Pumunta sa nilalaman

Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas
Ejercito en la Republica de la Filipina

Sagisag ng Ejercito en la Republica de la Filipina (1897)
Pagkakatatag ika-22 ng Marso 1897
Pagtatapat  Philippine Republic
Uri Militar
Gampanin Sandatahan
Sukat 100,000 to 1,000,000 (1898)[1]
Mga kulay Bughaw, Pula, at Puti
Mga anibersaryo ika-22 ng Marso
Mga pakikipaglaban Himagsikang Pilipino
Digmaang Espanyol-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
Mga komandante
Generalissimo Emilio Aguinaldo
Natatanging
mga komandante
Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Antonio Luna, Artemio Ricarte

Ang Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Ingles: Philippine Revolutionary Army) ,[2] (Kastila: Ejército Revolucionario Filipino ); (Tagalog: Hukbong Pilipinong Naghihimagsik) paglaon ay pinangalanang Hukbong Katihan ng Pilipinas ay ang opisyal na Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa pagkatatag noong Marso ng 1899 at sa pagkabuwag noong Nobyembre ng taong iyon pabor sa mga operasyong guerilla sa Digmaang Pilipino–Amerikano.

Regular soldiers of the Philippine Revolutionary Army stand at attention for an inspection.

Ginamit ng Rebolusyunaryong Hukbo noong 1896 ang edisyon ng regular na Kastilang hukbo na Ordenanza del Ejército upang i-organisa ang mga puwersa nito at maitatag ang isang karakter ng isang makabagong hukbo.[3] Inilatag ang mga batas at regulasyong para sa re-organisasyon ng hukbo, kasama sa regulasyon ng ranggo at ang pag-akma ng makabagong pakikipaglaban, mga insinya ng bagong ranggo, at ang uniporme na kilala sa tawag na rayadillo. Ang Pilipinong pintor na si Juan Luna ay nabigyan ng kredito sa disenyong ito.[4] Dinisenyo din ni Juan Luna ang insinya sa kuwelyo ng uniporme, ayon sa pagkaka-iba ng serbisyo: infantry, kabalyero, artilerya, mga inhinyerho, at mediko.[5][6][7] Ang kanyang kapatid, si Heneral Antonio Luna ay kinomisyon siya sa isang gawain at binayaran ng personal para sa uniporme.[4] Hindi bababa sa isang mananaliksik ang nag-sabi na si Juan Luna ay maaaring pinag-basehan ng tunika ayon sa English Norfolk jacket, dahil ang bersiyon ng Filipino ay hindi kopya ng anumang unipormeng Espanyol.[8] Ang infantry na opisyal ay nakasuot ng asul na pantalon na may guhit na itim sa gilid pababa, habang ang mga kabalyero na opisyal ay nakasuot ng pulang pantalaon na may itim na guhit.[9][10] Ang mga sundalo at batang mga opisyal naman ay ay may sobrerong gawa sa dayami senior habang ang mga mataas na opisyal ay may suot na en:Peaked cap.

Ang mga utos at sirkular ay inilabas sumasaklaw sa mga bagay tulad ng paggawa ng mga hukay at pagpapatibay, binigyan ng sandata ang mga kalalakihan na may edade 15 to 50 tulad ng pana at mga gulok, at itak bagamat ang mga opisyal ay may hawak na Europeong mga espada, upang ma-engganyo ang mga sundalong Pilipino sa hukbong Espanyol na bumaligtad, pagkolekto ng mga walang laman na basyo ng bala para lagyan ng pulbura, pagbabawal ng mga hindi planadong atake, imbentaryo ng mga nakuhang armas at mga bala, pangangalap ng pondo, pagbili ng armas at suplay sa labas ng bansa, pagkakaisa ng kumandante militar, at hinihimok ang mayayaman na magbigay ng tulong sa mga sundalo .[3]

