Paliparan ng Awang
Paliparan ng Awang | |||
---|---|---|---|
IATA: CBO – ICAO: RPMC | |||
Buod | |||
Uri ng paliparan | Pampubliko | ||
Tagapamahala | Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas | ||
Naglilingkod sa | Lungsod ng Cotabato | ||
Lokasyon | Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao | ||
Taas AMSL | 58 m / 189 ft | ||
Mga coordinate | 07°09′54.87″N 124°12′34.63″E / 7.1652417°N 124.2096194°E | ||
Mga patakbuhan | |||
Direksiyon | Kahabaan | Ibabaw | |
m | ft | ||
10/28 | 1,900 | 6,234 | Aspalto |
Estadistika (2008) | |||
Mga pasahero | 104,543 | ||
Kilos ng mga eroplano | 1,622 | ||
Toneladang metriko ng kargamento | 632 | ||
Estadistika mula sa Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas.[1] |
Ang Paliparan ng Awang ay isang paliparan na nagsisilbing paliparan ng Lungsod ng Cotabato, na makikita sa Maguindanao, Pilipinas. Ang paliparan ay may uri na isang paliparang trunkline o isang mahalagang paliparang domestiko ng Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas, isang kinatawan ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon na responsable sa operasyon hindi lamang ang paliparang ito ngunit lahat ng iba pang mga paliparan sa Pilipinas, maliban ang mga mahalagang paliparang internasyonal.
Pinagsisilbihan ng paliparan ang Lungsod ng Cotabato ngunit ito ay matatagpuan sa Barangay Awang (kung saan din galing ang pangalan nito) sa katabing bayan ng Datu Odin Sinsuat. Katangi-tangi noon ang Cotabato bilang lungsod na may paliparan na matatagpuan sa ibang lalawigan dahil ang Datu Odin Sinsuat ay dating kabisera ng lalawigan ng Shariff Kabunsuan, na ngayo'y hindi na umiiral.
Mga kompanyang himpapawid[baguhin | baguhin ang batayan]
- Airphil Express (Cebu, Maynila)
- Cebu Pacific (Maynila)
- Mid-Sea Express (Dabaw)
- Philippine Airlines (Maynila)
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Philippine Aircraft, Passenger and Cargo Statistics 2001-2008". March 3, 2009. Hinango noong April 21, 2009.
![]() | Itong artikulo ay naglalaman ng pagsasalin ng « Cotabato Airport » mula sa en.wikipedia. |