Pumunta sa nilalaman

Deodato Arellano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Deodato Arellano
Kapanganakan26 Hulyo 1844(1844-07-26)
Kamatayan7 Oktobre 1899(1899-10-07) (edad 55)
LibinganLa Trinidad, Benguet
Ibang pangalanBuan[1]
NagtaposAteneo Municipal de Manila
Asawa
  • Paula Rivera (namatay)
  • Hilaria del Pilar (k. 1877)

Si Deodato Arellano (Hulyo 26, 1844 — Oktubre 7, 1899[2]) ay isang propagandista mula sa Pilipinas at ang unang pangulo ng Katipunan, na itinatag sa tahanan niya sa Kalye Azcarraga (Abenida Claro M. Recto ngayon), Maynila. Siya ang unang nabigyan ng titulong Supremo ng Katipunan. Pagkatapos mag-aral ng pagtatangang-aklat o bookkeeping sa Ateneo de Municipal de Manila (Pamantasang Ateneo de Manila ngayon), naging katuwang na kawani siya sa Kastilang militar. Naging kasapi siya ng Masonerya sa Pilipinas at nasangkot sa Kilusang Propaganda.

Maagang buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Arellano noong Hulyo 26, 1844 sa Bulakan, Bulacan kina Juan de la Cruz at Mamerta de la Cruz.[3] Napalitan ang pamilyang apelyido sa Arellano upang sundin ang utos noong 1849 ng noo'y Gobernador-Heneral ng Pilipinas na si Narciso Clavería y Zaldúa[4] upang magkaroon ng pamantayang apelyido ng mga pamilya.[5] Pumasok si Arellano sa Ateneo Municipal de Manila (kilala na ngayon bilang Pamantasang Ateneo de Manila) upang mag-aral ng pagtatangang-aklat o bookkeeping.[6] Naging katuwang na kawani siya sa dibisyong armas ng pulutong artilerya[7] ng Kastilang militar, ang Maestranza de Artilleria.[8] Namatay ang kanyang unang asawa, si Paula Rivera,[3] at naging biyudo siya subalit sa kalaunan, pinakasalan niya si Hilaria del Pilar (kapatid ni Marcelo H. del Pilar), noong Abril 22, 1877.[9]

Kasama si Marcelo H. del Pilar, naging aktibo si Arellano sa Masonerya, na mula sa Logia Lusong Blg. 185.[8] Buan ang kanyang panglang mason.[8] Humingi din siya ng pondo para sa Pilipinong nasa Espanya nang kinailangang tumakas ni del Pilar sa Espanya, dahil sa diumanong subersibong mga artikulo na lumalabas sa pahayagang Pilipino na nilathala ni Pilar, ang Diariong Tagalog.[10] Naging kasapi din siya ng La Propaganda, isang kilusan na maikling-buhay na tinatag ng kanyang bayaw na si del Pilar at ni Mariano Ponce, na naglalayong makamit ang mga repormang pampolitika sa Pilipinas.[3]

Pagsapi sa La Liga Filipina at Katipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1892, sumama si Arellano at ibang mga mason, tulad ni Andrés Bonifacio, sa La Liga Filipina,[11] na itinatag ni José Rizal[12] sa kanyang pagbalik sa bansa. Nahalal na kalihim si Arellano ng liga.[13] Ilang araw pagkatapos ng pagkatatag ng La Liga Filipina, naaresto si Rizal at nakulong sa Kutang Santiago at pagkatapos pinatapon sa pulo ng Dapitan sa Mindanao.[14] Noong 7, 1892, si Gob. Eulogio Despujol ang nagpabatid ng agad-agad na deportasyon ni Rizal sa Dapitan.[15] Sa parehong araw, naitatag ang Katipunan sa tahanan ni Arellano[16] sa 72 Kalye Azcarraga (Abenida Claro M. Recto ngayon), Maynila kung saan tinipon ni Andres Bonifacio— kasapi ng Liga — sina Teodoro Plata, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Jose Dizon at si Arellano mismo upang itatag ang nasabing lihim na samahan.[17] Ang pangunahing layunin ng samahan ay maabot ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya at hindi lamang mga reporma.[18]

Noong Oktubre 1892 sa isang sikretong pagpupulong ng Katipunan, nahalal si Arellano bilang ang unang pangulo ng Kataas-taasang Konseho nito at unang nabigyan ng titulong Supremo.[16][3] Sa panahon ng kanyang termino bilang pangulo, pinagtibay niya ang mga batas ng Katipunan na ginawa ng mga kasapi nito partikular nina Plata at Diwa.[3] Noong Pebrero 1893, nakita ni Bonifacio na hindi epektibong pinuno si Arellano, kaya, napalitan siya ni Roman Basa na naging ikalawang Supremo.[3] Sa kabila ng pagkakatanggal bilang pangulo, nagpatuloy pa rin si Arellano na maging aktibo sa kilusan.[3] Inorganisa niya ang mga konsehong panlalawigan sa Bulacan sa parehong panahon na nag-organisa din ng mga konseho sina Bonifacio at ibang mga kasapi sa Maynila, na bilang isang resulta, natamo nila ang isa sa mga layunin ni Rizal sa pagbuo ng Liga.[3]