Si Aguinaldo, matapos ang isang buwan ay nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas, lumikha ng pamantayan ng suweldo para sa mga opisyal sa hukbo: Kasunod ng lupon, ang isang brigada heneral ay tatanggap ng 600 piso taun-taon, at ang isang sarhento ng 72 na piso. Nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matinding pagkatalo sa lahat ng sektor. Maging si Antonio Luna ay hinimok si Apolinario Mabini, ang pinunong tagapayo ni Aguinaldo, na kumbinsihin ang Pangulo na ang pakikidigmang gerilya ay dpat na ipahayag ng mas maaga sa Abril 1899. Ginawa ni Aguinaldo ang taktikang gerilya noong November 13, 1899, binuwag ang natitirang regular na hukbo at pagkatapos ng marami sa kanyang mga yunit ay nasira at nagkawatak-watak sa mga laban .[11]

Ang mga Pilipino ay kapos sa mga modernong armas. karamihan sa kanilang mga sandata na nakuha mula sa mga Kastila, ay mga inayos lamang na armas kung hindi man ay mga tradisyunal na armas. Ang mga gamit na riple ng binubuong bagong hukbo ay ang Spanish M93 at ang Spanish Remington Rolling Block rifle].[3] Dagdag pa, habang nasa Hong Kong, si Emilio Aguinaldo ay bumile ng mga riple sa mga Amerikano.[12] Dalawang batch na 2,000 na riple bawat isa ay may kasamang mga bala ang inorder at binayaran. Ang unang batch ay dumating ngunit hindi ang pangalawa. Sa kanyang liham kay Galicano Apacible, si Mariano Poncenaghanap din ng armas sa perhong domestiko at inetrnasyunal na nagbebenta sa bansang Hapon.[13] Inalok siya ng ibang breech-loading o isang putok na riple sapagkat maraming mga bansa ay binabalewala ito pabor sa bago na bolt-action] na riple. Gayunman, walang anuman na nabanggit na may naganap na pagbili. Isa pang planong pagbili ay ang Murata rifle mula sa bansang Hapon subalit walang anuman na nakatala na napasakamay ito ng mga rebolusyunaryong Pilipino.

Nagsilbing armas ng Hukbong Pilipino ay ang mga nakuhang mga baril na Kastila katulad ng en:Krupp, en:Ordóñez guns, at Maxim-Nordenfelt multi-barreled guns. Mayroon ding improbisadong artileryang armas na gawa sa tubo na pinatibay ng kawayan o troso na kilala sa tawag na lantaka, na maari lamang paputukin ng minsan o dalawa.[3]

Si Hen. Emilio Aguinaldo,ang Supremong Kumander ng Panghimagsikang Hukbo ng Pilipinas
Ang grupo na makikita si Heneral Manuel Tinio (nakaupo sa gitna), Si Heneral Benito Natividad (nakaupo, pangalawa sa kanan), sj Tinyente Koronel Jose Alejandrino (nakaupo, pangalawa sa kaliwa), at ang kanilang mga kasama
Antonio Luna, kilalang Punong Kumandante ng Himagsikang Hukbo ng Pilipinas.
Artemio Ricarte, Kumandante ng Himagsikang Hukbo ng Pilipinas.
Si Heneral Gregorio del Pilar, at kanyang tropa noong 1898.
Mga sundalo ng hukbo na nakatalaga malapit sa simbahan ng Barasoain sa isang sesyon ng Kongreso.
Uniporme ng mga opisyal at sundalo, 1899–1902.

Ang ebolusyon ng rebolusyonaryong insignia ng Pilipinas ay maaaring hatiin sa tatlong pangunahing yugto; maagang Katipunan, huling yugto ng Katipunan at hukbong Republikano.

Ranggo sa Hukbong

Rebolusyunaryo

Sa Tagalog Sa Espanyol Insigniya sa Manggas Insignyang dekorasyon sa Balikat
(1899–1901)
Minister Marshal Ministrong Mariskal Ministro Mariscal
Captain General Kapitán Heneral Capitán General
Lieutenant General Tenyente Heneral Teniente General
Major General Heneral ng Dibisyon General de División
Brigadier General Heneral ng Brigada General de Brigada
Colonel Koronel Coronel
Lieutenant Colonel Tenyente Koronel Teniente Coronel
Major Komandante Comandante
Captain Kapitán Capitán
Lieutenant Tenyente Teniente
Second lieutenant Alpéres

Ikalawang Tenyente

Alférez

Segundo Teniente

Kulay ng Sangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1898, ang gobyernong Pilipino any nagbigay ng mga kulay sa sangay ng dalawang beses:

