Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Wikang Ingles: Armed Forces of the Philippines; Wikang Kastila: Fuerzas Armadas de las Filipinas) ay ang mga magtatanggol sa bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna. na| itinatag nuong Disyembre 21, 1935 sa bisa ng National Defense Act ng Komonwelt ng Pilipinas at ika-49 sa mga pinakamalalakas na Sandatahan sa Buong Mundo na may puwesang 220,000 at 430,000 mga reserbang hukbo. ang sandatahang lakas ng pilipinas ay isang boluntaryong serbisyo. |name=Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Armed Forces of the Philippines
Fuerzas Armadas de las Filipinas |image=Flag of the Armed Forces of the Philippines.svg
Bandila ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Seal of the Armed Forces of the Philippines.svg |caption=Ang Sagisag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas |founded=21 Disyembre 1935; 86 taon na'ng nakalipas (1935-12-21) |current_form= |branches=Philippine Army Seal Hukbong Katihan ng Pilipinas Philippine Air Force Seal Hukbong Himpapawid ng Pilipinas

Philippine Coast Guard Seal Tanod Baybayin ng Pilipinas

Philippine Navy Seal Hukbong Dagat ng Pilipinas


Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas |commander-in-chief_title=Pinuno ng Sandatahan |commander-in-chief= Pangulong Rodrigo Roa Duterte |minister=Delfin Lorenzana |minister_title=Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa |commander=Hen. Jose Faustino, AFP |commander_title=Hepe ng Sandatahan|headquarters=Kampo Heneral Emilio Aguinaldo, Lungsod ng Quezon |age=18–56 taong gulang |conscription=Hindi Puwersahan, Puwedeng Piliin ang ROTC |available=25,614,135 (2010 est.) |available_f=25,035,061 (2010 est.) |fit=20,142,940 (2010 est.) |fit_f=2,427,792 (2010 est.) |active=224,915 |reserve=420,000 |amount=US$3 bilyon/₱ P130.6 bilyon
(2017 Pambansang Badyet) Badyet ng Modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
US$23 Bilyon (Hanggang Taong 2028) |percent_GDP=1.29% (2015-2016 Badyet ng Pilipinas) |domestic_suppliers=Pagawaan ng Punglo at Sandata (Government Arsenal)
Steelcraft Industrial and Development Corp.
Floro International Corporation
United Defense Manufacturing Corporation
Ferfrans
Armscor (Philippines)
Joavi Philippines Corp.

|history=

|country=Pilipinas }}

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Wikang Ingles: Armed Forces of the Philippines; Wikang Kastila: Fuerzas Armadas de las Filipinas) ay ang mga magtatanggol sa bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna. na itinatag nuong Disyembre 21, 1935 sa bisa ng National Defense Act ng Komonwelt ng Pilipinas at ika-49 sa mga pinakamalalakas na Sandatahan sa Buong Mundo na may puwesang 220,000 at 430,000 mga reserbang hukbo. ang sandatahang lakas ng pilipinas ay isang boluntaryong serbisyo.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang source]

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nagumpisa noong 1897 nang nilikha ng pamahalaang himagsikan ang Hukbong Katihan sa ilalim ni Heneral Artemio Ricarte. Linikha ang hukbo upang ipagpatuloy ang paghimagsik ng Katipunan laban sa mga Kastila. Ipinagpatuloy din ng hukbo ang laban sa mga Amerkano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang sandatahang lakas ay isinaayos sa ilalim ng National Defense Act na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong 1935. Linikha ng batas na iyon ang isang bagong Hukbong Katihan na may Bantay- Dagat at Panghimpapawid.

Ang Sandatahang Lakas na kilala ngayon ay nilikha noon Dec. 23, 1950. Ito ay nangingibabaw sa isang hukbong katihan, hukbong himpapawid, hukbong dagat at ang hukbong kawal pandagat at pati na din ang tanod baybayin ng Pilipinas.

