Pumunta sa nilalaman

Kilometro Sero

Mga koordinado: 47°33′39.78″N 52°42′44.33″W / 47.5610500°N 52.7123139°W / 47.5610500; -52.7123139
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kilometro sero)
Kilometro kupong ng Pilipinas na matatagpuan sa Rizal Park, Ermita, Manila[1]

Ang Kilometro Kupong (ibang katawagan: Kilometro Zero) (Ingles: Kilometre Zero) ang partikular na lokasyon (madalas sa kabisera ng bansa) mula kung saan tradisyonal na sinusukat ang mga layo o distansiya.

Ang palatandaang marmol na itinakda bilang KM 0 sa harap ng Bantayog ni Rizal sa Liwasang Rizal ay ang Kilometro Sero para sa mga layo ng daan sa pulo ng Luzon at sa natitirang bahagi ng Pilipinas.

Sa simula matatagpuan sa Dönhoff-Platz sa pusod ng Berlin ang simulang punto ng lahat ng mga daan ng dating bansa ng Prusya papunta at mula Berlin mula 1730 hanggang 1875. Noong 1975 isang milestone na itinayong muli ay inilagay sa harap ng Spittel-Kolonnaden sa Marion-Gräfin-Dönhoff-Platz. 52°30′39″N 13°23′56″E / 52.510788°N 13.398964°E / 52.510788; 13.398964

Mga koordinado: 47°33′39.78″N 52°42′44.33″W / 47.5610500°N 52.7123139°W / 47.5610500; -52.7123139 (WGS84) Taas: 14.02 metro (46 talampakan)

Mga koordinado: 47°33′14.0″N 52°42′50.5″W / 47.553889°N 52.714028°W / 47.553889; -52.714028 (WGS84) Taas: 4.5 metro (15 talampakan)

Dakilang Britanya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi ginagamit sa Inglatera at Wales ang salitang "Kilometre Zero". Sinusukat ang mga distansiya mula sa London (sa milya) mula Charing Cross.

Sa Scotland, sinusukat ang mga distansiya mula sa Edinburgh mula sa gusaling GPO Kalye Princes.

Ang liwasan ng Copenhagen Town hall ay ang puntong sero.

Ang kilometro sero ng Ehipto ay matatagpuan sa Koreo ng Attaba Square sa Unang Kalye ng Abdel Khaliq Sarwat Pasha sa Cairo.

May kilometro sero ang Eslobakiya sa kabisera nitong Bratislava, sa ilalim ng Tarangkahan ng Michael sa Michalská veža (Tore ni San Miguel).

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Zero Milestone sa Washington, D.C.

Ang sistemang metriko ay hindi karaniwang sistema sa Estados Unidos, subalit ang mga palatandaang pangmilya para sa karamihan sa mga pangunahing daan ay nagsisimula sa kanilang kanluran o katimugang dulo. Ang mga sistema ng pagmamarka ng milya ay kadalasang sa loob ng bawat mga estado; magsisimula muli ang pagbibilang ng milya kapag tinawiran ang hangganan ng estado.

Si Pierre Charles L'Enfant (1754–1825), ang unang arkitekto ng Washington, D.C., ay nagpanukala ng isang hindi pinangalang palatandaang reperensiya sa anyo ng isang poste na matatagpuan isang milya silangan ng Kapitolyo na hindi naitayo.

Bagaman hindi ginagamit sa panukat sa mga daan ng Estados Unidos sa labas ng kabisera, ipinanukala noong 1919 ang isang Zero Milestone malapit sa White House, at inilagay ng pamahalaang pederal ang isang panghabambuhay na palatandaan noong 1923 na pinondohan ng Good Roads Movement.

Sa Lungsod ng New York, ang Columbus Circle sa timog-kanlurang gilid ng Central Park ay ang tradisyunal na punto kung saan lahat ng mga kinikilalang layo ay sinusukat,[2] subalit ginagamit ng Google Maps ang Gusaling Panlungsod ng New York para sa gawaing ito.[3]

Ang kilometro sero ng Finland ay matatagpuan sa Liwasang Erottaja sa gitnang Helsinki.

Sa sinaunang Gresya, sinukat ang mga distansiya dambana ng mga labindalawang diyos, na matatagpuan sa sinaunang agora ng Athens. Maituturing ito na kauna-unahang kilometro sero sa kasaysayan ng tao.

Sa kasalukuyan, ang kilometro sero ng mga lansangan sa Gresya ay matatagpuan sa liwasang Syntagma, ang pangunahing liwasan ng Athens.

Kilometro sero ng Hapon sa kalagitnaan ng Tulay ng Nihonbashi sa Tokyo

Ang Kilometro Sero ng Hapon (日本国道路元標, Nipponkoku Dōro Genpyō) ay nasa gitna ng Tulay ng Nihonbashi sa Tokyo. Ang Estasyon ng Tokyo ay itinuturing panimulang punto ng pambansang network ng daambakal at may mga ilang poste at bantayog na nagpapahiwatig ng kilometro sero ng mga linyang nagmumula sa estasyon.

Ang kilometro sero sa Budapest ay tinanda ng isang bantayog na bumubuo ng bilang na "0". Unang kinalkula ang simulang punto sa pasukan ng Buda Royal Palace, ngunit inilipat ito sa Széchenyi Chain Bridge nang itinayo ito noong 1849.

Mayroon ding bato ng kilometro sero ang lungsod ng Kecskemét sa Liwasang Kossuth.