Sangay Hulyo 30, 1898 Nobyembre 25, 1898
Infantry Black Deep Red
Artillery Red Green
Cavalry Green Black
Engineer Corps Violet Khaki
General Staff Blue Blue
Military Juridical Corps White White
Commissary and Quarter-master Corps Yellow
Medical Corps Red Cross Yellow
Military Administration Rayadillo
Pharmacists Yellow and Violet Piping
Secretary of War personnel Blue
Military Academy Blue
Chaplains Violet
Telegraph Corps Hemp

Pagpapatala at panghihikayat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong rebolusyon laban sa Espanya, ang Katipunan ay nagbigay ng mga pulyetos sa mga tao upang himukin sila na sumama sa himagsikan. Sapagkat ang mga rebolusyunaryo ang naging mga regular na sundalo noong panahon ni Emilio Aguinaldo, inumpisahan nilang himukin ang mga kalalakihan ang ibang kababaihan na may edad 15 pataas bilang pagsisilbi sa bayan. Ilang mga Espanyol at Pilipinong naitala at mga opisyal og hukbong Espanya and hukbong dagat ng Espanya ay tumalikod sa Rebolusyunaryong hukbo, gayunpaman ang iba pang mga dayuhan at mga Amerikano ay boluntaryong sumama noong panahon ng rebolusyong

Ang pagpili sa rebolusyonaryong hukbo ay nagkabisa sa Pilipinas at ang serbisyong militar ay naging was sapilitan noong panahon ni Hen. Antonio Luna, ang pangunahing kumandante ng hukbo noong Digmaang Pilipino–Amerikano.[14]

Rebolusyunaryong Hukbong Pang-dagat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang Rebolusyunaryong Hukbong Pang-dagat noong ikalawang yugto ng Himagsikang Pilipino nang si Heneral Emilio Aguinaldo ay itinatag ito. Noong Mayo 1, 1898, ang unang barko ay ibinigay ni Admiral George Dewey sa Rebolusyunaryong Hukbong Pang-dagat ay isang maliit na pinnace mula sa Reina Cristina ni Admiral Patricio Montojo,na pinangalanang Magdalo.[15] Ang Hukbong pang-dagat ay maliit lamang noong una na may walong Spanish steam launches na nakuha mula sa mga Espanyolc. Ang barko ay nilagyan ng 9-centimeter ng mga baril. Ang mga mayayaman, sina Leon Apacible, Manuel Lopez at Gliceria Marella de Villavicencio, ay nagbigay ng lima pang mga sasakyang dagat na mas malalaki, ang Taaleño, ang Balayan, ang Bulusan, ang Taal at ang Purísima Concepción. Ang00-ton inter-island tobacco steamer paglaon ay nagpalaks sa hukbo, ang Compania de Filipinas (pinangalanan na Filipinas), na binili mula Tsina at iba pang sasakyang pang-tubig na bigay ng mayayamang makabayan.[15][16]

Ang mga istasyon ng hukbong-dagat kalaunan ay itinatag upang magsilbi bilang mga baseng tahanan ng mga barko sa mga sumusunod: [16]

  • Puerto ng Aparri
  • Puerto ng Legaspi
  • Puerto ng Balayan
  • Puerto ng Calapan
  • Puerto ng San Roque, Cavite

Noong Setyembre 26, 1898, si Aguinaldo ay hinirang si Kapitan Pascual Ledesma (isang kapitan ng pang merkadong barko) bilang Direktor ng Bureau of the Navy, katulong si Kapitan Angel Pabie (isang ding kapitan ng pang merkadong barko). Matapos maipasa ang Konstitusyon ng Malolos ang hukbong pang-dagat ay nailipat sa Ministry of Foreign Relations sa Department of War (matapos ay nakilalang Department of War and the Navy) na pinamunuan ni Hen. Mariano Trías.[15][16]

Nang ang tensyon sa pagitan ng Pilipino at Amerikano ay sumiklab sa 1899 at nagpatuloy ang pagharang sa hukbong pang-dagat ng mga Amerikano, ang Hukbong pang-dagat ng Pilipinas ay nagsimulang masira.[15]

Mga watawat at mga unang bandila ng rebolusyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pangkalahatang opisyales

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panahon na umiral ang Rebolusyunaryong hukbo , mahigit 100 indibidwal ang hinirang na may Heneral na grado. Sa iba pang detalye, tignan ang Listahan ng mga heneral na Pilipino sa Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano na artikulo.

