Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
---|---|
Istilo | Kagalang-galang (pormal) |
Nagtalaga | Inihalal ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas |
Haba ng termino | 3 taon |
Nagpasimula | Sergio Osmeña |
Nabuo | Ika-16 ng Oktubre, 1907 |
Humalili | Pangatlo sa Pampanguluhang Hanay ng Paghalili |
Websayt | Ispiker ng Mababang Kapulungan |
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang nangungunang opisyal at ang pinakamataas na opisyal sa mababang kapulungan, at ika-apat na pinakamataas at makapangyarihang opisyal sa Pamahalaan ng Pilipinas. Inihahalal ng karamihan ng mga kinatawan ang Ispiker ng Kapulungan. Ikatlo at ang huli sa pagkakasunod-sunod sa pagka-pangulo ang Ispiker, pagkatapos ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas, at ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Maaaring mapatalsik ang Ispiker o ang Tagapagsalita sa pamamagitan ng isang kudeta, o maaaring palitan kung sakaling mamatay o magbitiw. Sa ilang pagkakataon, ang Ispiker ay maaaring piliting magbitiw sa kalagitnaan ng kanyang termino kung mawala ang suporta ng karamihan sa mga kinatawan; sa kasong iyon, isang halalan para sa bagong ispiker ang gaganapin.
Tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Seksyon 15 ng Tuntunin 4 ng Mga Tuntunin ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang mga tungkulin ng mga kapangyarihan ng Ispiker bilang punong pampulitika at ng pamamahala ng Mababang Kapulungan ay mga sumusunod:
a. maghanda ng ahendang pantagapagbatas para sa bawat regular na sesyon, magtatag ng mga sistema at mga pamamaraan upang matiyak ang lubusang pagtatalakay ng mga hakbang kabilang sa loob nito, at maaari, ukol sa layunin, mapakinabangan ng tulong ng mga Katuwang na Ispiker, ang Punong Mayorya, ang Mga Tagapangulo ng mga nakatayong lupon at iba pang Kasapi ng Mababang Kapuluan.
b. mangasiwa ng regular na buwanang sarilinang pulong ng lahat ng mga Kasapi o mga pangkat nito o madalas na waring kailangan upang matalakay ang mga prayoridad na hakbang at upang magpadali ang mga dayalogo, pinagkasunduan at aksyon sa mga isyu at mga pagkabahala na nakakaapekto ng Mababang Kapulungan at pagganap ng mga tungkulin;
c. magtupad ng pangkalahatang pangangasiwa sa lahat ng mga lupon at, sa pagpapatuloy nito, mamahala ng mga regular na buwanang pagpupulong na may Tagapangulo at Pangalawang-Tagapangulo ng lahat ng mga palagian at tanging lupon upang makatakda ang mga tudlaang pantagapagbatas, sumuri ng pagsasagawa sa pagkamit ng mga tudlaan, siguruin na ang mga prayoridad sukating tagapagbatas ng mga lupon ay nakaayos sa ahendang tagapagbatas ng Mababang Kapulungan, at lutasin sa gayon mga ibang isyu at mga malasakit na nakakaapekto ng mga pagpapatakbo at pagganap ng mga lupon;
d. tulad ng maisasagawa, magtatag ng isang mahusay na sistemang pamamahala sa kabatiran sa Mababang Kapulungan gumagamit sa mga iba, modernong teknolohiyang didyital:
1. makakapagpadali ng pagpunta sa at pagpapakalat ng datos at kabatiran na kailangan sa pagbabatas napapabilang ng nagpapadaling tunay na panahon ng pagsasalin ng mga plenaryong paglilitis sa mga diyalekto at mga wikang Filipino;
2. makakapaglaan ng isang gawing payak at komprehensibong proseso ng pagtitipon, pagrerekord, pag-iimbak at pagkuha ng datos at kabatirang nauugnay sa mga gawain at mga katitikan ng Mababang Kapulungan;
3. makakapagpanatili ng isang programa ng pamublikong kabatiran na magbibigay ng malalapitang, napapanahon at tumpak na kabatirang nauugnay sa Mababang Kapulungan, mga Kasapi nito at mga opisyal, mga lupong ito at mga pambatasang alagatang kasama ng nagpapadaling, tulad ng maisasagawa, saklaw na pambrodkast ng mga plenaryo at panlupong pangyayari;
e. magtatag ng isang mahusay at mabisang sistema upang masubaybayan at suriin ang pagsasagawa ng mga pambatasang gawain at mga tungkulin ng Mababang Kapulungan, mga Kasapi nito at mga lupong ito;
f. magtatag ng mga kooperatibang ugnayan sa Senado ng Pilipinas upang magsubaybay nang mahusay at magpagaan ng aksyon ng Senado sa hakbang ng Mababang Kapulungan hanggang naghihintay sa pareho.
