Estasyon ng Tutuban
Tutuban | ||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||
Ibang pangalan | Manila, Tayuman, Divisoria | |||||||||||||||||||
Lokasyon | Gusaling Tagapagpaganap ng PNR, Kalye Mayhaligue, Tondo, Maynila | |||||||||||||||||||
Koordinato | 14°36′41″N 120°58′24″E / 14.6114°N 120.9732°E | |||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||
Linya | Linyang Pahilaga Linyang Patimog Linyang Antipolo (wala na) | |||||||||||||||||||
Plataporma | 3 platapormang pagitna | |||||||||||||||||||
Riles | 6 | |||||||||||||||||||
Konstruksiyon | ||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | |||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||
Kodigo | TU (pangmananakay) MA (kalungsuran) | |||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||
Nagbukas | 24 Marso 1891 | |||||||||||||||||||
Muling itinayo | 1996 | |||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong Tutuban na tinatawag ding estasyong daangbakal ng Maynila o estasyong daangbakal ng Divisoria ay ang pangunahing estasyong daambakal ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) at ang pangunahing estasyong daambakal ng lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Tumutukoy ang pangalan sa dalawang mga estasyon: ang orihinal na estasyong Tutuban na kasalukuyang bumubuo sa bahagi ng Tutuban Centermall, at ang Gusaling Tagapagpaganap ng PNR na kinalalagyan ng mga tanggapan ng PNR at nagsisilbi bilang kasalukuyang dulo ng lahat ng mga serbisyo ng PNR.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang itinayo ang estasyong Tutuban noong Enero 21, 1887 bilang bahagi ng "Ferrocarril de Manila-Dagupan" o Linyang Maynila-Dagupan, na bumubuo sa karamihan ng kasalukuyang Pangunahing Linyang Pahilaga (North Main Line) ngayon. Inilatag ang unang bato ng pangunahing gusali ng estasyon noong Hulyo 31, 1887.[1] Nang binuksan ang estasyon noong Nobyembre 24, 1892, may haba ang daambakal na 195 kilometro na dumadaan mula Maynila hanggang Dagupan, Pangasinan. Nang isinabatas ang Batas Republika Blg. 4156, binago ang pangalang Manila Railroad Company sa pangalang korporasyon na Philippine National Railways (Pambansang Daambakal ng Pilipinas).[2]
Noong 1988, tinaya ng PNR ang posibilidad na magpaupa ng 22 ektarya ng lupain sa Tutuban sa Abenida Recto bilang tugon sa mga hamon ng pagpapausbong at tulungang paunlarin ang sityo para gawing sentro ng pangangalakal. Isinagawa ng PNR ang unang bahagi ng master development plan ng Tutuban Properties, Inc. noong 1991, at kalaunan ay ipinagkatiwala ang pangangasiwa at pagpapaunlad ng lupa.
Pormal nang pinasinaya sa publiko ang Tutuban Centermall noong Pebrero 21, 1994, na pinangunahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Nasaksihan ng mga sumunod na taon ang patuloy na mga pagsisikap sa PNR, Tutuban Properties, Inc. at Pamahalaan ng Pilipinas upang isulong ang mga paraan ng paglakbay sa pamamagitan ng pagpapanibagong-tatag ng kabuuang sistemang daambakal, pagpapaganda ng mga gusaling pambayan at pangnegosyo sa pagilid ng Tutuban, at panatilihin ang diin sa kasaysayan. Ang pagpapaunlad ng PNR Plaza ay isang hakbang upang mapatunay ang kapakanan ng muling pagpapasigla ng kabuuang sistemang daambakal bilang isang paraan ng paglalakbay at pangangalakal.
Pinasiyahan ang Gusaling Tagapagpaganap ng Tutuban noong Mayo 30, 1996.
Ang linyang pangkargamento na dating nag-uugnay ng Tutuban sa Muelle de la Reina ay inabandona mula pa noong 2006.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L1 Mga plataporma | |||||||||
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Calamba o Silungan (→) | ||||||||
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o sa kanan | |||||||||
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Alabang o Silungan (→) | ||||||||
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang o Silungan (→) | ||||||||
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o sa kanan | |||||||||
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang o Silungan (→) | ||||||||
Plataporma C | PNR Metro Commuter patungong Alabang o Silungan (→) | ||||||||
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o sa kanan | |||||||||
Plataporma C | PNR Metro Commuter Shuttle patungong Governor Pascual o Silungan (→) | ||||||||
L1 | Lipumpon | Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, silungan, pangunahing tanggapan, terminal ng bisikleta,Bus Terminal ng Divisoria,FX, dyipni, taksi at traysikel | Mga Abeylabol na bus sa Divisoria Bus Terminal:Baliwag Transit Inc.,Golden Bee Transport Inc.,German Espirutu Liner Inc.,Victory Liner Inc.,Santa Monica Transport Service Cooperative.
Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya tungkol sa Tutuban railway station ang Wikimedia Commons. |