Iba pang kilalang opisyales

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Manuel L. Quezon, isang dating pangulo ng Pilipinas, na naging en:Major sa Hukbo.
Francisco "Paco" Román – kanang kamay ni Tinyente Heneral Antonio Luna.
  • Heneral Águeda Kahabagan y Iniquinto - Kumandante ng Reserve Corps noong April 6, 1899. Ang nag-iisang babae sa talaan.
  • Korornel Agapito Bonzón
  • Korornel Felipe Salvador – Kumandante ng paksyon na Santa Iglesia.
  • Korornel Apolinar Vélez
  • Korornel Alejandro Avecilla
  • Korornel Francisco "Paco" Román – Katulong ni Tinyente Heneral Antonio Luna.
  • Korornel Manuel Bernal – Katulong ni Tinyente Heneral Antonio Luna.
  • Korornel Pablo Tecson – Pinuno, Labanan sa Quingua.
  • Korornel Alipio Tecson – Supremong Kumandante Militar sa Tarlac noong 1900 at ipinatapon sa Guam.
  • Korornel Simón Tecson – Namuno sa Labanan sa Baler; isa sa mga lumagda sa Konstitusyon ng Biak-na-Bato.
  • Korornel Simeón Villa
  • Korornel Luciano San Miguel
  • Korornel José Tagle – Nakilala sa kanyang ginampanan sa Labanan sa Imus.
  • Tinyente Koronel Lázaro Macapagal – Kumandante opisyal sa pagbitay sa magkapatid na Andrés at Procopio Bonifacio.
  • Tinyente Koronel José Torres Bugallón – Bayani ng Labanan sa La Loma.
  • Tinyente Koronel Regino Díaz Relova – Lumaban bilang isa sa mga nanguna sa ilalim ni Heneral Juan Cailles sa lalawigan ng Laguna.
  • Major Manuel Quezon – Katulong ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Pagkatapos ay sumunod sa kanya bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng itinataguyod ng Estados Unidos na Komonwelt.
  • Major Eugenio DazaArea Commander katimugang Samar at panglahatang kumandante at pangunahing nag-organisa ng Balangiga Encounter.
  • Major Juan Arce
  • Kapitan José Bernal – Katulong ni Tinyente Heneral Antonio Luna.
  • Kapitan Eduardo Rusca – Katulong ni Tinyente Heneral Antonio Luna.
  • Kapitan Pedro Janolino – Kumandante opisyal ng Batalyon ng Kawit.
  • Kapitan Vicente Roa
  • Kapitan Serapio Narváez – Opisyal ng 4th Company, Batalyon ng Morong.
  • Kapitan Cirilo Arenas- Kapitan ng Maguagui (Naic), Cavite.
  • Tinyente García – isa sa mga paboritong asintado ni Hen. Luna's sa Black Guard yunit.
  • Kabo Anastacio Félix – 4th Company, Batalyon ng Morong, unang Pilipinong nasawi sa Digmaang Pilipino-Amerikano.[17]

Kilalang mga opisyal at kanilang katutubong pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Juan Cailles.


