Mga Pilipino
- Para sa ibang gamit ng salita, tingnan ang Pilipino.
Kabuuang populasyon | |
---|---|
mahigit 110,000,000 | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Pilipinas | |
91,077,287 (2007) | |
[1] | |
Wika | |
Filipino, Ingles, Mga wika sa Pilipinas | |
Relihiyon | |
Romano Katoliko, Protestante Islam, Aglipayan, Mga Saksi ni Jehova,Iglesia ni Kristo Mga katutubong tradisyon at paniniwala | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Austronesyo |
Ang mga Pilipino ay mga katutubo o mamamayan ng Pilipinas, mga o mga itinuring na katutubong inianak na mamamayan o kaya mga naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas o naturalisado[2], o kaya naman ay mga taong naidentipika, naikonekta o naiugnay sa bansang Pilipinas.
Tinatayang higit sa 100 milyon ang mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at may mga 10.2 milyon na naninirahan sa ibang bansa.[3]
Karamihan sa kasalukuyang mga Pilipino ay itinituring na mula sa pangkat etnikong Awstronesyano, ngunit malaki-laki rin ang bilang ng mga etnikong Tsino. Kasalukuyang maliit din ang bilang ng mga Aeta (o Negrito), ang mga orihinal na nakatira sa lupain ng bansa.
Tinataguriang isang salad bowl ang Pilipinas at sa kadahilanang ito, ang kultura ng mga Pilipino ay halo-halo bagaman hindi iisang-tulad ng parang melting pot. Gayundin, habang lubos na tinatanggap ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkabilang ng kanilang bansa sa kontinente ng Asya ayon sa heograpiya, nararapat punahin na hindi nila karaniwang kinikilala kanilang sarili bilang mga Asyano (lalo na sa gamit Ingles), at tinatanaw ng ilan, partikular na ng karamihang mga may walang lahing Intsik, Hapon, o Indiyano, ang pagbabansag sa kanila nang ganito bilang offensive at labag sa likas na pagkamultikultural at multientiko ng Pilipinas.
Humihigit-kumulang ng 110 milyon ang bilang ng mga Pilipino o may mga pinagmulang Pilipino sa buong daigdig.
Tumutukoy ang pangalang Pinoy (Pinay kung kababaihan) sa mga Pilipino, kabilang lalo ang mga naninirahan sa ibang bansa.[4]
Sistemang kasta sa kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong panahon ng kolonisasyon ng Kastila, noong ikalabing-anim hanggang ikalabing-siyam na siglo, may sistema kasta (caste) sa Pilipinas na katulad ng ginagawa sa Hispanikong Amerika, ngunit may malaking pagkakaiba. Ang mga katutubong Pilipino ay tinutukoy bilang Indiyo o Negrito. Habang tinatawag na Filipino o Insulares ang mga purong Kastila na pinanganak sa Pilipinas. Ang purong Kastila na di pinanganak sa Pilipinas ay tinatawag na Peninsulares.
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Senso ng taong 2015, 79.5% ng mga Pilipino ay Katoliko, 6.0% ay mga Muslim, 2.6% ay mga naniniwala sa Iglesia ni Kristo, 2.4% ay kabilang sa Philippine Council of Evangelical Churches at ang natitirang 9.4% na mga Pilipino ay kasapi ng iba pang relihiyon .[5]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The World Factbook - Philippines". U.S. Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-19. Nakuha noong 2007-06-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Constitution of the Republic of the Philippines". Official Gazette of the Philippines. Philippine government. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2019. Nakuha noong 26 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines Population 2019". World Population Review. World Population Review. Nakuha noong 26 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ "Philippine Population Surpassed the 100 Million Mark (Results from the 2015 Census of Population)". Philippine Statistics Authority. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 26 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Mga Pilipino," Sino Ba Tayo?, Elaput.org