Dwight D. Eisenhower
Dwight David Eisenhower | |
---|---|
Ika-34 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1953 – Enero 20, 1961 | |
Pangalawang Pangulo | Richard Nixon |
Nakaraang sinundan | Harry S. Truman |
Sinundan ni | John F. Kennedy |
Personal na detalye | |
Isinilang | 14 Oktubre 1890 Denison, Texas |
Yumao | 28 Marso 1969 Washington, D.C. | (edad 78)
Kabansaan | American |
Partidong pampolitika | Republican |
Asawa | Mamie Eisenhower |
Anak | Doud John |
Si Dwight D. Eisenhower ay ang ika-34 na Pangulo ng Estados Unidos. Kilala siya sa buong mundo bilang heneral na nagdulot ng tagumpay para sa Magkaalyadong sandatahan (Allied forces) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya rin ang kilalang pangulo na nagpakalma sa pagitan ng dalawang Korea dulot ng Digmaang Koreano, gayundin sa pagpapakalma noong Malamig na Digmaan sa pagitan naman ng Estados Unidos at Unyong Sobyet.[1]
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa nangyaring pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, pumirma si Franklin D. Roosevelt ng ehekutibong utos na magtatalaga ng benepisyo para sa mga beteranong Pilipino. Subalit hindi ito nasang-ayunan ng mga tagapayong militar ni Roosevelt, kasama na si dating heneral Dwight Eisenhower. Partikular na nangatuwiran si Eisenhower na ang sapat na pwersa upang mabawi ang Pilipinas ay hindi maaaring tipunin nang hindi masasaktan ang pagsisikap sa digmaan sa Europa.[2]
Nang makamtan ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946, tutol si Eisenhower sa desisyon ng Estados Unidos na panatilihin ang kanilang mga military bases (U.S. military bases) sa loob ng Pilipinas. Ayon sa kanya, masmakabubuti na magkaroon ng positibong relasyon ang dalawang bansa at tratuhing kaibigan ng Amerika ang bansang Pilipinas.[2]
Pagkatapos ng kamatayan ni dating pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipinas, nagbigay ng mensahe si Eisenhower na ang kanyang pagkamatay ay "isang kawalan ng mga Pilipino sa Republika ng Pilipinas at kawalan ng isang matapang na tagapagtanggol ng kalayaan sa isang malayang daigdig."[3]
Kilala si Eisenhower bilang ang kauna-unahang pangulo ng Amerika na bumisita sa Pilipinas. Ito ay nangyari noong Hunyo 14–16, 1960 sa administrasyong Carlos P. Garcia.[4][5] Naging sentro ng kanilang pagkikita ang pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa. Pinag-usapan din nila ang nangyayaring paglawig ng impluwensyang komunismo sa rehiyon lalong-lalo na sa mga babalang ginawa ng Komunistang Tsina.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Dwight D. Eisenhower". The White House (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Luis H. Francia (2013), History of the Philippines: From Indios Bravos to Filipinos, Harry N. Abrams
- ↑ Zafra, Nicolas (1972), Maikling Kasaysayan ng Pilipinas, Alemar-Phoenix Publishing House, Inc.
- ↑ News, G. M. A. (2012-11-07). "Unang US President na bumisita sa Pilipinas". GMA News Online. Nakuha noong 2023-05-22.
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Joint Communique issued by President Carlos P. Garcia and President Dwight D. Eisenhower on the latter's State Visit to the Philippines from June 14, to 16, 1960 | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). 1960-06-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-22. Nakuha noong 2023-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)