Army
  • Heneral Juan Cailles – Franco-Indian mestizo pinangunahan ang puwersang Pilipino sa Laguna[18]
  • Heneral José Valesy Nazaraire – Spanish.[18]
  • Brigada Heneral José Ignacio Paua – Purong Intsik na Heneral sa Hukbo.[19]
  • Brigada Heneral B. Natividad – Gumanap na Kumandante ng Brigada sa Vigan sa ilalim ni Heneral Tinio.[20]
  • Koronel Manuel Sityar – Kalahating Espanyol na Direktor ng Academía Militar de Malolos. Isang dating kapitan sa hukbong kolonyal ng Espanya na pumanig sa mga Pilipino.[21]
  • Koronel Sebastian de Castro – Kastilang direktor ng hospital pang militar sa Malasiqui, Pangasinan.[18]
  • Koronel Dámaso Ybarra y Thomas – Kastila.[18]
  • Tinyente Koronel Potenciano Andrade – Kastila.[18]
  • Estaquio Castellor – Pranseng mestizo na nanguna sa isang batalyon ng mga asintado.[18]
  • Kumandante Candido Reyes – Guro sa Academía Militar de Malolos. Dating Sarhento sa hukbo ng Espanya.[22]
  • Kumandante José Reyes – Guro sa Academía Militar de Malolos.Dating Sarhento sa hukbo ng Espanya.[22]
  • Kumandante José Torres Bugallón – Kastilang opisyal na nagsilbi sa ilalim ni Heneral Luna.[18]
  • Kapitan Antonio Costosa – Dating opisyal sa hukbo ng espanya.
  • Kapitan Tei Hara – Opisyal na Hapon na nakipaglaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano kasama ang mga boluntaryong sundalo.[23]
  • Kapitan Chizuno Iwamoto – Opisyal na Hapon na nagsilbi kay Emilio Aguinaldo.[24] Returned to Japan after Aguinaldo's capture.[24]
  • Isang Hapon na nagngangalang Tobira ("Tomvilla" sa talaan ng mga Amerikano) na isang adjutante kay Heneral Licerio Geronimo.[25]
  • Kapitan David Fagen – Isang Aprikanong Amerikano Isang Kapitan na nagsilbi sa ilalim ni Heneral ng Brigada Urbano Lacuna. Dating Kabo sa United States Army 24th Colored Regiment.[26][27][28]
  • Kapitan Francisco Espina – Kastila.[20]
  • Kapitan Estanislao de los Reyes – Kastilang aide-de-camp kay Heneral Tinio.[20]
  • Kapitan Feliciano Ramoso – Kastilang aide-de-camp kay Heneral Tinio.[20]
  • Kapitan Mariano Queri – Kastilang opisyal na nagsilbi sa ilalim ni Heneral Luna bilang guro sa Academía Militar de Malolos at naging director-general ng departamentong pangdigmaan.[18]
  • Kapitan Camillo Richairdi – Italiano.[18]
  • Kapitan Telesforo Centeno – Kastila.[18]
  • Kapitan Arthur Howard – Amerikano na tumakas mula sa 1st California Volunteer.[28]
  • Kapitan Glen Morgan – Amerikano na nag-organisa ng mga pwersang paglaban sa gitnang Mindanao.[28]
  • Kapitan John Miller – Amerikano na nag-organisa ng mga pwersang paglaban sa gitnang Mindanao.[28]
  • Kapitan Russel – Amerikanong tumakas sa 10th Infantry.[28]
  • Tinyente Danfort – Amerikanong tumakas sa 10th Infantry.[28]
  • Tinyente Maximino Lazo – Kastila.[18]
  • Tinyente Gabriel Badelly Méndez – Cubano.[18]
  • ika-2 Tinyente Segundo Paz – Kastila.[18]
  • Tinyente Alejandro Quirulgico – Kastila.[20]
  • Tinyente Rafael Madina – Kastila.[20]
  • Tinyente Saburo Nakamori – Hapon.[29]
  • Tinyente Arsenio Romero – Kastila.[20]
  • Private John Allane – Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.[30]
  • Private Harry Dennis Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos- bumaligtad ng panig noong Digmaang Pilipino-Amerikano .[30]
  • Private William Hyer – Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.[31]
  • Private Meeks (hindi nakilala ang buong pangalan) – United States Army.[30]
  • Private George Raymond – 41st Infantry, United States Army.[kailangan ng sanggunian]
  • Private Maurice Sibley – 16th Infantry, United States Army.[32]
  • Private John Wagner – United States Army.[30]
  • Private Edward Walpole – United States Army.[30]
  • Henry Richter – Amerikanong tumakas mula sa 9th Cavalry.[28]
  • Gorth Shores – Amerikanong tumakas mula sa 9th Cavalry.[28]
  • Fred Hunter – Amerikanong tumakas mula sa 9th Cavalry.[28]
  • William Denten – Amerikanong tumakas at nagsilbi kay Heneral Lukban sa Samar.[28]
  • Enrique Warren – Amerikanong tumakas at nagsilbi kay Francisco Makabulos in Tarlac.[28]
  • Frank Mekin - Amerikanong tumakas mula sa 37th Infantry at nagsilbi bilang Tinyente sa ilalim ni Heneral Juan Cailles.[33]
  • Earl Guenther - Amerikanong tumakas at isang tagapangalaga ng kantina mula sa37th Infantry sa garison ng Paete na nagsilbi sa ilalim ni Heneral Juan Cailles.[34]
  • Antonio Prisco – Kastila.[18]
