Perjury

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang perjury o forswearing ang kasalanan ng sinasadyang pagsasabi ng hindi katotohanan o maling pagkakatawan o paggawang hindi totoo sa panunumpa na magsasabi ng katotohan na makakaapekto sa isang paglilitis. Ang perjury ay isang malalang kasalanan sa mga iba't ibang bansa dahil ito ay ginagamit upang agawin ang kapangyarihan ng mga hukuman na nagreresulta sa hindi tamang paglalapat ng hustisya. Halimbawa, sa Estados Unidos, ang pangkalahatang statute ng perjury sa ilalim ng batas Pederal ay umuuri sa perjury bilang isang felony at nagbibigay ng parusang pagkabilanggo ng hanggang limang taon.