g. namumuno sa mga sesyon ng Mababang Kapulungan at nagpapasiya ng lahat ng tanong ng pagkakaayos saklaw upang manawagan ng sinumang Kasapi na maaaring magpaliwanag ng apela na hindi hihigit nang limang (5) minuto: Sa kondisyon, Na ang apela ay hindi humantong sa pakikipagtalo, at walang paliwanag ng boto na papayagan kung sakali hindi umanong paghalal;
h. magtalaga ng isang Kasapi bilang pansamantalang namumunong opisyal pagkatapos magbatid sa Diputadong Ispiker: Sa kondisyon, Na anumang pagtatalagang gayon ay maging epektibo sa isang araw ng sesyon lamang;
i. maghawak ng mga naaangkop na hakbang sa paraan na itinuturing na maipapayo o wari ang Mababang Kapulungan ay maaaring magpatnubay, upang mapanatili ang kaayusan at dekorum sa mga bulwagang pansesyon, mga palko, mga kabildo, mga kamara, mga tanggapan, mga pasilyo at mga saligan ng Mababang Kapulungan;
j. naglalagda ng lahat ng mga batas, mga resolusyon, mga bantayog, mga utos, mga mandamyento at mga subpena na maaaring maglabas sa pamamagitan o sa utos ng Mababang Kapulungan;
k. nagsasakatuparan ng administratibong tungkulin tulang ng, bukod sa iba pa:
k1. pagtatalaga ng tauhan ng Mababang Kapulungan na may awtoridad upang ipakatawan ng kapangyarihang ito;
k2. suspensyon, pagpapaalis o pagpataw ng ibang hakbang sa pagdidisiplina ng tauhan ng Mababang Kapulungan alinsunod sa mga tuntunin ng Lingkod Sibil: Sa kondisyon, Na ang suspensyo o pagpapaalis na ipinataw ng Pangkalahatang Kalihim at Tagapamayapa ay dapat magkabisa lamang sa pagsang-ayon ng mayorya ng lahat ng mga Kasapi;
k3. pagsasama-sama o paghahati ng kita at sahod na nagdadala ng bakanteng posisyon na maaaring lumaki o nabawasan sa proseso, at/o paglikha ng mga bagong posisyon alinsunod sa Batas sa mga Pangkalahatang Gugulin: Sa kondisyon, Na ang kabuuang halaga na nasasangkot ay hindi dapat lumampas sa kabuuang halaga na inilaan para sa mga kita at sahod ng mga tauhan ng Mababang Kapulungan; at
k4. pagpapatupad ng mga patakarang nakabatay sa merito at mga programa ng pangangalap pantauhan, pagsasanay at kaunlaran, mga promosyon, mga insentibo at mga benepisyo upang tiyakin na ang Mababang Kapulungan ay may isang pulutong ng mga maaasahang propesyonal na makakapaglaan na kinailangan mga lingkod sa tulong pambatasan;
l. naghahanda ng taunang badyet ng Mababang Kapulungan na may tulong ng Lupon sa mga Kuwenta;
m. sa pagkonsulta sa Lupon ng mga Tuntunin, naghahanda ng mga tuntunin at alituntunin ng namamahalang pamublikong pagpasok sa pansariling datos at kaugnay na kabatiran, kasama ang mga pahayag ng mga pag-aari at mga pannagutan, ng mga Kasapi ng Mababang Kapulungan;
