Pumunta sa nilalaman

Digmaang Kastila–Amerikano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Digmaang Espanyol-Amerikano)

Ang Digmaang Kastila–Amerikano[a] (Abril 21 – Disyembre 10, 1898) ay labanan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos noong 1898. Nagsimula ito sa paglubog ng USS Maine sa Daungang Havana sa Cuba, at nagresulta sa pagkuha ng Estados Unidos ng soberanya ng Puerto Rico, Guam, at Pilipinas, at isang protektorado ng Cuba. Kinakatawan nito ang interbensyon ng Estados Unidos sa Digmaang Pangkasarinlan sa Cuba at Himagsikang Pilipino, kung saan ang huli humantong ang huli sa Digmaang Pilipino–Amerikano. Tinapos ng Digmaang Kastila–Amerikano ang halos apat na siglong presensya ng mga Kastila sa Amerika, Asya, at Pasipiko; Samantala, ang Estados Unidos ay hindi lamang naging isang pangunahing kapangyarihang pandaigdig, subalit nakakuha din ng ilang mga pag-aaring pulo na sumasaklaw sa iba't ibang panig ng mundo, na nagdulot ng matinding pagtatalo sa karunungan ng pagpapalawak ng teritoryo.[5]

Kinatawan ng ika-19 na dantaon ang sa isang malinaw na paghina ng Imperyong Kastila, habang humantong ang Estados Unidos mula sa isang bagong tatag na bansa patungo sa isang bansang tumataas ang kapangyarihan. Noong 1895, sinimulan ng mga nasyonalistang Cubano ang isang pag-aalsa laban sa pamumuno ng mga Kastila, na brutal na sinupil ng mga kolonyal na awtoridad. Pinalaki ng dilaw na pamamahayag sa Estados Unidos ang mga kalupitan sa Cuba upang magbenta ng higit pang mga pahayagan at magasin, na nagpakilos sa opinyon ng publiko ng Amerika bilang suporta sa mga rebelde.[6][7] Nilabanan ni Pangulong Grover Cleveland ng Estados Unidos ang tumataas na mga kahilingan para sa interbensyon ng Estados Unidos, gayundin ang kanyang kahalili na si William McKinley.[8] Bagaman hindi naghahangad ng digmaan, gumawa si McKinley ng mga paghahanda bilang kahandaan para sa digmaan.

Noong Enero 1898, ang armadong krusero ng Hukbong-dagat ng Estados Unidos na USS Maine ay ipinadala sa Havana upang magbigay ng proteksyon para sa mga mamamayan ng Estados Unidos. Matapos lumubog ang Maine sa pamamagitan ng isang mahiwagang pagsabog sa daungan noong Pebrero 15, 1898, ang mga panggigipit sa pulitika ay nagtulak kay McKinley na tumanggap ng awtoridad ng kongreso na gumamit ng puwersang militar. Noong Abril 21, sinimulan ng Estados Unidos ang isang pagbangkulong sa Cuba,[9] at di-nagtagal pagkatapos, nagdeklara ng digmaan ang Espanya at Estados Unidos. Ang digmaan ay naganap sa parehong Karibe at Pasipiko, kung saan ang mga tagapagtaguyod ng digmaang Amerikano ay wastong inasahan na magpapatunay ang kapangyarihang pandagat ng Estados Unidos na mapagpasyahan. Noong Mayo 1, sinira ng isang iskwadron ng mga barkong pandigma ng Estados Unidos ang armada ng mga Kastila sa Look ng Maynila sa Pilipinas at nakuha ang daungan. Dumaong ang unang Marinong Estados Unidos sa Cuba noong Hunyo 10 sa timog-silangan ng pulo, lumipat sa kanluran at nakikibahagi sa Labanan ng El Caney at Burol ng San Juan noong Hulyo 1 at ang pagsira sa armada sa at paghuli sa Santiago de Cuba noong Hulyo 17.[10] Noong Hunyo 20, sumuko ang pulo ng Guam nang walang pagtutol, at noong Hulyo 25, dumaong ang mga tropang Estados Unidos sa Puerto Rico, na nagsimula ang isang pagbangkulong noong Mayo 8 at kung saan nagpatuloy ang labanan hanggang sa napirmahan ang isang armistisyo o pagtigil ng labanan noong Agosto 13.

