Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Aguinaldo

Mga koordinado: 14°17′4″N 120°57′35″E / 14.28444°N 120.95972°E / 14.28444; 120.95972
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N419 (Pilipinas))

Lansangang Aguinaldo
Aguinaldo Highway
Lansangang-bayang Aguinaldo patimog patungong Abenida Nueno sa Imus.
Impormasyon sa ruta
Haba41.4 km (25.7 mi)
Bahagi ng
  • R-2 R-2
  • N62 (sa Bacoor)
  • N419 (Bacoor hanggang Silang)
  • N410 (Silang hanggang Tagaytay)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaTulay Zapote sa hangganan ng Las Piñas at Bacoor
  N65 (Daang Juanito Remulla Sr.) sa Palapala, Dasmariñas
Dulo sa timogLansangang Tagaytay–Nasugbu sa Tagaytay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBacoor, Imus, Dasmariñas, Tagaytay
Mga bayanSilang, Alfonso
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Lansangang-bayang Aguinaldo (Ingles: Aguinaldo Highway), na kilala din bilang Cavite-Batangas Road at Manila West Road, ay isang lansangang-bayan panlalawigan na may anim na linya at haba na 41.4 kilometro (25.7 milya) at dumadaan sa mga pinaka-abalang bayan at lungsod sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ito ang pinaka-maabala at pinaka-matrapik sa mga tatlong pangunahing lansangan sa lalawigan (ang dalawang iba pa ay Daang Juanito Remulla Sr. (dating Daang Governor) at Lansangang-bayang Antero Soriano). Ang hilagang dulo ng lansangan ay nasa Las Piñas sa Kalakhang Maynila. Dadaan ito sa Bacoor, Imus, Dasmariñas, Silang, at tatapos ito sa Tagaytay.

Bahagi ang lansangan ng Daang Radyal Blg. 2 (R-2) ng sistemang pamilang ng mga daan sa Kamaynilaan. Bahagi rin ito ng tatlong ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas: N62 sa Bacoor, N419 mula Bacoor hanggang Silang, at N410 sa nalalabing bahagi na papuntang Tagaytay.

Ang kasalukuyang Lansangang-bayang Aguinaldo ay nagmula sa isang lumang daan na pumapasok sa Kabite mula Las Piñas. Ang mga lumang daan na umiral bago ang Lansangang-bayang Aguinaldo ay may ibang pagkakalinya sa Bacoor at Imus; ang mga ito ay umiiral ngayon bilang magkahalong mga daan na pinapanatili ng lungsod at mga pambansang daan. Ilang bahagi ng daan ay naging kinalalagyan ng mga labanan noong Himagsikang Pilipino.

Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang daan ay umabot sa Silang, hanggang sa pagbubukas ng isang karugtong papuntang Tagaytay. Ang mga lumang daan na dumaan sa mga kanluraning barangay ng Bacoor at Imus ay nilampasan ng isang bagong pagkakalinya na umiiral hanggang sa kasalukuyan. Itinalagang Highway 17 ang daan at pinangalanang Manila West Road, na umabot hanggang sa dako ng bayan ng Batangas (Lungsod ng Batangas ngayon). Kalaunan, binigyan ng bagong pangalan ang bahagi ng lansangan mula Bacoor at Tagaytay na mula kay Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas.[kailangan ng sanggunian].

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang Aguinaldo sa Silang.

Dumadaan ang Lansangang-bayang Aguinaldo sa maraming mga establisimiyento tulad ng mga gusaling pampamilihan (malls), tindahan, tanggapan ng pamahalaan, atbp. Dumadaan kalinya o bumabagtas sa lansangan ang mga linyang transmisyon, sub-transmisyon, at pamamahagi ng kuryente na pinapatakbo at pinapanatili ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), lalo na ang linyang transmisyon ng Las Piñas-Dasmarinas mula Bulebar Aguinaldo hanggang NGCP Dasmarinas Substation.

Unang isang pang-apatan na lansangan, nagsisimula ang Lansangang-bayang Aguinaldo bilang karugtong ng Abenida Diego Cera at Tulay ng Zapote. Magiging isang daang anim anim ang mga linya ang lansangan paglampas ng Bulebar Molino (na papuntang Molino at Bulebar Aguinaldo na kumokonekta sa Manila–Cavite Expressway). Pabagtasin naman nito ang Lansangang-bayang Tirona na papuntang Kawit at Lungsod ng Cavite. Dadaan naman ito sa Imus at papasukin nito ang Dasmarinas, kung saan kikipot ito hanggang sa maging apat ang mga linya nito at kung minsa'y nagiging lansangang hinahatian sa gitna sa ilang bahagi nito. Pagkaraan, babagtasin naman nito ang Daang Juanito Remulla Sr. sa Barangay Palapala.

Paglampas ng Palapala, magsisimula na itong umakyat patungong Tagaytay, at dadaan ito sa Silang. Sa Rotondang Tagaytay, babagtasin nito ang Daang Tagaytay–Calamba, (na nag-uugnay sa Daang Santa Rosa–Tagaytay patungong Santa Rosa, Laguna) at Daang Tagaytay–Talisay (isang daang sigsag na dumadaan sa pababang dalisdis patungong Talisay, Batangas). Kalaunan, tutuloy ang lansangan pakanluran bilang bahagi ng Lansangang-bayang Tagaytay–Nasugbu patungong Nasugbu sa pamamagitan ng Palico. Ang bahagi ng Daang Tagaytay–Nasugbu mula Tagaytay Rotunda hanggang Mendez Crossing ay nilagyan ng mga palatandaang "Aguinaldo Highway". Dadaan ito malapit sa Parokya ng Ating Ina ng Lourdes, Leslie's, Josephine, Robinsons Summit Ridge, Sky Ranch, at Taal Vista Hotel bago matapos sa Bagtasang Mendez.

Mga bilang ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 2014, inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang bagong sistemang pamilang ng ruta na nagmarka ng malaking bahagi ng Lansangang-bayang Aguinaldo bilang bahagi ng mga rutang N62, N419, at N410. Binigyan ang lansangan ng iba't-ibang mga opisyal na pangalan, tulad ng Daang Manila–Cavite (Manila–Cavite Road) at Daang Cavite–Batangas (Cavite–Batangas Road). Ang pagkakalinya sa kanluran ng kabayanan ng Silang ay nananatiling hindi nakabilang habang ang bagong bypass road na nangangalang Silang Bypass Road ay itinakdang pambansang daang tersiyaryo. Ang bahagi na nag-uugnay sa Manila–Cavite Expressway o CAVITEx, ang Bulebar Aguinaldo (Aguinaldo Boulevard), ay nananatiling hindi nakabilang bilang isang pambansang daang tersiyaryo (ang mga pambansang daang tersiyaryo ay hindi tinatakda ng mga bilang, tanging mga pambansang daang primera at pambansang daaang sekundarya lamang ang may mga itinalagang bilang).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°17′4″N 120°57′35″E / 14.28444°N 120.95972°E / 14.28444; 120.95972