Pumunta sa nilalaman

Daang Tagudin–Cervantes–Sabangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N205 (Pilipinas))

Pambansang Ruta Blg. 205 shield}}

Daang Tagudin–Cervantes–Sabangan
Tagudin–Cervantes–Sabangan Road
Daang Mountain Province–Ilocos Sur (Mountain Province–Ilocos Sur Road)
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba98 km (61 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N204 (Lansangang Halsema) sa Sabangan
 
  • Daang Cervantes–Mankayan–Abatan / Daang Cervantes–Quirino sa Cervantes
Dulo sa kanluran N2 (Lansangang MacArthur) sa Tagudin
Lokasyon
Mga lawlawiganLalawigang Bulubundukin, Ilocos Sur
Mga bayanSabangan, Bauko, Tadian, Cervantes, Suyo, Tagudin
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N204N206

Ang Daang Tagudin–Cervantes–Sabangan (Ingles: Tagudin–Cervantes–Sabangan Road, kilala rin bilang Daang Mountain Province–Ilocos Sur) ay isang 98 kilometro (o 61 milyang) pambansang lansangan sa hilagang Luzon, Pilipinas na nag-uugnay ng mga lalawigan ng Ilocos Sur[1] at Lalawigang Bulubundukin[2].

Itinalaga ang kabuoang daan bilang Pambansang Ruta Blg. 205 (N205) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisimula ang daan sa tagpuan ng Lansangang Halsema sa Sabangan, Lalawigang Bulubundukinbilang silangang dulo nito. Dumadaan ito sa mga bayan ng Bauko at Tadian bago pumasok sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ang mga katangian nito ay maraming mga kurbadang hugis-U (hairpin curves) sa mga bahaging matarik (lalo na sa Cervantes) sa kahabaan ng bulubunduking ruta sa loob ng Kabundukan ng Cordillera. Habang nasa daan, nagbibigay ito ng daang papasok sa Likas na Bantayog ng Pasong Bessang na matatagpuan sa pinakamataas na dako ng daan bago tumungo sa mga kapatagan ng lalawigan. Nagtatapos ang daan sa tagpuan nito sa Lansangang MacArthur (tinatawag ding Manila North Road) sa Tagudin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ilocos Sur 2nd". www.dpwh.gov.ph. Nakuha noong 2018-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "Mt. Province". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-25. Nakuha noong 2018-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)