Lansangang-bayang Sayre
Lansangang-bayang Sayre Sayre Highway | ||||
---|---|---|---|---|
Impormasyon sa ruta | ||||
Padron:Infobox road/meta/spur of | ||||
Haba | 192.0 km (119.3 mi) | |||
Bahagi ng | ||||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa hilaga | N9 (Daang Butuan–Cagayan de Oro–Iligan–Tukuran) – Puerto, Cagayan de Oro, Misamis Oriental | |||
Dulo sa timog | N75 (Daang Davao–Cotabato) – Kabacan, Cotabato | |||
Lokasyon | ||||
Mga pangunahing lungsod | Cagayan de Oro, Malaybalay, Valencia | |||
Mga bayan | Manolo Fortich, Sumilao, Maramag, Don Carlos, Kitaotao, Dangcagan, Kibawe, Damulog, Carmen, Kabacan | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Lansangang-bayang Sayre (Ingles: Sayre Highway) ay isang pangunahing lansangan sa Mindanao sa katimugang Pilipinas na nagsisimula sa Puerto, Cagayan de Oro at nagtatapos sa Kabacan, Hilagang Cotabato. Dumadaan ito sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Bukidnon, at Hilagang Cotabato.[1] Ang haba nito ay 192.0 kilometro (119.3 milya).
Ang hilagang bahagi (bahaging Cagayan de Oro-Maramag) ng lansangan ay binubuo ng Pambansang Ruta Blg. 10 (N10), isang rutang sangay ng Asian Highway 26 sa hilaga. Samantala, itinakda namang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 943 (N943) ang katimugang bahagi (bahaging Maramag-Kabacan) ng lansangan, na may habang 94 kilometro (58 milya) at tinatawag ding Daang Bukidnon–Cotabato (Ingles: Bukidnon–Cotabato Road).[2][3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinawag ito noon na Route 3 subalit binigyan ito ng bagong pangalan na Sayre Highway, sa karangalan ni Francis Bowes Sayre, Sr., ang U.S. Philippine High Commissioner na nanguna sa pagpapatayo nito.[4] Umaabot ito patimog sa gitnang Mindanao, at nag-uugnay ng mga hilaga at katimugang usli ng Route 1 (Lansangang Digos–Butuan). Ang bahaging ito ng pambansang lansangan ay itinayo noong panahon ng mga Amerikano.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talasnggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Southern Philippines:The U.S. Army Campaigns of World War II". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cotabato 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-04. Nakuha noong 2018-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bukidnon 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-15. Nakuha noong 2018-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "US Army in WWII: The Fall of the Philippines".