Digmaang Pilipino-Amerikano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (Ingles: Philippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng Amerika at ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1903.

Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.