n. sa pagkonsulta sa Pinuno ng Minorya, ay bumuo sa pamamagitan ng isang naaangkop na entitad ng Mababang Kapulungan ng isang sistema para sa pagsusuri sa droga sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na maaaring magbigay para sa pagsusuri sa sinumang Kasapi, opisyal, o empleyado ng Mababang Kapulungan, at kung hindi man ay maihahambing sa saklaw ng sistema ukol sa pagsusuri sa droga sa sangay na tagapagpaganap, Sa kondisyon, Na ang mga gastos ng sistema ay maaring ibayad mula sa mga naaangkop na kuwenta ng Mababang Kapulungan para sa mga opisyal na gastos; at
o. mag-utos ng pagpasa ng mga ulat sa pagganap sa katapusan ng bawat regular na sesyon at taon ng pananalapi mula sa mga tagapangulo ng lupon, ang Pangkalahatang Kalihim at Tagapamayapa, at ibang mga ulat na maaaring kailanganin mula sa lahat ng mga nababahalang opisyal at mga tanggapan ng Mababang Kapulungan.
At ayon sa Seksyon 16 ng Tuntunin 4 ng Mga Tuntunin ng Mababang Kapulungan, ang Ispiker ay dapat "maging palagiang pinuno ng delegasyon at kinatawan ng Mababang Kapulungan sa lahat ng mga pandaigdigang pagtitipong parlyamentaryo at mga organisasyon: Sa kondisyon, na ang Ispiker ay maaaring maghirang ng sinumang Kasapi na maging kinatawan ng Ispiker. Ang Ispiker ay dapat tumukoy, sa mungkahi ng Pinuno ng Mayorya, sa pagsangguni sa Tagapangulo ng Lupon sa Relasyong Interparlyamentaryo at Diplomasya, kung sino ang bubuo ng delegasyon ng Mababang Kapulungan sa anumang pandaigdigang pagpupulong o pagtitipon ng mga parlyamentaryo at mga mambabatas at mga tauhan ng kalihimang suporta na mapakilos ukol sa layunin."
Talaan ng mga Ispiker
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ispiker | Lapian | Simula ng termino | Katapusan ng termino | Tagapagbatas | |
---|---|---|---|---|---|
Pambansang Asembleya 1898-1901 | |||||
Pedro Paterno Kasapi para sa Kabuuang Ilocos Norte (1857–1911) |
Malaya | Setyembre 15, 1898 | Marso 23, 1901 | Pambansang Asembleya | |
Asembleya ng Pilipinas 1907-1916 | |||||
Sergio Osmeña Kasapi para sa Cebu-Ika-2 (1878–1961) |
Nasyonalista | Oktubre 16, 1907 | Oktubre 16, 1916 | Unang Tagapagbatas Ika-2 Tagapagbatas Ika-3 Tagapagbatas | |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Kapuluang Pilipinas 1916-1935 | |||||
Sergio Osmeña Kasapi para sa Cebu-Ika-2 (1878–1961) |
Nasyonalista | Oktubre 16, 1916 | Hunyo 6, 1922 | Ika-4 na Tagapagbatas Ika-5 Tagapagbatas | |
Manuel Roxas Member for Capiz-Ika-1 (1892–1948) |
Nasyonalista Colectivista |
Oktubre 27, 1922 | Oktubre 17, 1933 | Ika-6 na Tagapagbatas | |
Nasyonalista Consolidado |
Ika-7 Tagapagbatas Ika-8 Tagapagbatas | ||||
Quintin Paredes Kasapi para sa Kabuuang Abra (1884-1973) |
Nasyonalista Consolidado |
Oktubre 17, 1933 | Setyembre 16, 1935 | Ika-9 na Tagapagbatas | |
