Leni Robredo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Maria Leonor G. Robredo
Leni Robredo Portrait.png
Si Robredo nang 2022
Ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hunyo 30, 2016
PanguloRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanJejomar C. Binay
Tagapangulo ng Sangguniang Tagapag-ugnay sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Kalungsuran
Nasa puwesto
Hulyo 12, 2016 – Disyembre 5, 2016
PanguloRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanChito Cruz
Sinundan niLeoncio Evasco Jr.
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016
Nakaraang sinundanLuis Villafuerte, Sr.
Sinundan niGabriel Bordado
Pansariling detalye
Ipinanganak
Maria Leonor Santo Tomas Gerona

(1965-04-23) Abril 23, 1965 (edad 57)[1]
Naga, Camarines Sur, Pilipinas
Partidong pampolitikaLiberal
(Mga) AsawaJesse Robredo
kasal 1987; namatay 2012
Mga anak3
TahananQuezon City Reception House
Alma materUniversity of the Philippines Diliman (B.A.)
San Beda College (M.B.A.)
University of Nueva Caceres (LL.B.)
TrabahoAbogado, Ekonomista, Negosyante
WebsaytOpisyal na website
Website ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Si Maria Leonor Gerona Robredo (Santo Tomas Gerona noong dalaga; isinilang Abril 23, 1965),[1][2] mas kilala bilang si Leni Robredo, ay isang Pilipinong abogado, pulitiko, at aktibista na kasalukuyang nanunungkulan bilang ang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang asawa ng dating kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal na si Jesse Robredo. Bago siya maging pangalawang pangulo ng bansa, nanunungkulan si Robredo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Camarines Sur mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos nito, tumakbo siya bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Partido Liberal, kasama si Mar Roxas bilang katambalan niya. Dito, natalo niya si Bongbong Marcos nang lagpas 270,000 boto lamang.[3][4] Siya ang ikalawang babaeng pangalawang pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo noong 1998, at ang unang taga-Bikol na umupo sa naturang puwesto.

Isa siya sa mga tumatakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas sa halalan 2022.[5]

Kabataan at edukasyon

Isinilang si Maria Leonor Santo Tomas Gerona noong Abril 23, 1965 sa Naga, Camarines Sur.[6] Siya ang panganay sa tatlong anak nina Antonio Gerona, isang retiradong hukom, at Salvacion Sto. Tomas.[7]

Sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga nag-aral si Gerona ng panimulang edukasyon. Dito niya tinapos ang kanyang elementarya noong 1978 at mataas na paaralan noong 1982.[7] Nakapagtapos siya ng antas sa ekonomika mula sa Paaralan ng Ekonomika sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1986.[8] Pagkatapos nito, kumuha siya ng digri sa batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres, at nagtapos noong 1992.[8] Naipasa niya ang bar exam noong 1997, matapos niyang maibagsak muna ito noong 1992.[9]

Kongreso

Bago ang pagkamatay ng asawa niya noong 2012, hindi masyado nakilahok si Robredo sa pulitika. Noong halalan 2013, tumakbo siya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur at nanalo.

Siya ang pangalawang tagapangulo ng mga komite ng Kongreso sa mabuting pamamahala, pananagutang pampubliko, at pagbabago sa mga batas. Bukod rito, miyembro rin siya ng 11 house panel. Isa siya sa mga matitinding tagapagtaguyod ng batas sa Kalayaan sa Impormasyon, at tagasuporta sa Panimulang Batas ng Bangsamoro.

Maria Leonor Gerona-Robredo
ika-16 na Kongreso
Batas Bill Maiksing Pamagat Isinabatas Kopya
RA 10672 HB 4073 Granting Philippine Citizenship To Farrell Eldrian Wu Agosto 19, 2015 LawPhil
RA 10922 HB 5452 Economic and Financial Literacy Act Hulyo 22, 2016 LawPhil
RA 10708 HB 5831 Tax Incentives Management and Transparency Act (TIMTA) Disyembre 9, 2015 LawPhil
Pinagkunan: Website ng Kongreso ng Pilipinas.
Paalala: Ang mga kasama sa listahan na ito ay ang mga bill na naging batas, kung saan siya ang (o isa sa mga) principal author nito.

