Estasyong daangbakal ng Sucat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
 Sucat 
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
PNR Sucat train.jpg
Estasyong Sucat kasama ang isang nakahintong diesel multiple unit (DMU) ng PNR
Estadistika ng estasyon
DireksiyonDaang Meralco
Sucat, Muntinlupa
Mga koordinado14°27′7.70″N 121°3′3.36″E / 14.4521389°N 121.0509333°E / 14.4521389; 121.0509333Mga koordinado: 14°27′7.70″N 121°3′3.36″E / 14.4521389°N 121.0509333°E / 14.4521389; 121.0509333
Linya     Linyang Patimog
EstrukturaNasa lupa
Plataporma1 platapormang pagilid at 1 platapormang pagitna
Riles3
Iba pang impormasyon
BinuksanHunyo 21, 1908
Itinayo muli2010
AksesibilidadHandicapped/disabled access
KodigoSU
Pagmamay-ari ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Calamba

Ang estasyong Sucat ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding Linyang Patimog o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa Daang Meralco sa Muntinlupa malapit sa South Luzon Expressway.

Ang estasyon ay ang ikalabinlimang estasyon patimog mula sa Tutuban at isa sa tatlong mga estasyon ng PNR na naglilingkod sa lungsod, ang iba pa ay Alabang at Muntinlupa.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangunahing kalapit na lugar ng estasyon ay ang Sucat Thermal Power Plant na matatagpuan sa likod ng estasyon sa Abenida Manuel A. Quezon sa tabi ng mga baybayin ng Laguna de Bay. Di-kalayuan mula sa estasyon ay Pambansang Dambana ng Our Lady of Miraculous Medal, St. James College of Parañaque, Mababang Paaralan ng Sucat, Mababang Paaralan ng Cupang, Muntinlupa Business High School, isang Makro, ang punong-tanggapan sa Pilipinas ng Zilog, mga inuusbong na mga pabahay tulad ng Posadas Village at ang Tribeca Private Residences, at mga sementeryo tulad ng Loyola Memorial Park and at Manila Memorial Park.

Mga kawing pantransportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapupuntahan ang estasyong Sucat gamit ang mga dyipning dumadaan sa mga ruta ng Daang Meralco at Abenida Dr. Arcadio Santos routes. Isang terminal ng dyipni ay matatagpuan sa labas ng estasyon. Mapupuntahan din ang estasyon gamit ng mga bus na dumadaan sa South Luzon Expressway na humihinto sa Sucat.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L1
Mga plataporma
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) o Alabang (→)
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Sucat Thermal Power Plant, Our Lady of Miraculous Medal National Shrine, St. James College of Parañaque, Mababang Paaralan ng Sucat, Mababang Paaralan ng Cupang, Muntinlupa Business High School, Zilog, Posadas Village, Tribeca Private Residences, Loyola Memorial Park, Manila Memorial Park

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]