Pumunta sa nilalaman

Daang Eko-Turismo ng Quezon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pambansang Ruta Blg. 422 shield}}

Daang Eko-Turismo ng Quezon
Quezon Eco-Tourism Road
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at LansanganQuezon 2nd District Engineering Office
Haba29.7 km (18.5 mi)
UmiiralMarso 2016–kasalukuyan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa timog-kanluranDaang Rosario–San Juan–Candelaria sa San Antonio
 
  • Daang Lutucan–Guisguis sa Sariaya
  • N606 (Old Manila South Road) sa Lucena
Dulo sa hilagang-silangan N1 / AH26 (Pan-Philippine Highway / Lucena Diversion Road) sa Lucena
Lokasyon
Mga lawlawiganQuezon
Mga pangunahing lungsodLucena
Mga bayanSan Antonio, Sariaya
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N421N431

Ang Daang Eko-Turismo ng Quezon (Ingles: Quezon Eco-Tourism Road) ay isang 29.7 kilometro (18.5 milya) na matanawing daan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Mayroon itong dalawa hanggang walong mga landas.[1][2]

Ang buong daan ay isang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 422 (N422) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dati, hindi ito binigyan ng rutang pamilang bilang isang daang barangay noong natapos ang pagtatayo nito.

Binuksan ito sa trapiko noong Marso 2016.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilalagpasan ng daan ang mga kabayanan ng Candelaria at Sariaya. Nagsisimula ito sa Daang Rosario–San Juan–Candelaria sa kanluran at nagtatapos ito sa Pan-Philippine Highway sa Lucena. Ang mga manlalakbay mula Batangas ay nakatitipid ng oras ng paglalakbay sa pagdaan dito bilang isang alternatibong ruta papuntang Kabikulan. Sa kahabaan nito, matatanaw ang mga lupang sakahan at pananim sa lalawigan ng Quezon.

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakabilang ang mga sangandaan ayon sa mga palatandaang kilometro, itinakda ang Liwasang Rizal sa Maynila bilang kilometro sero

LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
QuezonSan AntonioDaang Rosario–San Juan–CandelariaDulo sa timog-kanluran.
SariayaDaang Lutucan–Guisguis
Lucena N606 (Old Manila South Road)
N1 / AH26 (Manila South Road)Dulo sa hilagang-silangan
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Quezon 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2018. Nakuha noong Setyembre 16, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Quezon 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 5, 2019. Nakuha noong Setyembre 16, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)