Gomburza

Ang "GomBurZa" ay isang daglat, o pinagsama-samang mga bahagi ng apelido para sa tatlong Pilipinong paring martir na sina Mariano Gomez, José Burgos Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala manlang abugado o "habeas corpus" noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagsanhi ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Naglabi ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming Pilipino, lalo na kay Jose Rizal, ang itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas.
Kaligiran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Mariano Gómez de los Angeles, Mariano Gómez Custodia o mas kilala bilang si Padre Mariano Gómez ay isang tanyag na Romano-Katolikong pari noong kanyang panahon,[1] na kasapi ng tatlong pari na napagbintangan ng paghihimagsik ng mga Kastilang tagapamahala ng kolonya sa Pilipinas noong ika-19 na dantaon. Si Gómez ay ang anak nina Don Alejandro Francisco Gómez at Dona Martina Custodia. Siya ay pinanganak sa pook ng Santa Cruz, Manila noong Agosto 2, 1799. Siya ay isang Tornatras, isang pinanganak mula sa magkahalong katutubo (Filipino), Tsino, at Kastilang lahi. Nag-aral sya sa Colegio de San Juan de Letrán at kalaunan ay nag-aral ng teyolohiya sa Pamantasan ng Santo Tomas, bilang paghahanda sa kanyang sarili para sa pagkapari sa Seminaryo ng Maynila. Si Gómes ay itinalaga bilang punong-pari ng Bacoor, Cavite noong Hunyo 2, 1824. Nagturo din sya para sa pagsasaka at pangkubong industriya kasabay ng pag-aatupag sa mga pangangailangang pangkaluluwa. Pinagtanggol nya ang karapatan ng kanyang mga kapwa katutubong pari laban sa mga Kastilang pang-aapi. Siya rin ay dating masiglang katuwang sa paglathlala ng dyaryong La Verdad. Ito ang Papel na hinain noong tinig ng Filipino Propaganda, na Law of High degree laban sa Kastilang maniniil.[kailangan ng sanggunian]
Si José Apolonio Burgos y García ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong Pebrero 9, 1837, at nabinyagan noong ika-12 ng parehong buwan. Ang kanyang magulang ay sina Jose Burgos, isang Kastilang lieutenant sa Kastilang militia ng Ilocos, at Florencia Garcia, isang mamayan ng Vigan. Noong kanyang kabinataan, nag-aral sya sa Colegio de San Juan de Letran at kalaunan ay nagtungo sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan sya ay nakatanggap ng Bachelor of Philosophy noong 1855, Bachelor of Theology noong 1859, Licentiate sa Philosophy noong 1860, Licentiate sa Theology noong 1862, Doctor of Theology, at Doctor of Canon Law in 1868. Pinangasiwaan nya ang mga Parokya sa Manila Cathedral. Pinangasiwaan nya rin ang Parokya ng St. Peter. Ang layunin ng pangkat ay ang manawagan ng pagbabago na nakatala sa Eco de Filipinas, na nilathala sa Madrid. Tinatag nya ang editor na dyaryo na La Nacion (The Spanish Nation). [2]
Si Jacinto Zamora y del Rosario ay ipinanganak noong Agosto 14, 1835, sa Pandacan, Manila. Ang kanyang magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nag-aral sya sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos na may degree sa Bachelor of Arts. Kalaunan ay lumipat sya sa Pamantasan ng Santo Tomas at nakakamit ng degree ng Bachelor sa Canon at Civil Laws. Naghanda sya para sa pagkapari sa Seminaryo ng Maynila. Naghangad syang maging isang pari mula pa noong bata sya. Matapos mabigyan ng pangsimbahan at pamparing kapangyarihan, nakapagtatag si Zamora ng mga parokya sa Marikina, Pasig, Makati, Mandaluyong, San Juan del Monte, Pasay, Muntinlupa, at Batangas, at naatasang mangasiwa sa Manila Cathedral noong Desyembre 3, 1864.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ HISTORY OF THE PHILIPPINES. GREENWOOD. 2020. p. 186. ISBN 978-1-4408-7358-4.
- ↑ "Father Jose Burgos was born in Vigan, Ilocos Sur February 9, 1837". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). February 8, 2012. Nakuha noong December 4, 2019.
![]()
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.