Macario Sakay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Macario Sakay
Macario Sakay

Macario Sakay (ikatlong nakaupo mula sa kaliwa) kasama ang kanyang mga gabinete with his Cabinet: (mga nakaupo mula kaliwa pakanan) Julián Montalan, Francisco Carreon, Sakay, Lucio de Vega (nakatayo mula kaliwa pakanan) León Villafuerte, Benito Natividad.


Pangulo ng Pilipinas
(Hindi Opisyal)
Republikang Tagalog
Panunungkulan
Mayo 6, 1902 – Hulyo 14, 1906
Pangalawang Pangulo Francisco Carreón
Sinundan si Miguel Malvar
Sinundan ni Nabuwag
ang posisyon ay sunod na hinawakan ni Manuel Quezon

Kapanganakan 1870
Tondo, Maynila, Pilipinas
Kamatayan Setyembre 13, 1907 (gulang 29 o 37)
Maynila, Pilipinas
Partidong politikal Katipunan
Republika ng Katagalugan
Propesyon Rebolusyunaryo
Relihiyon Katoliko

Si Macario Sakay y de León (1870 – Setyembre 13, 1907) ay isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa Himagsikang Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ihayag ang digmaan laban sa Estados Unidos noong 1902, ipinagpatuloy ni Sakay ang paglaban at ang sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.[1]

Pagkabata at Katipunan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinatayang ipinanganak si Sakay sa pagitan ng 1870 at 1878 sa Daang Tabora, Tondo.[2] Unang nagtrabaho si Sakay bilang baguhay sa pagawaan ng kalesa. Isa rin siyang mananahi at aktor, at lumalabas sa ilang mga teatro kabilang ang Principe Baldovino, Doce Pares de Francia, and Amante de la Corona.[2] Orihinal siyang kasapi ng kilusang Katipunan, na nilahukan niya noong 1894, nakipaglaban siya kasama sina Andrés Bonifacio laban sa mga Kastila sa kabuuan ng Himagsikang Pilipino.[2] Noong 1899, ipinagpatuloy niya ang pagsagupa para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos. Noong unang bahagi ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakulong siya dahil sa sedisyon o pagsusulsol laban sa pamahalaan, at kinalaunan ay pinalaya bilang bahagi ng amnestiya. [3]

Pagkatapos ng digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isa si Sakay sa mga nagtatag ng Partido Nacionalista (walang kaugnayan sa kasalukuyang Nacionalista Party na naitatag noong 1907), na naglalayong makamtan ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng legal na pamamaraan. Umapela ang partido sa Philippine Commission, subalit ipinasa ng komisyon ang Sedition Law, na nagbabawal sa lahat ng uri ng propaganda na nagtataguyod ng kalayaan.[4][5] Dahil dito, muling lumaban si Sakay.[2]

Macario Sakay


  1. Orlino A. Ochosa (1995). Bandoleros: Outlawed Guerrillas of the Philippine-American War, 1903-1907. New Day Publishers. pp. 55, 95–96. ISBN 978-971-10-0555-9. http://books.google.com/books?id=BSVxAAAAMAAJ. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Kabigting Abad, Antonio (1955). General Macario L. Sakay: Was He a Bandit or a Patriot?. J. B. Feliciano and Sons Printers-Publishers. 
  3. C. Duka (2008). Struggle for Freedom' 2008 Ed.. Rex Bookstore, Inc.. pp. 200. ISBN 978-971-23-5045-0. http://books.google.com/books?id=4wk8yqCEmJUC. 
  4. "The Period of Suppressed Nationalism: Act No. 292 or the Sedition Law". Salon.com. March 4, 2010. http://www.scribd.com/doc/28143718/The-Period-of-Suppressed-Nationalism. 
  5. United States Philippine Commission. Law against treason, sedition, etc. (Act No. 292). Washington, D.C.: Government Printing Office, 1902.