Mga huling taon ng buhay at kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binalik ni Arellano ang Liga noong Abril 1893 upang ipagpatuloy ang mga pagsisikap ni Rizal, kahit hindi nila kasama siya.[3] Tinulungan siya ni Juan de Zulueta na muling itayo ang Liga at naghalal sila ng bagong mga opisyales na nakuha ni Arellano ang mga posisyong kalihim at ingat-yaman.[3] Bagaman, nabuwag ang Liga pagkalipas ng anim na buwan.[3] Pagkalipas ng tatlong taon, noong Oktubre 10, 1896, naaresto siya[3] at sa kalaunan, nakulong at pagkatapos, bumalik sa kanyang bayan sa Bulacan.[8] Nang sumiklab ang rebolusyon noong Agosto 1896, sumali siya sa brigada ni Gregorio del Pilar,[8] ang kanyang pamangkin,[19] at naging komisaryong opisyal nito. Bagaman, may ilang mga mananalaysay ang nagsasabing hindi malinaw kung ano ang nangyari sa kanyang buhay pagkatapos ng pagkaaresto sa kanya, ngunit kumikiling sila sa paniniwalang umanib si Arellano sa brigada ng kanyang pamangkin.[3]

Nakipagdigma siya sa mga labanan sa Bulacan noong Digmaang Pilipino–Amerikano, subalit nagkaroon siya ng tuberkulosis noong panahon ng digmaan at namatay siya sa sakit na iyon habang nakikipaglaban ang kanyang kasamang rebolusyonaryo sa Kabundukan ng Cordillera.[6] Nilibing siya ng kanyang mga kasama sa libingang-bayan ng La Trinidad, Benguet.[6] May mga sanggunian na nagsasabing namatay siya sa tuberkulosis noong Oktubre 7, 1899[8] subalit tulad ng nabanggit sa artikulong ito, nanatiling malabo ang nangyari sa kanyang buhay pagkatapos ng kanyang aresto.[3] May mga mananalaysay na pinaninidigan na pagkatapos sisihin si Arellano ng mga Katipunero na naaresto din ng mga Kastila at napilitang magbigay ng impormasyon, naaresto din siya sa kalaunan, pagkatapos pinaharapan at sa wakas, pinabayaang mamatay.[3]

  • Gumanap si Julio Diaz bilang Deodato Arellano sa pelikula noong 1997 na Tirad Pass: The Story of Gen. Gregorio del Pilar.[20]
  • Gumanap si Bernard Carritero bilang Deodato Arellano sa Katipunan, isang seryeng pantelebisyon noong 2013 ng GMA Network.[21]
  1. Ang kanyang pangalan, na nangangahulugang "Buwan".
  2. Pinagtatalunan ang araw ng kanyang kamatayan ng mga dalubhasa sa kasaysayan tulad ng nabanggit sa artikulong ito.
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 "Deodato Arellano". Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (sa wikang Ingles). 2014-09-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-03. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sagisag kultura: Kasaysayan at bayani. Filipinas Institute of Translation. 2015. ISBN 978-971-95487-4-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Woods, Damon L. (2006). The Philippines: A Global Studies Handbook (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. ISBN 9781851096756. Nakuha noong 10 Pebrero 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Almario, Virgilio, pat. (2015). "Arellano, Deodato". CulturEd: Philippine Cultural Education Online, Sagisag Kultura (Vol. 1). Maynila: Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. Constantino, Renato; Constantino, Letizia R. (1975). A History of the Philippines (sa wikang Ingles). NYU Press. p. 161. ISBN 978-0-85345-394-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 "Founders of the Katipunan". Philippine Center for Masonic Studies (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Cruz, Isaac C. (1985). General Gregorio H. Del Pilar: Idol of the Revolution (sa wikang Ingles). Philippines: Samahang Pangkalinangan ng Bulakan. p. 4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Marcelo H. Del Pilar was born August 30, 1850 in Cupang, Bulacan, Bulacan". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2011-08-30. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Gianan, Chlarine (2018-07-26). "DID YOU KNOW". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. Medina, Marielle (2018-07-03). "DID YOU KNOW: Rizal founded La Liga Filipina". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. "Philippine History -- La Liga Filipina". msc.edu.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Chua, Michael “Xiao” (2018-07-07). "Rizal's concept of the nation in La Liga Filipina". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-03. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Deportation of Rizal was made public Katipunan founded July 7, 1892". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-07-06. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Jimenez, FR (2011-12-01). "Ang dalawang pang Supremo ng Katipunan". GMA News Online. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  17. "The Founding of the Katipunan | Presidential Museum and Library". malacanang.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-12. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Philippine History -- The Katipunan". msc.edu.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Philippine Military Academy". www.pma.edu.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-03. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "10 Pinoy Films to Get You in the Mood for Independence Day". SPOT.PH (sa wikang Ingles). 2015-06-03. Nakuha noong 2021-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  21. Katipunan: Taksil sa lupon ng mga Katipunero | Full Episode 7 (sa wikang Ingles), nakuha noong 2021-08-04{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • National Historical Institute, Filipinos in History 5 bol. (Manila: National Historical Institute, 1995) (sa Ingles)
  • Gwekoh, Sol H. First Katipunan President, The Manila Times, Hulyo 26, 1965 (sa Ingles)
  • Manuel, E. Arsenio; Manuel, Magdalena Avenir (1955). Dictionary of Philippine biography (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: Filipiniana Publications. OCLC 28336083.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)