  • Manuel Alberto – Kastila.[18]
  • Eugenia Plona – Kastila aide-de-camp kay Baldermo Aguinaldo.[18]
  • Alexander MacIntosh – Ingles.[28]
  • William McAllister – Ingles.[28]
  • Charles MacKinley – Isang Ingles na nagsilbi sa Laoag.[28]
  • James O'Brian – Ingles.[28]
Navy
  1. Deady 2005, p. 62
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-29. Nakuha noong 2021-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Philippine-American War, 1899–1902". philippineamericanwar.webs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 30, 2015. Nakuha noong Enero 28, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Jose, Vivencio R. (1986). The Rise and Fall of Antonio Luna. Solar Publishing. p. 106.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Uniformology II". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 2, 2008. Nakuha noong Mayo 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo May 2, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  6. Alejandrino, Jose (1949). The Price of Freedom.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Opiña, Rimaliza (Nobyembre 14, 2004). "Military academy sheds West Point look". Sun.Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 29, 2008. Nakuha noong Mayo 19, 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Combs, William K. "Filipino Rayadillo Norfolk-pattern Tunic". Nakuha noong Mayo 18, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Filipino Rayadillo Norfolk Pattern Tunic". Nakuha noong Oktubre 18, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Uniformology I". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 2, 2008. Nakuha noong Mayo 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo May 2, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  11. Linn 2000a, pp. 186–187
  12. Agoncillo, Teodoro (1960). History of the Filipino People.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Ponce, Mariano. Cartas Sobre la Revolución.
  14. Gregorio F. Zaide (1968). The Philippine Revolution. Modern Book Company. p. 279.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 Zulueta, Joselito. "History of the Philippine Navy". Philippine Navy. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2010. Nakuha noong Hulyo 21, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo February 17, 2010[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  16. 16.0 16.1 16.2 "THE PHILIPPINE NAVY" (PDF). dlsu.edu.ph. De La Salle University-Manila (ROTC). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Setyembre 14, 2012. Nakuha noong Hulyo 21, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "FIL-AM WAR BREAKS OUT". philippineamericanwar.webs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-29. Nakuha noong 2021-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.00 18.01 18.02 18.03 18.04 18.05 18.06 18.07 18.08 18.09 18.10 18.11 18.12 18.13 18.14 18.15 Tan 2002, p. 249.
  19. Linn 2000b, p. 97.
  20. 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 20.5 20.6 Tan 2002, p. 108.
  21. Tan 2002, pp. 108, 249.
  22. 22.0 22.1 Halili 2004, p. 169.
  23. "Japanese with a different face". Hulyo 3, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Ambeth R. Ocampo (Hulyo 3, 2015). "Japanese with a different face". inquirer.net.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Report of the United States Philippine Commission to the Secretary of War for the period from December 1, 1900, to October 15, 1901
  26. Bowers, Hammond & MacGarrigle 1997, p. 12.
  27. Fantina 2006, p. 88.
  28. 28.00 28.01 28.02 28.03 28.04 28.05 28.06 28.07 28.08 28.09 28.10 28.11 28.12 28.13 28.14 Tan 2002, p. 250.
  29. Consistency Is the Hobgoblin: Manuel L. Quezon and Japan, 1899–1934 by Grant K. Goodman, Vol. 14, No. 1 (Mar. 1983), p.79.
  30. 30.0 30.1 30.2 30.3 30.4 Scott 1986, pp. 36–37
  31. Scott 1986, pp. 36–37, 195
  32. Hurley, Vic (Hunyo 14, 2011). Jungle Patrol, the Story of the Philippine Constabulary (1901–1936). Cerberus Books. p. 169. ISBN 978-0-9834756-2-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. The Bamberg herald. June 27, 1901
  34. San Francisco Call, Volume 87, Number 23, 23 June 1901

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

The Philippine revolutionary army has been mentioned in several books and films.

Panglabas na sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]