Pumunta sa nilalaman

Gregorio del Pilar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

TUNGKOL KAY HENERAL GREGORIO HILARIO DEL PILAR y SEMPIO

Gregorio Del Pilar
Kapanganakan14 Nobyembre 1875(1875-11-14)
Kamatayan2 Disyembre 1899(1899-12-02) (edad 24)
Ibang pangalanGoyo, Agila
TrabahoSundalo

Si Gregorio del Pilar ay isa sa pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulacan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

Si Del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang apoy.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingua (ngayon ay Plaridel, Bulacan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Emilio Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si Del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Maaring bisitahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.