William McKinley

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
William McKinley
William McKinley-head&shoulders.jpg
Larawan ni Presidente William McKinley na kinuha ni B.M. Clinedinst, circa 1900.
Ika-25 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
Nasa puwesto
Marso 4, 1897 – Setyembre 14, 1901
Pangalwang PanguloGarret A. Hobart (1897–1899)
Wala (1899–1901)
Theodore Roosevelt (1901)
Nakaraang sinundanGrover Cleveland
Sinundan niTheodore Roosevelt
39th Gobernador ng Ohio
Nasa puwesto
Enero 11, 1892 – Enero 13, 1896
TinyenteAndrew Lintner Harris
Nakaraang sinundanJames E. Campbell
Sinundan niAsa S. Bushnell
Miyembro ng U.S. House of Representatives sa ika-17, ika-16, ika-18, at ika-20 na distritong kongresyonal ng Ohio
Nasa puwesto
Marso 4, 1877- Mayo 27, 1884,
 – Marso 4, 1887- Marso 3, 1891
Pansariling detalye
Ipinanganak
William McKinley, Jr.

29 Enero 1843(1843-01-29)
Niles, Ohio
Namatay14 Setyembre 1901 (edad 58)
Buffalo, New York
Partidong pampolitikaRepublican
(Mga) AsawaIda Saxton McKinley
Mga anakKatherine, Ida
Alma materAllegheny College
Albany Law School
TrabahoAbogado
Pirma
Serbisyo sa militar
KatapatanEstados Unidos
Union
Sangay/serbisyoHukbong Katihan ng Estados Unidos
Hukbong Katihan ng Union
Mga taon ng serbisyo1861–1865
RangggoKapitan (brevet major)
Yunit23rd Ohio Volunteer Infantry Regiment
Mga labanan/digmaanDigmaang Sibil ng Estados Unidos

Si William McKinley (Enero 29, 1843 – Setyembre 14, 1901) ay ang ika-25 pangulo ng Estados Unidos, na naglingkod mula Marso 4, 1897, hanggang sa mapatay noong Setyembre 1901, anim na buwan bago ang kanyang ikalawang termino. Pinamunuan ni McKinley ang tagumpay ng Estados Unidos sa Digmaang Espanyol-Amerikano, at nagtaas ng mga taripa upang itaguyod ang industriyang Amerikano. Bagaman napaikli ang panunungkulan ni McKinley dahil sa pagpaslang san kanya, ang kanyang pagkapangulo ang nagmarka ng simula sa panahon ng paghahari ngpetmalung pangulot nagtagal ng humigit kumulung isang dantaon.

Nagmarka ang pagkapangulo ni McKinley dahil sa mabili na pag-unlad ng ekonomiya ng Estados Unidos. Itinaguyod niya ang Dingley Tariff ng 1897 upang protektahan ang mga pagawaan at mga manggagawa nito sa mga kakompetensyang mga banyaga, at noong 1900, ay ipinasa ang Gold Standard Act. Hinimok ni McKinley ang Espanya na palayain ang Cuba na hindi gumagamit ng dahas, subalit ng hindi naging matagumpay ang negosasyon, pinamunuan niya ang Estados Unidos sa Digmaang Espanyol-Amerikano ng 1898; naging mabilis ang tagumpay ng Estados Unidos. Bilang bahagi ng Kasunduang pangkapayapaan, ibinigay ng Espanya ang mga kolonya nitong Puerto Rico, Guam at ang Pilipinas; Pinangakuan nito ng kalayaan ang Cuba, subalit noong mga panahong iyon ay nanatiling nasa ilalim ng pamamahala ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.