Pumunta sa nilalaman

Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Buod ng Ahensya
Pagkabuo30 Enero 1987 (1987-01-30)
Punong himpilanBicutan, Taguig
Taunang badyetP24.268 bilyon [1]
Ministrong may pananagutan
Websaytwww.dost.gov.ph

Ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas (Ingles: Department of Science and Technology o DOST) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin sa koordinasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya sa Pilipinas, at may tungkulin ding magsagawa ng mga patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlaranang pambansa.

Noong Enero 30, 1987, pinirmahan ng noo'y pangulong Corazon Aquino ang Atas Ehekutibo Blg. 128 na nag-angat sa noo'y Pambansang Pangasiwaan ng Agham at Teknolohiya sa antas-gabineteng posisyon sa pamumuno ng isang kalihim na itatalaga ng pangulo at nagbago sa pangalan nito bilang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya[3]

Pinamumunuan ang ahensya ng kalihim na itinalaga ng pangulo. Mayroong mga pangalawang kalihim at katuwang na kalihim na umaagapay sa pagpapairal ng araw-araw na operasyon ng kagawaran at sa pagmamanihala sa mga usbong na ahensyang nakapaloob sa kagawarang ito [4]. Mayroon ding mga rehiyonal na tanggapan ang kagawaran. Ang mga sumusunod ay ang kaugnay na mga tanggapan at ahensya ng kagawaran:[5]

Gusali ng punong-himpilan ng kagawaran

Mga kalupunang tagapayo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sangguniang pansektor

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Surian sa Pananaliksik at Pagpapaunlad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Serbisyong Surian sa Agham at Teknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga tungkulin ng kagawarang ito ay ang mga sumusunod[6]:

  1. Lumikha at magpatibay ng komprehensibong Pambansang Plano para sa Agham at Teknolohiya at pangasiwaan at ayusin ang pagpopondo rito at ang implementasyon nito
  2. Isulong ang, tumulong sa, at kung saan nararapat, magsagawa ng, siyentipiko at teknolohikal na pananaliksik at pagpapaunlad sa mga larangang natukoy na mahalaga sa pambansang kaunlaran
  3. Isulong ang paglago ng katutubong teknolohiya at paghahalaw at pagpapaunlad ng naangkop na teknolohiyang inangkat sa ibang-dayo, at kaugnay nito, magsagawa ng pagbubuo ng teknolohiya hanggang sa komersyalisasyon nito
  4. Magsagawa ng pagdidisenyo at inhinyeriya upang mapunan ang kaakibat na tungkulin sa pananaliksik at pagpapaunlad;
  5. Payabungin ang, tumulong sa, at kung saan angkop, ay magsagawa ng, paglilipat ng resulta ng mga siyentipikong pananaliksik sa kapakinabangan ng kanilang mga gagamit
  6. Payabungin ang, tumulong sa, at kung saan angkop, ay magsagawa ng, serbisyong teknikal na kailangan ng agrikultura, industriya, transportasyon, at balana
  7. Magtipon ng, at mangasiwa sa, information system at kalipunan ng datos na may kinalaman sa agham at teknolohiya;
  8. Bumuo at magpatupad ng programa sa pagpapalakas ng kakayahan sa agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga tauhan at pagtatayo ng mga imprastraktura at surian
  9. Ipalaganap ang kamalayan sa agham at teknolohiya sa publiko;
  10. Magsagawa ng pananaliksik sa patakaran, pagtasa sa teknolohiya, at mga pag-aaral na teknikal at kainaman

Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Agham at Teknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo

Bilang Pangalan Larawan Buwang Nagsimula Buwang Nagtapos Pangulong pinaglingkuran
1 Antonio V. Arizabal Enero 30, 1987 Abril 6, 1989 Corazon C. Aquino[7]
2 Ceferino L. Follosco Abril 7, 1989 Hunyo 30, 1992
3 Ricardo T. Gloria Hunyo 30, 1992 Hulyo 6, 1994 Fidel V. Ramos[8]
4 William Padolina Hulyo 7, 1994 Hunyo 30, 1998
Hunyo 30, 1998 Enero 29, 1999 Joseph Ejercito Estrada[9]
5 Filemon A. Uriarte, Jr. Pebrero 1, 1999 Enero 1, 2001
* Rogelio A. Panlasigui Enero 2, 2001 Marso 11, 2001 Gloria Macapagal-Arroyo[10]
6 Estrella F. Alabastro Marso 12, 2001 Hunyo 30, 2010
7 Mario Montejo Hunyo 30, 2010 Hunyo 30, 2016 Benigno S. Aquino III[11]
8 Fortunato dela Peña Hunyo 30, 2016 Hunyo 30, 2022 Rodrigo Roa Duterte
9 Renato Solidum Hunyo 30, 2022 kasalukuyan Bongbong Marcos
  1. https://www.pna.gov.ph/articles/1164866
  2. https://www.philstar.com/headlines/2022/12/07/2229210/dost-chief-solidum-gets-ca-nod
  3. Kautusang Tagapagpaganap Blg.. 128, s. 1987 (30 Enero 1987), Reorganizing the National Science and Technology Authority, inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Setyembre 2017, nakuha noong 6 Pebrero 2021{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-07-01. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-03-29. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-01-28. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Corazon C. Aquino - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Fidel V. Ramos - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-23. Nakuha noong 2014-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Joseph Ejercito Estrada - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-14. Nakuha noong 2014-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Gloria Macapagal-Arroyo - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Benigno S. Aquino III - Presidential Museum and Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2014-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)