Ronald Reagan
Ronald Reagan | |
---|---|
![]() | |
Ika-40 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1981 – Enero 20, 1989 | |
Pangalawang Pangulo | George H. W. Bush |
Nakaraang sinundan | Jimmy Carter |
Sinundan ni | George H. W. Bush |
Personal na detalye | |
Isinilang | Ronald Wilson Reagan 6 Pebrero 1911 Tampico, Illinois, U.S. |
Yumao | 5 Hunyo 2004 Bel Air, Los Angeles, California, U.S. | (edad 93)
Dahilan ng pagkamatay | Pneumonia complicated by Alzheimer's disease |
Himlayan | Ronald Reagan Presidential Library and Center 34°15′32″N 118°49′14″W / 34.25899°N 118.82043°W |
Partidong pampolitika | Republican |
Ibang ugnayang pampolitika | Democratic (before 1962) |
Asawa |
|
Anak | 5 |
Si Ronald Wilson Reagan (6 Pebrero 1911 – 5 Hunyo 2004) ay isang Amerikanong aktor at politiko na naglingkod bilang ikaapatnapung pangulo ng Estados Unidos mula 1981 hanggang 1989. Siya ay naging miyembro ng Partido Republikano at at naging mahalagang pigura sa kilusang konserbatibong Amerikano. Ang kaniyang pagkapangulo ay kilala bilang Reagan era.[1]
Taal sa Illinois, nagtapos sa Eureka College si Reagan noong 1932 at kinuha noong sumunod na taon bilang isang mamamahayag para sa palakasan sa Iowa. Noong 1937, lumipat siya sa California kung saan siya ay naging isang kilalang aktor sa pelikula. Sa panahon ng kaniyang karera bilang aktor, naging pangulo si Reagan ng Screen Actors Guild nang dalawang beses mula 1947 hanggang 1952 at mula 1959 hanggang 1960. Noong dekada 1950s, pinangunahan niya ang General Electric Theater at naging isang motivational speaker para sa General Electric.
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Ronald Wilson Reagan noong 6 Pebrero 1911 sa isang apartamento sa Tampico, Illinois sa mga magulang na sina Nelle Clyde Wilson at Jack Reagan.[2] Nakatuon si Nelle sa Disciples of Christ,[3] na naniniwala sa Social Gospel.[4] Pinangunahan niya ang mga pagpupulong ng panalangin at nagpapatakbo ng mga panalangin sa kalagitnaan ng linggo sa kaniyang simbahan kapag nasa labas ng bayan ang pastor.[3] Kinilala ni Reagan ang kaniyang espirituwal na impluwensya at siya ay naging isang Kristiyano.[5][6] Sa kaniyang kabataan, binansagan siya ng kaniyang amang si Jack na "Dutch" dahil sa kanyang pagkakahawig sa isang matabang "Dutchman" at ang kaniyang "Dutchboy" na gupit.[7] Nakatuon si Jack sa pagkita ng pera para pangalagaan ang kaniyang pamilya, ngunit naging komplikado ito dahil sa kaniyang alkoholismo.[2][8] Panandaliang nanirahan ang kaniyang pamilya ay sa iba't ibang bayan at lungsod sa Illinois, kabilang ang Monmouth, Galesburg, at Chicago, hanggang sa bumalik sila sa Tampico noong 1919 at nanirahan sa itaas ng H.C. Pitney Variety Store.[9][10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Weisman, Steven R. (21 Enero 1981). "Reagan Takes Oath As 40th President; Promises An 'Era Of National Renewal'". New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Mayo 2025.
- ↑ 2.0 2.1 Kengor 2004, p. 5.
- ↑ 3.0 3.1 Kengor 2004, p. 12.
- ↑ Spitz 2018, p. 36.
- ↑ Kengor 2004, p. 48.
- ↑ Kengor 2004, p. 10.
- ↑ "Reagan's Life & Times". The Ronald Reagan Presidential Foundation & Institute (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
- ↑ Brands 2015, p. 10.
- ↑ Pemberton 1998, p. 5.
- ↑ Woodard 2012, p. 4.