Pumunta sa nilalaman

Teresa Magbanua

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Teresa Magbanua y Ferraris
KapanganakanOktubre 13, 1868
KamatayanAgosto, 1947
Zamboanga del Sur
TrabahoKatipunera
Kilala saUnang babae na namuno ng himagsikan sa pamahalaang kolonya ng Espanya

Si Teresa Magbanua (Oktubre 13, 1868 - Agosto 1947) ay isa maipagkakapuring Pilipina, ang natatanging babaeng heneral tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at Gabriela Silang ay pinatunayan na ang mga babae ay may angking kakayahan tibay ng puso at katapangan at handang magsakripisyo o maghandog man ng buhay kung kinakailangan.

Pangalawa siya walong anak ni Juan Magbanua At Alejandra Ferraris, mga kinilala at nabibilang sa mabuting angkan sa kanilang bayan. Ang kakayahang mamuno, lakas ng loob at kagitingan ng babae ay ilan lamang sa mga katangian na naipakita ni Teresa. Mga kalaro niya ay mga batang lalaki. Sa kanyang bayan siya nag-elementarya at sa Jaro,Iloilo siya nag-high school at nag-kolehiyo. Bumalik siya sa kanyang bayan at doon ay nagsilbing isang guro at isang magsasaka, tumigil siya sa pagtuturo at tumulong na lang siya sa asawa Niya sa gawain sa bukid.Nang Sumiklab ang digmaan pumunta siya sa kampo ng mga naghihimagsik na pinamunuan Ni Heneral Perfecto Poblador upang umanib.