Hegina, Aries Joseph (Oktubre 6, 2015). "Speaking truth to power: Who is Heidi Mendoza?". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Marcelo, Elizabeth (Pebrero 19, 2015). "Heidi Mendoza named COA officer-in-charge" (sa wikang Ingles). GMA News. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "COA's Heidi Mendoza appointed head of UN's internal oversight office" (sa wikang Ingles). GMA News. Oktubre 6, 2015. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Esmaquel, Paterno (Oktubre 6, 2015). "COA's Heidi Mendoza to head UN internal watchdog" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Ban Ki-Moon appoints COA commissioner Heidi Mendoza as UN's internal unit head" (sa wikang Ingles). CNN Philippines. Oktubre 6, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 8, 2015. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "UN chief nominates Heidi Mendoza as under-secretary-general for oversight services" (sa wikang Ingles). The Manila Times. Oktubre 6, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2015. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)