Nasyonalista Democrático |
Ika-10 Tagapagbatas | ||||
Pambansang Asembleya ng Komonwelt ng Pilipinas 1935-1941 | |||||
Gil Montilla Kasapi para sa Negros Occidental-Ika-3 (1876–1946) |
Nasyonalista Democrático |
Nobyembre 15, 1935 | Disyembre 30, 1938 | Unang Pambansang Asembleya | |
José Yulo Kasapi para sa Negros Occidental-Ika-3 (1894–1976) |
Nasyonalista | Enero 23, 1939 | Disyembre 30, 1941 | Ika-2 Pambansang Asembleya | |
Pambansang Asembleya ng Republika ng Pilipinas 1943-1945 | |||||
Benigno Aquino Sr. Kasapi para sa Kabuuang Tarlac (1894–1947) |
KALIBAPI | Setyembre 25, 1943 | Pebrero 2, 1944 | Pambansang Asembleya | |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Komonwelt ng Pilipinas 1945-1946 | |||||
José Zulueta Kasapi para sa Iloilo-Ika-1 (1889–1972) |
Nasyonalista | Hunyo 9, 1945 | Mayo 25, 1946 | Unang Konggreso | |
Eugenio Pérez Kasapi para sa Pangasinan-Ika-2 (1896–1957) |
Liberal | Mayo 25, 1946 | Hulyo 4, 1946 | Ika-2 Konggreso | |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas 1946-1972 | |||||
Eugenio Pérez Kasapi para sa Pangasinan-Ika-2 (1896–1957) |
Liberal | Hulyo 4, 1946 | Disyembre 30, 1953 | Unang Konggreso Ika-2 Konggreso | |
José Laurel Jr. Kasapi para sa Batangas-Ika-3 (1912–1998) |
Nasyonalista | Enero 25, 1954 | Disyembre 30, 1957 | Ika-3 Konggreso | |
Daniel Romuáldez Kasapi para sa Leyte-Ika-4 (hanggang 1961) Kasapi para sa Leyte-Ika-1 (mula 1961) (1907–1965) |
Nasyonalista | Enero 27, 1958 | Marso 9, 1962 | Ika-4 na Konggreso Ika-5 Konggreso | |
Cornelio Villareal Kasapi para sa Capiz-Ika-2 (1904–1992) |
Liberal | Marso 9, 1962 | Pebrero 2, 1967 | Ika-5 Konggreso Ika-6 na Konggreso | |
José Laurel Jr. Kasapi para sa Batangas-Ika-3 (1912–1998) |
Nasyonalista | Pebrero 2, 1967 | Abril 1, 1971 | Ika-6 na Konggreso Ika-7 Konggreso | |
Cornelio Villareal Kasapi para sa Capiz-Ika-2 (1904–1992) |
Liberal | Abril 1, 1971 | Setyembre 23, 1972 | Ika-7 Konggreso | |
Batasang Pambansa 1978-1986 | |||||
Querube Makalintal Kasapi para sa Kabuuang Rehiyon IV (1910–2002) |
KBL | Hunyo 12, 1978 | Hunyo 30, 1984 | Pansamantalang Batasang Pambansa | |
Nicanor Yñiguez Kasapi para sa Kabuuang Katimugang Leyte (1915–2007) |
KBL | Hulyo 23, 1984 | Marso 25, 1986 | Regular na Batasang Pambansa | |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas 1987-kasalukuyan | |||||
Ramon Mitra Jr. Kasapi para sa Palawan-Ika-2 (1928–2000) |
LDP | Hulyo 27, 1987 | Hunyo 30, 1992 | Ika-8 Konggreso | |
Jose de Venecia Jr. Kasapi para sa Pangasinan-Ika-4 (ipinanganak noong 1936) |
Lakas | Hulyo 27, 1992 | Hunyo 30, 1998 | Ika-9 na Konggreso Ika-10 Konggreso | |
Manuel Villar Kasapi para sa Kabuuang Las Piñas (ipinanganak noong 1949) |
