PDP–Laban

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa PDP-Laban)
Jump to navigation Jump to search
TagapanguloRodrigo Duterte
PanguloAquilino Pimentel III
NagtatágAquilino Pimentel, Jr.
Secretary-GeneralMartin Diño
ItinatágPebrero 6, 1983; 36 taon nang nakalipas (1983-02-06) (merger)[1]
Punong-tanggapanKalakhang Maynila
IdeolohiyaPederalismo, Demokratikong Sosyalismo
Opisyal na kulayDilaw, Bughaw, Pula

Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.

Muling sumabak ang PDP–Laban sa pampanguluhang halalan sa Pilipinas noong 2016 nang itaguyod nito ang kandidatura ni Rodrigo Duterte.

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "THE PARTY - PDP-Laban". PDP-Laban. Hinango noong June 21, 2016.
  2. BINAY INDUCTS NEW PDP-LABAN MEMBERS IN GMA, CAVITE - "...the PDP, established in 1982... Naka-arkibo July 23, 2011, sa Wayback Machine.