Pumunta sa nilalaman

Tampuhan (pinta)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tampuhan
Alagad ng siningJuan Luna
Taon1895
KinaroroonanKoleksyon ni Rosalinda Orosa

Ang Tampuhan ay isang 1895 klasikong langis sa lonang impresyonistang pinta ni Juan Luna, isang Pilipinong pintor at rebolusyonaryong aktibista. Inilalarawan nito ang magkasintahang Pilipino at Pilipina na may alitan sa isa't isa at tila nagtatampuhan sa kanilang oras.

Ang Tampuhan ni Luna ay paglalarawan ng dalawang tao na nananatili sa loob ng sala ng isang bahay na bato. Nagtatampuhan ang dalawang Pilipinong magkasintahan – dahil sa isang argumento. Nakatingin ang lalaki sa kalye sa tabi ng isang bintanang Capiz. Sa kabilang dako naman, nakatuon sa sahig ng silid ang mata ng babaeng nakasuot na Pilipinyana. Ayon kay Rosalinda Orosa, si Ariston Bautista Lin ang lalaki na isang kaibigan ni Luna na nag-aral ng panggagamot sa Europa. Ipinaliwanag pa ni Orosa na si Emiliana Trinidad ang babae. Si Trinidad ang ninuno ng may-ari ng pinta, at inaangkin ni Orosa na kaparehong babae sa Ang Bulakenya ni Luna, isa pang likhang-sining ni Luna na naglalarawan sa kulturang Pilipino.[1]

Kaugnayan sa kulturang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panliligaw, kultura, kaugalian at sikolohiyang Pilipino, ang tampuhan (mula sa salitang-ugat tampo) ay sa pinakadiwa isang di-pagkakasunduan ng mga kasintahan kung saan hindi sila nakikipag-usap sa isa't isa. Minsan tinawag itong "pagsasawalang-kibo". Kabilang sa mga iba pang pagpapahayag ng tampuhan sa buhay pag-ibig ng mga Pilipino ang mga iba pang di-berbal na kilos tulad ng hindi pakikipag-usap sa ibang tao, pagbubukod-sa-sarili, pagtatahimik na di-karaniwan, walang pakikibahagi sa mga kaibigan sa mga aktibidad, walang pakikibahagi sa pamamasyal ng pamilya o mga iba pang aktibidad, at kahit na ang pagkakandado ng sarili sa personal na silid-tulugan. Upang wakasan ang tampuhan, kailangang maghikayat ang isang umiibig sa isa pa, o maghikayatan sa isa't isa na mangako sa kasunduan o kompromiso.[2] Mahalaga rin ang tagpuan sa kulturang Pilipino sa kadahilanang nasa loob ang mga magkasintahan ng isang bahay na bato, isang kinaugaliang kolonyal na bahay Pilipino, kasama ng ikonikong panloob nito, pasamanong Capiz at bintanilya, habang ang babae ay nakasuot ng tradisyonal na Pilipinyana ng Kababaihang Pilipino.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ocampo, Ambeth. Discussion on Juan Luna's "Tampuhan" painting Naka-arkibo 2012-01-28 sa Wayback Machine., from the Who was Luna's La Bulaqueña? article, Looking Back, Anvil Publishing, Inc., National Commission for Culture and the Arts, 11 November 1989: (...) "Tampuhan shows two people, perhaps lovers, seated in the sala of a house. The man is looking out of the window into the street, while the woman has her eyes on the floor, which very likely gives the title "[T]ampuhan" to this canvas (...)
  2. “Tampuhan” and “tampo” Naka-arkibo 2017-08-27 sa Wayback Machine., seasite.niu.edu

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]