Manny Pacquiao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Disambig colour.svg Nakakarga ang "Pacquiao" dito. Para sa Manny Pacquiao's brother, tingnan ang Bobby Pacquiao.

Padron:Pp-semi-blp

This name uses Philippine naming customs; the middle name or maternal family name is Dapidran and the surname or paternal family name is Pacquiao.
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao

Pacquiao in 2011


Kasalukuyan
Panunungkulan
June 30, 2016

Panunungkulan
June 30, 2010 – June 30, 2016
Sinundan si Erwin L. Chiongbian
Sinundan ni Roel D. Pacquiao

Kapanganakan 17 Disyembre 1978 (1978-12-17) (37 taong gulang)
Kibawe, Bukidnon, Philippines
Kabansaan Filipino
Partidong politikal United Nationalist Alliance (2012–present)
People's Champ Movement (2010–present)
Ibang political
kinaaaniban
Asawa Jinkee Jamora (2000–present)
Mga anak
  • Emmanuel Jr. (Jimuel)
  • Michael Stephen
  • Mary Divine Grace (Princess)
  • Queen Elizabeth (Queenie)
  • Israel
Tirahan
Alma mater
Hanapbuhay Athlete
Politician
Propesyon Professional boxer
Businessperson
Relihiyon Evangelical Protestantism[1]
previously Roman Catholicism
Websayt www.congress.gov.ph

Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Filipino propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon [2] at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon[3].

Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[4]

Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Tinalo at pinatumba na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.

Ang kanyang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Manny Pacquiao ay ipinanganak noong Disyembre 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon, Pilipinas. Siya ay anak ni Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang magulang ay nahiwalay noong siya ay ika-anim na grado, matapos nadiskubre ang kanyang ina na ang kanyang ama ay namumuhay sa ibang babae. Siya ay ika-apat sa anim na magkapatid.[5]

Si Pacquiao ay pinakasalan si Jinkee Jamora noong Enero 10, 2000. Sila ay nagkasama na may limang anak. Sa kasalukuyan, siya ay tumira sa General Santos City, South Cotabato.[6] Gayunman, bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani, siya ay opisyal na naninirahan sa Kiamba, Sarangani kung saan ang kanyang asawa na si Jinkee ay tirahan niya.

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pacquiao ay nakumpleto ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero iniwan niya ang high school dahil sa matinding kahirapan. Iniwan ang kanyang tahanan sa edad na 14 dahil sa ina na hindi magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya.

Karera sa palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Boksing[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pacquiao ay nasa Los Angeles bago ang laban niya kay Marco Antonio Barrera.

Sa edad na 14, si Pacquiao ay lumipat ng Maynila para sumali sa boksing bilang amateur. Noong 1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ay naging nag-udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karerang boksing.

Basketbol[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong April 2014, inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang balak na sumali sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang coach ng Kia Motors.

Karera sa pulitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Pebrero 2007, opisyal na inanunsyo ni Pacquiao na gustong tumakbo bilang miyembro ng Bahay Kongresista (House of Representatives) para sa halalan sa Mayo 2007, kumakatawan sa unang distrito ng South Cotabato. Siya ay tumakbo bilang Partido Liberal (Liberal Party). Pero natalo siya ng kanyang kalaban na si Darlene Antonino-Custodio.

Noong 2009, kinumpirma ni Pacquiao na tumakbo muli bilang kongresista, pero sa oras na ito ay sa Sarangani. Noong May 13, 2010, si Pacquiao ay opisyal na prinoklama bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani. Siya ay nakakuha ng 120,052 boto laban sa kanyang kalaban na si Roy Chongbian na nakakuha ng 60,899 na boto.

Noong 2013, si Pacquiao ay nanalo sa ikalawang termino niya sa pagka-kongresista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinangunahan ni Bise-Presidente Jejomar Binay.[7] At noong 2015, idineklara ni Pacquiao na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pamumuno ni Binay.[8]

Kontrobersiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pacquiao ay nahaharap ng iba't ibang kontrobersiya tulad ng kasong pag-iwas ng buwis (tax evasion case) at pahayag sa LGBT at same-sex marriage.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Smith, Tim (June 6, 2012). "Boxer Manny Pacquiao amused as Timothy Bradley pulls ticket stunt for potential rematch at press conference". Daily News (New York: Daily News, L.P.). http://www.nydailynews.com/sports/more-sports/boxer-manny-pacquiao-amused-timothy-bradley-pulls-ticket-stunt-potential-rematch-press-conference-article-1.1091151. Hinango noong April 14, 2014. 
  2. Mark Lamport-Stokes (2010-11-14). "Eighth world title gives Pacquiao unique status". Reuters. http://uk.reuters.com/article/idUKTRE6AD0NL20101114. Hinango noong 14 Nobyembre 2010. 
  3. Bryan Armen Graham (2009-05-04). "Beatdown of Hatton lifts Pacquiao into pantheon of all-time greats". CNN Sports Illustrated. http://sportsillustrated.cnn.com/2009/writers/bryan_armen_graham/05/04/hatton.pacquiao/index.html. Hinango noong 15 Marso 2010. 
  4. Himmer, Alastair (5 Hunyo 2010). "Pacquiao named fighter of the decade". Reuters. http://www.reuters.com/article/idUSTRE6541BX20100605. 
  5. Robbie Pangilinan (November 9, 2009). "Manny Pacquiao's Mom and Dad Reunited?". Doghouse Boxing. http://www.doghouseboxing.com/DHB/Robert111009.htm. Hinango noong March 15, 2010. 
  6. "canadastarboxing.com, Profile and Bio". Canadastarboxing.com. Sininop mula sa orihinal na pahina noong March 29, 2010. https://web.archive.org/20100329104105/http://www.canadastarboxing.com:80/Fighters/manny-pacquiao-profile.htm. Hinango noong May 9, 2011. 
  7. "Pacquiao bolts Aquino's LP for Binay's PDP-Laban". gmanetwork.com. GMA News. April 16, 2012. http://www.gmanetwork.com/news/story/255133/news/nation/pacquiao-bolts-aquino-s-lp-for-binay-s-pdp-laban. Hinango noong April 17, 2012. 
  8. Espejo, Edwin (October 5, 2015). "It's official: Pacquiao running for senator". Rappler. http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/108190-pacquiao-running-senator. Hinango noong February 9, 2016. 


Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:Manny Pacquiao


TalambuhayPilipinasPalakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pilipinas at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.