Lansangang-bayang Andaya
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Lansangang-bayang Quirino Andaya Highway | ||||
---|---|---|---|---|
Lansangang-bayan Quirino (Quirino Highway) Daang Camarines Sur–Quezon (Camarines Sur–Quezon Road) | ||||
Impormasyon sa ruta | ||||
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan - Camarines Norte District Engineering Office, Quezon 4th District Engineering Office, at Camarines Sur 1st District Engineering Office | ||||
Bahagi ng |
| |||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa hilaga | AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Santa Elena, Camarines Norte | |||
| ||||
Dulo sa timog | AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Sipocot, Camarines Sur | |||
Lokasyon | ||||
Mga bayan | Santa Elena, Tagkawayan, Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Lansangang-bayang Andaya (Ingles: Andaya Highway; kilala din bilang Lansangang-bayang Quirino (Quirino Highway at Daang Camarines Sur-Quezon) ay isang lansangang-bayan panrehiyon na dumadaan sa mga bayan ng Sipocot, Lupi, at Ragay sa Camarines Sur, at Tagkawayan sa Quezon.
Ang kabuoang daan ay itinalaga ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) bilang Pambansang Ruta Blg. 68 (N68) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang itinayo ang Lansangang-bayang Andaya noong 1976 sa pamamagitan ng Pampangulong Direkto Blg. 774 ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang panukala ay iuugnay ang Del Gallego, katutubong Ragay (timog-kanlurang Ragay), at pantalan ng Ragay sa Camarines Sur, sa Pan-Philippine Highway. Nagsisimula ito sa Pan-Philippine Highway papuntang Tagkawayan, Quezon at Del Gallego, Camarines Sur, at nagtatapos ito sa pantalan ng Ragay. Tinawag itong Lansangan ng Pangulong Quirino noon unang binuksan ito noong 1984. Sinara ito noong 1992 para sa pagpapahaba nito patungong Sipocot, Camarines Sur. Muling binuksan ito sa mga motorista noong 2003 at binigyan ng bagong pangalan na Lansangang-bayang Rolando Andaya Sr., mula sa yumaong kongresista na si Rolando Andaya Sr.. Hanggang ngayon, nanatili itong pangunahing lansangan. Ito ang pinakamaikling daan patungo sa Naga, at sa nalalabing bahagi ng Camarines Sur, imbes na gamitin ang mas-mahabang Lansangang-bayang Maharlika na dadaan pa sa Camarines Norte.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official Site of the Diocese of Libmanan
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2000 Philippine Census Information Naka-arkibo 2010-01-30 sa Wayback Machine.
- 2007 Philippine Census Information Naka-arkibo 2008-12-20 sa Wayback Machine.
- Official Site of the Province of Camarines Sur Naka-arkibo 2017-03-04 sa Wayback Machine.
- Unofficial Site of the Municipality of Tagkawayan, Quezon Naka-arkibo 2007-06-30 at Archive.is
- Local Governance Performance Management System Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.