Organisasyon[baguhin | baguhin ang source]

Pamunuan[baguhin | baguhin ang source]

Ang Sandatahang Lakas ay pinamumunuan ng isang Chief of Staff na hinihirang ng Pangulo ng Pilipinas, na ginawaran ng batas ng kapangyarihan na pumili kung sino ang mamuno sa Sandatang Lakas, maging siya's heneral o tenyente. Ngunit kinaugalian na ng mga pangulo ng Pilipinas na pumili ng chief of staff mula sa grupo ng mga heneral na may pinakamatagal na karanasan sa militar. Nakikipagugnay ang Chief of Staff sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa sa pagpapatupad ng mga utos ng Pangulo. Ang chief of staff ang katumbas ng Chairman of the Joint Chiefs of Staff ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.

Sa ilalim ng chief of staff ay isang Vice Chief of Staff na humahalinhin sa kanya kung siya ay liban o hindi magampanan ang kanyang mga tungkulin.

Pinamumunuan[baguhin | baguhin ang source]

Pangulo ng Pilipinas - Pangulong Rodrigo R. Duterte[baguhin | baguhin ang source]

Kalihim ng Tanggulang Pambansa - Kalihim Delfin N. Lorenzana[baguhin | baguhin ang source]

Hepe ng Sandatahang Lakas - Tenyente Heneral Jose Faustino

Pangkalahatang Punong Himpilan[baguhin | baguhin ang source]

Ang chief of staff ay tinutulungan ng isang Deputy Chief of Staff na nagpapaganap ng kanyang mga utos sa pamamagitan ng Command Center na binubuo ng mga kinatawan ng Hukbong Katihan, Hukbong Himpapawid at Hukbong Dagat. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala ng Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay (o Joint Coordinating Staff) na mayroon din sariling lupon. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala sa iba pang lupong teknikal o administratibo na binuo ng chief of staff sa ilalalim ng Punong Himpilan (o General Headquarters) sa Kampo Aguinaldo sa Lungsod Quezon, katulad ng Special Operations Training Center.

Lupong personal[baguhin | baguhin ang source]

Maliban sa mga lupon sa ilalim ng Punong Himpilan, mayroon ding personal na lupon ang chief of staff na binubuo ng pitong tanggapan na tumutulong sa pagpapatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo at sa operasyong militar. Kabilang dito ang Inspektor Heneral, Sarhento Mayor at iba pang tanggapan na namamahala sa panagutang pampubliko, sa relasyon ng sandatahan sa Kongeso ng Pilipinas, sa pamamahala ng mag pagaari, impormasyong pangmadla at mga stratehiko at iba pang aralin.

Natatanging lupon[baguhin | baguhin ang source]

Meron ding natatanging lupon and Chief of Staff na tumutulong magpatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo. Ito ay binubuo ng labing-apat na tanggapan na kabilang ang Adyutante Heneral, Judge Advocate General, Provost Marshall General, punong chaplain, punong inhinyero, mamamahala ng pananalapi, Quartermaster General, Surgeon General, punong dentista, punong nars at mga tanggapan na namamahala ng mga lupain, benepisyong pagaaral, natatanging serbisyoo at ng programang pang-modernisasyon.

Mga yunit serbisyo ng buong sandatahan[baguhin | baguhin ang source]

May mga yunit na itinalaga para tugunan ang mga serbisyo at adya na kailangan ng iba't ibang yunit ng Sandatahang Lakas. Kabilang dito ang Komand ng Serbisyo sa Pangkalahatang Punong Himpilan, Serbisyong Intelihensya, Serbisyong Komisaryo, Serbisyo para sa Komunikasyong Elektroniko at Sistemang Pangimpormasyon, Komand Lohistiko, Sentrong Panggamot, Serbisyong Ugnayang Sibil, Kuerpo ng Lupong Heneral, Komand Reserba, Sentrong Pananalapi, Grupong Seguridad ng Panguluhan at Akademya Militar ng Pilipinas.