Nagtapos ang digmaan sa Kasunduan sa Paris ng 1898, na nilagdaan noong Disyembre 10 na may mga terminong pabor sa Estados Unidos. Ibinigay ng kasunduan ang pagmamay-ari ng Puerto Rico, Guam, at Pilipinas sa Estados Unidos, at itinakda ang Cuba upang maging isang malayang estado noong 1902, bagaman sa aktuwal na pagsasagawa, naging isang protektorado ng Estados Unidos. Ang kompromiso ng Pilipinas ay kinakasangkutan ng pagbabayad ng $20 milyon ($ 730 milyon ngayon) sa Espanya ng Estados Unidos upang mabayaran ang imprastraktura na pag-aari ng Espanya.[11] Sa Espanya, ang pagkatalo sa digmaan ay isang matinding pagkabigla sa pambansang pag-iisip at nagdulot ng isang masusing pilosopikal at masining na muling pagsusuri ng lipunang Espanyol na kilala bilang Henerasyon ng '98.[12]

  1. Mga alternatibong pangalan:
  1. Moreno Luzón, Javier (2013). "Alfonso el Regenerador. Monarquía escénica e imaginario nacionalista español, en perspectiva comparada (1902–1913)" [Alfonso el Regenerador. Performing Monarchy and Spanish Nationalist Imaginary, from a comparative perspective (1902–1913)]. Hispania (sa wikang Kastila). LXXIII (244). Madrid: Editorial CSIC: 319. doi:10.3989/hispania.2013.009. ISSN 0018-2141.
  2. Louis A. Pérez (1998), The war of 1898: the United States and Cuba in history and historiography (sa wikang Ingles), UNC Press Books, ISBN 978-0807847428, inarkibo mula sa orihinal noong Abril 24, 2016, nakuha noong Oktubre 31, 2015
  3. Benjamin R. Beede (1994), The War of 1898, and US interventions, 1898–1934: an encyclopedia (sa wikang Ingles), Taylor & Francis, ISBN 978-0824056247, inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2016, nakuha noong Oktuvre 31, 2015 {{citation}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  4. Virginia Marie Bouvier (2001), Whose America?: the war of 1898 and the battles to define the nation (sa wikang Ingles), Praeger, ISBN 978-0275967949, inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2016, nakuha noong Oktubre 31, 2015
  5. Herring, George C. (2008-10-28). "The War of 1898, the New Empire, and the Dawn of the American Century, 1893–1901". From Colony to Superpower: US Foreign Relations Since 1776. Oxford University Press. pp. 299–336. ISBN 9780199743773. Inarkibo mula sa orihinal noong September 23, 2023. Nakuha noong 2021-05-18 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  6. "Concentration camps existed long before Auschwitz". Inarkibo mula sa orihinal noong September 17, 2020.
  7. "February, 1896: Reconcentration Policy". PBS. Inarkibo mula sa orihinal noong October 3, 2020.
  8. David Nasaw (2013). The Chief: The Life of William Randolph Hearst. Houghton Mifflin Harcourt. p. 171. ISBN 978-0547524726. Inarkibo mula sa orihinal noong March 9, 2019. Nakuha noong February 18, 2019.
  9. Trask 1996
  10. "Military Book Reviews". StrategyPage.com. Inarkibo mula sa orihinal noong May 1, 2011. Nakuha noong March 22, 2014.
  11. Benjamin R. Beede (2013). The War of 1898 and US Interventions, 1898T1934: An Encyclopedia. Taylor & Francis. p. 289. ISBN 978-1136746901. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 15, 2016. Nakuha noong Oktubre 31, 2015.
  12. Dyal, Carpenter & Thomas 1996.