Pumunta sa nilalaman

George Washington

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
George Washington
Ika-1 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
Nasa puwesto
30 Abril 1789 – 4 Marso 1797
Pangalwang PanguloJohn Adams
Sinundan niJohn Adams
Unang Punong Komandante ng Hukbong Kontinental
Nasa puwesto
15 Hunyo 1775 – 23 Disyembre 1783
Appointed byKongresong Kontinental
Nakaraang sinundanWala, nilikha ang puwesto
Sinundan niHenry Knoxb
Ika-6 Kumandanteng Heneral ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Hulyo, 1798 – Disyemrbre 14, 1799
PanguloJohn Adams
Nakaraang sinundanJames Wilkinson
Sinundan niAlexander Hamilton
Personal na detalye
Isinilang22 Pebrero 1732(1732-02-22)
Westmoreland County, Kolonya ng Virginia, Amerikang Britaniko
Yumao14 Disyembre 1799(1799-12-14) (edad 67)
Mount Vernon, Virginia, Estados Unidos
KabansaanAmerikano
Partidong pampolitikaWala
AsawaMartha Dandridge Custis Washington
AnakJohn Parke Custis (stepson)
Martha Parke Custis (babaeng anak sa panguman o unang asawa)
Eleanor Parke Custis Lewis (apong babae sa anak ng unang asawa, pinalaki ni Washington)
George Washington Parke Custis (apong lalaki sa anak ng unang asawa, pinalaki ni Washington)
TrabahoMagsasaka (Manananim)
Kawal (Heneral)
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya
Estados Unidos
Taon sa lingkod1752–1758
1775–1783
1798–1799
RanggoTenyente Heneral
AtasanRehimento ng Virginia ng Hukbong Britaniko
Hukbong Kontinental
Hukbo ng Estados Unidos
a Tingnan ang Pangulo ng Estados Unidos, sa Kongresong Tinipon.
b Naglingkod si Heneral Knox bilang Nakatataas na Opisyal ng Hukbo ng Estados Unidos.

Si George Washington (22 Pebrero 1732 – 14 Disyembre 1799) ay ang pangunahing pinunong militar at pampolitika ng bagong Estados Unidos ng Amerika noong mga taong 1775 hanggang 1797, at namuno sa tagumpay ng Estados Unidos sa Britanya noong Digmaan ng Himagsikang Amerikano bilang punong komandanto ng Hukbong Kontinental, 1775–1783, at nangasiwa sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1787. Bilang tanging pagpipilian bilang unang pangulo ng Estados Unidos (1789–1797), itinatag niya ang mga pamamaraan at ritwal ng pamahalaan na ginagamit hanggang sa kasalukuyan, tulad ng sistema ng gabinete at pagpapahayag ng salitang inaugural. Gumawa ang pangulo ng isang matatag na pamahalaang pambansa na umiwas sa digmaan, kinitil ang paghihimagsik, at tinanggap ng mga iba't ibang uri ng mga Amerikano. Mula noon itinanghal siya bilang "Ama ng Kanyang Bayan", si Washington, kasama si Abraham Lincoln (1809–1865) ay naging mga pangunahing simbulo ng pagpapahalagang republikano, pagbibigay ng sarili para sa bansa, nasyonalismong Amerikano, at ang pinakamabuting paraan ng pagsasama ng pagkapinunong sibil at militar.

Ipinanganak siya sa Westmoreland County, Virginia. Nahalal siya bilang manunuri o surveyor para sa Culpeper County noong 1749. Noon namang 1753, ipinadala siya ng gobernador ng Virginiang si Gobernador Dinwiddie upang makipag-usap sa mga Pranses sa Ohio Valley. Nataas siya bilang tenyente koronel noong 1754. Naging pinuno siya ng hukbo ng Virginia mula 1755 hanggang 1758. Isa siyang delegado ng Unang Kongresong Kontinental (1774), at gayundin ng Pangalawang Kongresong Kontinental (1775). Sa taong 1775, nahalal din siya bilang hepe ng mga puwersang Amerikano. Naging pangulo siya ng Kumbensiyong Pederal noong 1787, at naging pangulo ng bansang Estados Unidos mula 1789 hanggang 1797.[1]

Napangasawa niya si Martha Curtis noong 1759. Nagkaroon sila ng dalawang apo, sina George Washington Parke Curtis at Eleanor Parke Curtis. Namatay si George Washington sa Mount Vernon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.