Mga naipasa o isinulong na batas sa Kongreso

Sinulat ni Robredo ang People Empowerment Bill (HB 4911[10]) na naglalayon sa mas maraming partisipasypon ng mga Pilipino sa paggawa ng desisyon at batas[11] at batas ng pagsali ng mga mamamayan sa proseso ng budget ng pamahalaan(HB 3905) na naglalayon na pataasin ang pagsali ng mga mamamayan sa mga desisyon na nauukol sa paglikha ng mga badyet sa mga proyekto ng pamahalaaan.[10][12][13] Sinulat rin Robredo ang panukalang batas kontra diskriminasyon (HB 3432) batay sa etnisidad, estado sa buhay, lahi, relihiyon, kasarian, orientasyong seksuwal, gender identity at ekspresyon, wika, kapansanan, estado ng HIV at iba pa.[14]

Isinulong niya ang bersiyon sa kapulungan (House Bill 05831) na naging Republic Act RA10708, the Tax Incentives Management(Mga paghihimok sa pangangasiwa ng pagbubuwis) at ang batas ng pagiging buikas noong 2009 (TIMTA).[15][16][17]

Isa pang batas na isinulong ni Robredo ang kontra dinastiya sa pamahalaan. [18][19][20][18][21] at ang batas ng malinis na inumin (House Bill 4021).[22] Kabilang sa mga batas na isinulong ni Robredo ang batas sa kalayaan ng Impormasyon.[23] at Bangsamoro Basic Law[24][25] gayundin ang kalinisan, bukas na pamahalaan at pagsisiwalat ng lahat ng mga transaksiyon ng budget ng Pilipinas (HB 19).[26] at ang patakarang bukas na pinto sa Publiko (House Bill No. 6286),[27]

Mga komite sa kongreso

Naupo si Robredo bilang Bise Chairman ng Komite sa mabuting pamamahala at pagiging bukas ng pamahalaan sa publiko.[28]

Pangalawang Pangulo

Ang Opisina ng Pangalawang Pangulo ni Robredo ang nakatanggap ng pinakamataas na grado ng audit(pagtingin sa paghawak ng pananalapi sa budget nito) sa Commission on Audits.[29] Noong 2022, ang budget ng Opisina ni Robredo ay binawasan ng 21 Porsiyento ng gobyerno ni Rodrigo Duterte.[29] Ang budget ng Opisina ng Pangulo ay inilaan ni Robredo para COVID-19 response at mga angat buhay programa.[30]

Presidential styles ni
Leni Robredo
Seal of the Vice President of the Republic of the Philippines.svg
Sangguniang estiloHer Excellency
Estilo ng pananalitaYour Excellency
Alternatibong istiloMadame Vice President

