Pumunta sa nilalaman

Antonio Luna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Antonio Luna
Kumandante Heneral ng Hukbong Republikanong Pilipino
Nasa puwesto
Marso 28, 1899 – Hunyo 5, 1899
PanguloEmilio Aguinaldo
Nakaraang sinundanArtemio Ricarte
Sinundan niEmilio Aguinaldo
Pangalawang Kalihim ng Digma at Kataas-taasang Kumandante ng Hukbong Republikano
Nasa puwesto
Setyembre 28, 1898 – Marso 1, 1899
PanguloEmilio Aguinaldo
Punong Tagapagpatupad ng mga Operasyong Pandigma
Nasa puwesto
Setyembre 26, 1898 – Setyembre 28, 1898
PanguloEmilio Aguinaldo
Pansariling Detalye
Isinilang
Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta

29 Oktubre 1866(1866-10-29)
San Nicolas, Manila, Silangang Indias ng Espanya, Imperyong Kastila
Yumao5 Hunyo 1899(1899-06-05) (edad 32)
Cabanatuan, Nueva Ecija, Unang Republika ng Pilipinas
Dahilan ng pagkamatayPagpatay nang pataksil
Relasyon
Mga parangalMedalya ng Republika ng Pilipinas
Serbisyo sa militar
Palayaw
  • "Toñing"
  • "El General Monico"
  • "Heneral Mayabang"
  • "Heneral Articulo Uno"
Katapatan Unang Republika ng Pilipinas
Sangay/SerbisyoHukbong Republikanong Pilipino
Taong lingkod1898–1899
Ranggo Brigada Heneral
Labanan/Digmaan

Si Antonio Luna (29 Oktubre 1866 – 5 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasyutiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinatag nya ang kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Republikang Pilipino. Tinagurian syang ang pinakamahusay na Pilipinong kinatawan ng militar noong digmaan.[1] Sinundan nya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Republikanong Pilipino, at nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na pagsangga, na tinawag ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng Talisay. Sa utos ni pangulo Aguinaldo, ipinipatay ang heneral.[2]

Si Antonio Narciso Luna de San Pedro Posadas y Novicio Ancheta na mas kilala bilang Antonio Luna ay ipinanganak noong 29 Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Bunsong anak sya nina Joacquin Luna de San Pedro y Posadas (1829-1891) at Laureana Novicio y Ancheta (1836-1906). Nagtapos sya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin sya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit nya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Nakapagtapos din sya sa pagpapakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa prupesyon ay isa syang parmasyutiko.

Sa gulang na anim, natuto si Antoniong magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kanyang guro na kinilalang si Maestro Intong. Nasaulo nya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas..[3]

Lumaon ay nag-aral sya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan nakatanggap sya ng digri sa Batsilyer sa Sining noong 1881.[3] Nag-aral sya ng panitikan at kimika sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan nya ang unang gantimpala sa isang pagsusulat tungkol sa kimika.

Ang pagsusulat ang libangan ni Antonio Luna. Inakda nya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang pinakamalaki nyang naiambag sa panitikang pangmedisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin sya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa lamang ay isa na syang tagapagtaguyod ng paghingi ng pagbabago sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang sya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip sya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis, at ikinulong.

Nang sya ay makalaya, nag-aral sya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik nya sa Pilipinas, sumapi sya sa mapaghimagsik na pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang syang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Mapaghimagsik. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan nyang maipailalim sa isang ayos ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Nasawi si Heneral Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo sya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong. Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril sya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi nyang bigyan ng disiplina.

Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng himagsikan ang Unang Republika ng Pilipinas.

Heneral Antonio Luna

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Agoncillo, Teodoro (1974). Introduction to Filipino History.
  2. Marcos, Ferdinand (1968). The contemporary relevance of Antonio Luna's military doctrines.
  3. 3.0 3.1 Dumindin, Arnaldo. "Philippine-American War, 1899–1902". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2012. Nakuha noong 29 Hunyo 2012.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]