Daang Panrehiyon ng Pulilan
Daang Panrehiyon ng Pulilan Pulilan Regional Road | ||||
---|---|---|---|---|
Daang Calumpit–Pulilan (Calumpit–Pulilan Road) | ||||
![]() Daang Panrehiyon ng Pulilan sa Barangay Paltao, Pulilan. | ||||
Impormasyon sa ruta | ||||
Haba | 11.2 km (7.0 mi) | |||
Bahagi ng |
| |||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa kanluran | ![]() | |||
Dulo sa silangan | ![]() ![]() | |||
Lokasyon | ||||
Mga bayan | Calumpit, Pulilan | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Daang Panrehiyon ng Pulilan (Ingles: Pulilan Regional Road), na kilala rin bilang Daang Calumpit–Pulilan (Calumpit–Pulilan Road) ay isang 11.2 kilometro, pandalawahang daan at pambansang lansangan na matatagpuan sa mga bayan ng Calumpit at Pulilan sa lalawigan ng Bulacan. Bahagi ito ng Pambansang Ruta Blg. 115 (N115) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagsisimula ang Daang Panrehiyon ng Pulilan sa isang gasolinahan ng Caltex sa Calumpit at dadaan sa mga pook-pamahayan at establisimiyento ng Calumpit at Pulilan. Ilang metro pagkaraan nito ay ang Tulay ng Bagbag. Tutuloy ito sa isang tuwid na daan hanggang makapasok ito sa Pulilan sa palatandaang mabuhay (welcome sign) at babagtasin nito ang North Luzon Expressway o NLEx (sa pamamagitan ng Labasan ng Pulilan). Pagkaraan nito ay Barangay Tibag, kung saang matatagpuan ang isang sangay ng Nestle. Liliko ang daan pasilangan, at dadaan sa mga barangay ng Dampol I, Lumbac, Poblacion (kabayanan), Paltao, at Cutcot at tatapos sa Pan-Philippine Highway.