Tinatanda ang kilometro sero ng Indonesya ng isang bantayog na matatagpuan sa Pulo ng Weh, ang pinakahilaga at pinakakanlurang punto ng buong bansa.[4][5][6]

Sa Irlanda, sinusukat ang mga distansiya ng Dublin mula sa General Post Office sa Kalye O'Connell, ang pangunahing lansangan ng lungsod. Para sa mga distansiya sa Hilagang Irlanda, ang Liwasang Donegall ay itinuturing na sentro ng Belfast.

Ang kilometro sero ng Italya ay matatagpuan sa ibabaw ng Burol Capitolino sa Roma.

Ang kilometro sero para sa mga pangunahing daan na nangagaling sa Antananarivo ay matatagpuan sa liwasan (square) sa harap ng Estasyong daambakal ng Soarano.

Kilometro Sero

Ang kilometro sero para sa mga daan at lansangan sa Peninsular Malaysia ay matatagpuan sa General Post Office ng Johor Bahru.[7] Isa ito sa mga pambihirang kaso kung saang hindi matatagpuan ang pambansang kilometro sero sa isang pambansang kabisera, dahil sa ang mga distansiya para sa tatlong pangunahing mga gulugod na ruta (Mga Rutang Pederal Blg. 1, 3 at 5) ay sinusukat mula Johor Bahru, ku g saang tumatagpo ang mga nabanggit na ruta at kumokonekta sa Singapore sa pamamagitan ng Johor–Singapore Causeway.

Ang kilometro sero ng Mehiko ay matatagpuan sa Lungsod ng Mehiko, kasunod ng Mexico City Metropolitan Cathedral.

Ang kilometro sero ng Noruwega ay matatagpuan sa Oslo, sa adres ng Observatoriegaten 1.

Matatagpuan ang kilometro sero ng Panama sa Tulay ng Martin Sosa sa Abenida Simon Bolivar (Transisthmian Highway) sa Lungsod ng Panama.

May isang puntong tagpuan ang Warsaw, kabisera ng Polonya, na tinatampok ng mga plake na may mga distansiya mula rito papunta sa ibang mga pangunahing lungsod ng bansa. Matatagpuan ito sa sangandaan ngdalawang pangunahing abenida ng lungsod, Aleje Jerozolimskie at Kalye Marszałkowska, sunod sa estasyong Warsaw Metro ng Centrum.

Kilometro sero ng mga lansangang Pranses

Ang Kilometro Sero ng mga pambansang lansangan ay matatagpuan sa Paris sa parisukat na kaharap ng pangunahing pasukan ng Katedral ng Notre-Dame, at itinuturing opisyal na sentro ng lungsod ng Paris. 48°51′12″N 2°20′56″E / 48.8534°N 2.3488°E / 48.8534; 2.3488

Republikang Dominikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Umaalis ang DR-1, DR-2, at DR-3 mula sa kilometro sero sa Parque de Independencia ng Santo Domingo.

Ang kilometro sero ng Romania ay tinanda ng isang bantayog na matatagpuan sa harap ng St. George's Church sa gitnang Bucharest.

Kilometro sero ng Rusya.

Ang plakeng bronse na nagtatanda ng kilometro sero ng Rusya ay matatagpuan sa Moscow, sa harap lamang ng Iberian Chapel, sa isang maikling pasilyo na nag-uugnay ng Red Square sa Manezhnaya Square at pinagigiliran ng State Historical Museum at ang Moscow City Duma. May isa ring palatandaang kilometro sero sa lungsod ng Barnaul sa katimugang bahagi ng bansa.

Sa Sweden, ang estatuwang equestrian (o pagsakay ng kabayo) ni Haring Gustav II Adolf sa gitna ng Gustav Adolfs torg square sa Stockholm ay ginamit bilang kilometro sero.

Palatandaan ng kilometro sero ng mga lansangan sa Tsina.

Ang kilometro sero ng China Railways ay matatagpuan sa pasukan sa Fengtai Yard sa Linyang Jingguang sa labas lamang ng Beijing. Ang puntong ito ay simula ng linya point sa nakaraan; isa lamang payak na kongkretong palatandaan ito na may nakapintang "0". Walang seremoniyal na plake sa lugar.

Ang kilometro sero ng mga lansangan ay matatagpuan sa Tiananmen Square, sa labas lamang ng Tarangkahang Zhengyangmen. Nakatanda ito ng isang plake sa lupa na may apat na mga puntong kardinal, apat na mga hayop, at katagang "Zero Point of Highways, China" sa Ingles at Tsino.

Ang Kilometro Sero ng Ukraine, na tinawag na "The Winged Globe", ay matatagpuan sa Maidan Nezalezhnosti sa Kiev, ang kabisera at pangunahing lungsod ng bansa. 50°27′00″N 30°31′24″E / 50.4500729°N 30.523444°E / 50.4500729; 30.523444

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Kilometre Zero Marker - Manila". wikimapia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.travelandleisure.com/articles/full-circle
  3. http://www.citylab.com/navigator/2014/06/the-sign-says-youve-got-25-miles-to-go-before-new-york-its-lying/373322/
  4. "Menjejakkan Kaki di Tugu Nol Kilometer Sabang" (sa wikang Indones). Kompas. 11 Pebrero 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Weh Island: Diving the Untouched Edge". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-11. Sabang is the capital city of Weh Island. Why not explore the town as well? You might want to take a picture of a sign bearing "Indonesia Nol Kilometer" (Zero Kilometer of Indonesia). {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Sabang: Indonesia at KM 0". The Jakarta Post. Enero 13, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Peninsular Malaysian Kilometre Zero". Blog Jalan Raya Malaysia. 12 Mayo 2012. Nakuha noong 12 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)