Ang Tatlong Pangunahing Sangay[baguhin | baguhin ang source]

Ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay binbuo ng mga sumusunod na sangay: Ang Hukbong Katihan, ang Hukbong Dagat(Sangay: Hukbong Kawal Pandagat, Tanod Baybayin) at Hukbong Panghimpapawid.

Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)[baguhin | baguhin ang source]

Ang Hukbong Katihan ay ang pangunahing puwersang panlupa ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa sampung Light Infantry Division, isang Light Armor Division, isang Special Operations Division, limang Engineering Battalion, isang Artillery Regiment (nagsisilbi sa AFP Headquarters sa Kampo Aguinaldo), ang Presidential Security Group (PSG), at tatlong Light-Reaction Companies. Nasa ilalim din nito ang Philippine Scout Rangers.

Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy)[baguhin | baguhin ang source]

Ang Hukbong Dagat ay ang pangunahing pwersang pandagat ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa dalawa pang sangay: ang Philippine Fleet at ang Philippine Marine Corps.

Philippine Fleet[baguhin | baguhin ang source]

Ang Philippine Fleet ay ang pangunahing plotang pandagat ng Hukbong Pandagat. Meron itong apat na yunit: ang Ready Force, ang Assault Craft Force, ang Patrol Force at ang Service Force.

Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas (Philippine Marine Corps)[baguhin | baguhin ang source]

Ang Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas o Philippine Marine Corps, PMC ay ang pangunahing amphibious force ng Hukbong Sandatahan. Sila ang namamahala sa paglusob mula sa dagat patungo sa baybayin.

Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Air-Force)[baguhin | baguhin ang source]

Ito ang pangunahing pwersang panghimpapawid ng Hukbong Sandatahan na dumadaan ngayon sa modernisasyon upang mapatibay ang himpapawid ng bansa at higit sa lahat maging produktibo sa pag-atake sa kalaban kalahi man o dayuhan.

Tanod Baybayin ng Pilipinas (Philippine Coast Guard)[baguhin | baguhin ang source]

ay isang ahensiya ng pamahalaan na itinatag sa ilalim ng Pangasiwaan ng Transportasyon at Komunikasyon para tagapagpatupad ng batas sa baybaying karagatan ng Pilipinas. katuwang sa malawakang pagpapatupad ng batas sa karagatan sa bansa, laban sa mga nagpupuslit ng mga pinagbabawal na bagay, iligal na pangingisda, pagpupuslit ng mga pinagbabawal na gamot at pamimirata.

Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay[baguhin | baguhin ang source]

Sa pamamagitan ng Command Center, nakikipagugnay ang pamunuan ng Sandatahang Lakas sa mga yunit sa ibang dako ng bansa sa pamamagitan ng Pinagkaisang Lupong Tagapag-ugnay na binubuo ng Deputy Chief of Staff para sa tauhan for Personnel (J1), Deputy Chief of Staff para sa intelihensya (J2), Deputy Chief of Staff para sa operasyon (J3), Deputy Chief of Staff para sa lohistika (J4), Deputy Chief of Staff para sa mga plano (J5), Deputy Chief of Staff para sa komunikasyong elektroniko at sistemang pangimpormasyon (J6) at Deputy Chief of Staff para sa mga usaping reserbista (J7).

Mga Pinagkaisang Komand[baguhin | baguhin ang source]

Komand ng Hilagang Luzon(NOLCOM)[baguhin | baguhin ang source]

Komand ng Katimugang Luzon(SOLCOM)

Komand ng Sentral(CENTCOM)

Komand ng Kanluran(WESCOM)

Komand ng Silangang Mindanao(EASTMINCOM)

Komand ng Kanlurang Mindanao(WESTMINCOM)

Tauhan[baguhin | baguhin ang source]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang source]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang source]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang source]