Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Romulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N55 (Pilipinas))

Lansangang-bayang Romulo
Romulo Highway
Daang Tarlac–Pangasinan
Lansangang-bayang Romulo sa Barangay San Pablo, Lungsod ng Tarlac
Impormasyon sa ruta
Haba77.2 km (48.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timog-silanganBulebar Ninoy Aquino sa Lungsod ng Tarlac
 Daang Paniqui–Camiling at Daang Camiling–Santa Barbara sa Camiling
Daang Mangatarem–Urbiztondo sa Mangatarem
Daang Olongapo–Bugallon sa Bugallon
Dulo sa hilaga-kanluranDaang Lingayen–Labrador sa Lingayen
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Lansangang-bayang Romulo (Ingles: Romulo Highway), na dating tinawag na National Highway 13, ay isang lansangan sa Pilipinas na dumadaan sa mga lalawigan ng Tarlac at Pangasinan. Ang haba nito ay 77.2 kilometro (48.0 milya), at nagsisimula ito sa Bulebar Ninoy Aquino sa Lungsod ng Tarlac at nagtatapos ito sa Daang Lingayen-Labrador sa Lingayen. Dumadaan ito sa mga bayan ng Santa Ignacia, Camiling, at San Clemente sa Tarlac; at Mangatarem, Aguilar, at Bugallon sa Pangasinan. Bahagi ito ng Pambansang Ruta Blg. 55 (N55) ng sistemang lansangambayan sa Pilipinas.

Ipinangalan ito kay Carlos P. Romulo, isang Pilipinong diplomatiko, politiko, sundalo, mamamahayag, at manunulat na naglingkod din bilang Pangulo ng Mga Nagkakaisang Bansa mula 1949 hanggang 1950. Si Romulo ay ipinanganak sa Camiling, bayan sa Tarlac kung saan dumadaan ang lansangan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Coordinates needed: you can help!