Pumunta sa nilalaman

Katimugang Leyte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Timog Leyte)
Katimugang Leyte
Lalawigan ng Katimugang Leyte
Watawat ng Katimugang Leyte
Watawat
Opisyal na sagisag ng Katimugang Leyte
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Katimugang Leyte
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Katimugang Leyte
Map
Mga koordinado: 10°20'N, 125°5'E
Bansa Pilipinas
RehiyonSilangang Kabisayaan
KabiseraMaasin
Pagkakatatag1960
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorDamian Mercado
 • Manghalalal292,337 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan1,798.61 km2 (694.45 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan429,573
 • Kapal240/km2 (620/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
92,405
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan16.00% (2021)[2]
 • Kita₱1,386,211,761.83575,547,941.81631,807,487.32694,812,309.75797,682,543.36998,871,675.67302,636,805.90232,532,958.89958,052,686.361,490,775,062.941,949,620,127.10 (2020)
 • Aset₱4,448,607,981.941,235,502,564.691,353,526,603.091,605,037,952.621,927,208,641.582,490,648,921.082,917,166,531.463,286,429,191.88533,421,495.035,198,651,657.666,757,549,214.12 (2020)
 • Pananagutan₱1,315,343,103.38636,447,603.39681,358,237.67798,765,075.941,011,951,915.091,214,012,605.231,304,909,570.351,273,127,248.98287,397,510.791,916,477,231.45 (2020)
 • Paggasta₱872,857,800.32441,250,998.36443,226,502.08453,231,925.17531,280,542.00681,012,198.24720,338,983.13749,505,330.38570,635,188.57973,428,284.621,268,213,882.82 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod1
 • Bayan18
 • Barangay500
 • Mga distrito1
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
6600–6618
PSGC
086400000
Kodigong pantawag53
Kodigo ng ISO 3166PH-SLE
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaSebwano
Wikang Kabalian
Websaythttp://www.southernleyte.gov.ph/

Ang Katimugang Leyte (o Timog Leyte; opisyal na pangalan: Southern Leyte) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Silangang Visayas.

Isang mahalagang bahagi ng sistema transportasyon ng mga pulo ng bansa ang Katimogang Leyte, kasama ang mga sasakyang pangdagat ng nilalakbay ang mga tao at produkto sa pagitan ng Liloan at Surigao del Norte sa Mindanao.

Naganap sa probinsiyang ito ang kaunaunahang Kristiyanong misa at sinasabi na kapanganakan ng Kristiyanismo sa buong Asya.

And probinsiya ay kilala sa magandang kalidad ng mga produktong abaca nito at isa sa mga malalaking prodyuser ng bansa ng pibro ng abaca.

Dating bahagi ng lalawigan ng Leyte ang Katimugang Leyte. Iminungkahi ang pangangailangan ng paghiwalay sa pulo ng Leyte sa dalawang lalawigan dahil sa kahirapan ng pamamahala ng buong pulo mula sa Tacloban, ang kapital ng Leyte. Sa batas, ipinasa ang Republic Act 2277 na binubuo ang lalawigan ng Katimugang Leyte noong 1959 at natatag noong 1960.

Ang pagragasa ng putik sa baryo ng Guinsaugon, St. Bernard, Katimugang Leyte noong 2006

Noong 17 Pebrero 2006, winasak ng pagguho ng lupa sanhi ng malakas na ulan, tinatayang mahigit sa 200 cm (79 pulgada), at isang maliit na lindol ang mga bayan at maraming gusali. Daan-daan ang inakalang patay at mahigit sa isang libo ang nawawala. Naantala ang pagliligtas dahil sa masamang kondisyon ng mga daanan at kakulangan ng mabibigat na kagamitan. Hindi pinalad ang higit sa 1,800 mga katao na nawala o maaaring patay na.

Pinaniniwalaan ang Limasawa, isang pulong munisipalidad sa timog, na ang lugar na kung saan unang ginanap ang Kristiyanong misa sa Malayong Silangan, nang lumapag si Ferdinand Magellan doon noong 1521.

Tao at kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Cebuano ang likas na wika dito. Nauunawaan naman ang Ingles at Tagalog bilang mga pangalawang wika.

Nahahati ang Katimugang Leyte sa 18 bayan at 1 lungsod.

Sinasakop ng Katimugang Leyte ang katimogang 25 bahagdan ng pulo ng Leyte. Napapaligiran ang Leyte ng lalawigan ng Leyte sa hilaga, ng Kipot ng Surigao sa silangang, Dagat Bohol sa timog, at Kanal ng Canigao, sa ibayo ng Bohol, sa kanluran. Lungsod ng Maasin ang kabisera na nito.

Mga Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Southern Leyte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)