Pumunta sa nilalaman

Sabwatang Palmero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palmero Conspiracy
Bahagi ng the Himagsikang Pilipino
Petsa1828
Lookasyon
Resulta

panalo ng Espanya

  • Ang sabwatan ay nadiskubre
  • Ipinatapon ang mga nagsabwatan
Mga nakipagdigma
Spain Philippine creoles

Ang Sabwatang Palmero (Ingles: Palmero Conspiracy) ay ang pangalan na ibinigay sa isang nabigong pakana upang ibagsak ang kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noong 1828. Pinigilan ng gobyerno ng Espanya ang karagdagang impormasyon sa pagsasabwatan na ito.[1]

Noong 1823, isang utos, na mula sa Espanya, ang nagpahayag na ang mga opisyal ng militar na kinomisyon sa Espanya ay dapat na mauna sa lahat ng itinalaga sa mga kolonya nito. Ito ang naging reaksyon ng Madrid sa mga serye ng mga digmaan laban sa pamumuno ng mga Espanyol na kilala bilang mga digmaan ng kalayaan ng Espanyol Amerikano.[2] Maraming mga opisyal ng militar na Creole ang nataasan ang ranggo ng kanilang mga katapat na Peninsular.

Isang insurhensya ang isinagawa ng isang kapitan na Creole na nagngangalang Andrés Novales ngunit napigilan nang hindi sumuko ang Fort Santiago kay Novales at sa kanyang 800 tauhan. Hindi napansin ng Madrid ang lumalagong pagkadismaya sa Pilipinas, ang huling pangunahing kolonya ng Espanya sa Asya.Noong 1828, lumala ang mga bagay nang ang mga pampublikong opisyal, pangunahin ang mga gobernador ng probinsiya, ay pinalitan din ng mga Peninsular.[1]

Noong 1828, si Antonio ant Andres, dalawang magkapatid na Palmero, isang kilalang angkan sa Pilipinas, kasama ang iba pang mga tao na mula sa militar at serbisyo sibil, ang nagplanong agawin ang gobyerno.[1] Ganito ang katanyagan ng mga Palmero (isa sa mga pinakatanyag na inapo ay si Marcelo Azcárraga Palmero, naging pangunahing ministro ng Espanya noong 1890s, kung saan ipinangalan ang kalye Azcarraga ng ngayon ay kilala bilang Recto) na nang matuklasan ng pamahalaang Espanyol ang plano, naisip nilang makabubuting itago ito sa publiko. Ang mismong pakana ay magbibigay ng kahihiyan sa pamahalaan dahil ang mga nagsabwatan ay mga Kastila mismo at tila ang mga Kastila mismo ang gustong pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya sa bansa. Ang mga pangunahing nagsasabwatan ay ipinatapon.Ang nabigong sabwatan ay nagbigay inspirasyon sa mga ilustrados kabilang na si Jose Rizal.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Joaquin, Nick (1990). Manila,My Manila. Vera-Reyes, Inc.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Philippine Islands". Nakuha noong 2012-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [ka tony na banlawkasaysayan: Palmero Conspiracy and the Founding of the Katipunan Government "Palmero Conspiracy and the Founding of the Katipunan Government"]. Nakuha noong 2021-11-25. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)