LAMMP | Hulyo 27, 1998 | Nobyembre 13, 2000 | Ika-11 Konggreso | |
Arnulfo Fuentebella Kasapi para sa Camarines Sur-Ika-3 (1945-2020) |
NPC | Nobyembre 13, 2000 | Enero 24, 2001 | ||
Feliciano Belmonte Jr. Kasapi para sa Lungsod Quezon-Ika-4 (ipinanganak noong 1936) |
Lakas | Enero 24, 2001 | Hunyo 30, 2001 | ||
Jose de Venecia Jr. Kasapi para sa Pangasinan-Ika-4 (ipinanganak noong 1936) |
Lakas | Hulyo 23, 2001 | Pebrero 5, 2008 | Ika-12 Konggreso Ika-13 Konggreso | |
Prospero Nograles Kasapi para sa Lungsod Davao-Ika-1 (1947-2019) |
Lakas | Pebrero 5, 2008 | Hunyo 30, 2010 | Ika-14 na Konggreso | |
Feliciano Belmonte Jr. Kasapi para sa Lungsod Quezon-Ika-4 (ipinanganak noong 1936) |
Liberal | Hunyo 26, 2010 | Hunyo 30, 2016 | Ika-15 Konggreso Ika-16 na Konggreso | |
Pantaleon Alvarez Kasapi para sa Davao del Norte-Ika-1 (ipinanganak noong 1958) |
PDP–Laban | Hulyo 25, 2016 | Hulyo 23, 2018 | Ika-17 Konggreso | |
Gloria Macapagal Arroyo Kasapi para sa Pampanga-Ika-2 (ipinanganak noong 1947) |
PDP–Laban | Hulyo 23, 2018 | Hunyo 30, 2019 | ||
Alan Peter Cayetano Kasapi para sa Taguig-Pateros (ipinanganak noong 1970) |
Nasyonalista | Hulyo 22, 2019 | Oktubre 12, 2020 | Ika-18 Konggreso | |
Lord Allan Jay Velasco Kasapi para sa Nag-iisang Distrito ng Marinduque (ipinanganak noong 1977) |
PDP-Laban | Oktubre 12, 2020 | Kasalukuyan |
Mga Ispiker ng bawat rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Rehiyon | Kabuuan |
---|---|
Kanlurang Kabisayaan | 5 |
Kalakhang Maynila | 4 |
Gitnang Luzon | 2 |
Rehiyon ng Davao | 2 |
Mimaropa | 2 |
Silangang Kabisayaan | 2 |
Rehiyon ng Ilokos | 2 |
Rehiyon ng Bikol | 1 |
Calabarzon | 1 |
Gitnang Kabisayaan | 1 |
Rehiyong Pampangasiwaan ng Kordilyera | 1 |
Mga Ispiker ng bawat lapian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lapian | Kabuuan | Termino |
---|---|---|
Lapiang Nasyonalista | 9 | 10 |
Lakas | 3 | 4 |
Lapiang Liberal | 3 | 4 |
PDP–Laban | 3 | 2 |
Kilusang Bagong Lipunan | 2 | 2 |
Laban ng Demokratikong Pilipino | 1 | 1 |
Laban ng Makabayang Masang Pilipino | 1 | 1 |
Nationalist People's Coalition | 1 | 1 |
Linyang-panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga nabubuhay na dating Ispiker ng Kapulungan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kasalukuyan, may anim na buhay pang naging Ispiker ng Kapulungan::
-
Jose de Venecia Jr. (Lakas-CMD), naglingkod 1992–1998, 2001–2008
-
Manuel Villar Jr. (Laban ng Makabayang Masang Pilipino) naglingkod 1998-2000
-
Feliciano Belmonte Jr. (Liberal), naglingkod 2001, 2010–2016
-
Pantaleon Alvarez (PDP-Laban), naglingkod 2016–2018
-
Gloria Macapagal Arroyo (PDP-Laban) naglingkod 2018–2019
-
Alan Peter Cayetano (Nasyonalista), naglingkod 2019–2020