Personal na buhay

Si Robredo kasama ang kanyang mga anak

Kilala si Leni Robredo sa kanyang payak na pamumuhay.[31] Naging asawa siya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak, sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[2]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Begas, Leifbilly (Mayo 4, 2016). "Leni: I'm tough, I fight for what is right" [Leni: Matibay ako, pinaglalaban ko kung ano ang tama]. Inquirer Bandera (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula Enero 10, 2017. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  2. 2.0 2.1 "Vote PH 2016: Leni Robredo". Inquirer.net (sa Ingles). Abril 10, 2016. Tinago mula sa orihinal mula Abril 5, 2016. Kinuha noong April 12, 2016.
  3. Cayabyab, Marc Jayson. "Leni Robredo is vice president" [Si Leni Robredo na ang pangalawang pangulo]. Inquirer.net (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula Hulyo 2, 2016. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  4. "Philippine VP Robredo Widens Lead Over Marcos in Protest Recount" [VP Robredo ng Pilipinas, lumaki ang lamang kay Marcos sa protest recount]. Bloomberg.com (sa Ingles). Oktubre 19, 2019. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  5. Tan, Lara (Oktubre 7, 2021). "VP Robredo to run for president in 2022" [Tatakbo sa pagkapangulo si VP Robredo sa 2022]. CNN Philippines (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula Oktubre 7, 2021. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  6. Cupin, Bea (Oktubre 5, 2015). "Leni Robredo: I can't refuse call to serve" [Leni Robredo: Di ko kayang tanggihan ang tawag ng paglingkod]. Rappler (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 7, 2015. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  7. 7.0 7.1 Philippine Daily Inquirer (Agosto 24, 2012). "That first night, I knew he was gone—Robredo's wife" [Nung unang gabi na yon, alam ko na'ng wala na siya—asawa ni [Jesse] Robredo]. Inquirer.net (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula Hulyo 1, 2020. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  8. 8.0 8.1 Bueza, Michael (Pebrero 6, 2016). "Are 2016 VP bets truthful about academic degrees?" [Totoo ba ang mga sinabi ng mga 2016 VP bet tungkol sa digri nila?]. Rappler (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 7, 2020. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  9. Yap, DJ (Marso 31, 2016). "Bar flunker Leni Robredo tells of rebound" [Nagkuwento ng rebound ang bar flunker na si Leni Robredo]. Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Pebrero 27, 2021. Kinuha noong Enero 17, 2022.
  10. 10.0 10.1 "Leni on BUB, cabinet portfolio and others – Liberal Party of the Philippines". Liberal Party of the Philippines (sa Ingles). Kinuha noong December 3, 2015.
  11. "[HB4911] People Empowerment Bill.pdf". Google Docs. Kinuha noong December 3, 2015.
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang auto2); $2
  13. Maria Ressa (Interviewer), Leni Robredo (October 12, 2015). Rappler Talk: Leni Robredo on running for VP (YouTube Video). Rappler. Kinuha noong December 3, 2015.
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang auto); $2
  15. "Senate passes Tax Incentives Management and Transparency Act". Rappler. Kinuha noong December 3, 2015.
  16. "House OKs Tax Incentives Transparency bill". Philstar.com. Philstar Global Corp. Tinago mula orihinal hanggang 2015-10-02. Kinuha noong 2022-01-17.
  17. "Grief, and why I will campaign for Leni". BusinessWorld. Tinago mula orihinal hanggang 2018-07-06. Kinuha noong 2022-01-17.
  18. 18.0 18.1 "Cong. Robredo's Statement on the Anti-Dynasty Bill – Leni Robredo Official Website". Leni Robredo Official Website (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula September 10, 2016. Kinuha noong December 3, 2015.
  19. "Robredo: Dynasty bill may be passed yet". Philstar.com. Philstar Global Corp. Tinago mula sa orihinal mula December 8, 2015. Kinuha noong December 3, 2015.
  20. "Healthy Beverage Options Act 4021 Proposed for Schools". SmartParenting.com.ph. Tinago mula sa orihinal mula December 8, 2015. Kinuha noong December 3, 2015.
  21. "Robredo: Dynasty bill may be passed yet". Philstar.com. Philstar Global Corp. Tinago mula sa orihinal mula December 8, 2015. Kinuha noong December 3, 2015.
  22. "Healthy Beverage Options Act 4021 Proposed for Schools". SmartParenting.com.ph. Tinago mula sa orihinal mula December 8, 2015. Kinuha noong December 3, 2015.
  23. Marc Jayson Cayabyab. "Leni Robredo urges adoption of House FOI bill version". Inquirer.net. Tinago mula sa orihinal mula September 27, 2015. Kinuha noong September 22, 2015.
  24. Aries Joseph Hegina. "LIST: How did your representatives vote on the BBL?". Inquirer.net. Tinago mula sa orihinal mula September 29, 2015. Kinuha noong September 22, 2015.
  25. "22 House members urge support for Bangsamoro Basic Law". SunStar. Tinago mula sa orihinal mula September 24, 2015. Kinuha noong September 22, 2015.
  26. "Leni Robredo's first bill: Full disclosure in gov't transactions". Philstar.com. Philstar Global Corp. Kinuha noong December 3, 2015.
  27. "House Bill No. 6286 (Open Door Policy Act).pdf". Google Docs. Kinuha noong December 3, 2015.
  28. "Leni Robredo: The reluctant candidate now seeks VP post in 2016". GMA News. Tinago mula sa orihinal mula October 7, 2015. Kinuha noong October 5, 2015.
  29. 29.0 29.1 https://newsinfo.inquirer.net/1486153/ovp-2022-budget-cut-by-21-lawmakers-want-it-to-have-at-least-p1-billion
  30. https://ovp.gov.ph/post/vp-leni-we-made-ovp-budget-responsive-pandemic.html
  31. "Becoming Leni Robredo". rappler.com. Kinuha noong November 16, 2016.

Mga kawing panlabas

Inunahan ni:
Jejomar Binay
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
2016 – kasalukuyan
Kasalukuyan