Lungsod ng Panama
8°59′N 79°31′W / 8.983°N 79.517°W
Lungsod ng Panama Ciudad de Panamá | |||
---|---|---|---|
Nuestra Señora de la Asunción de Panamá | |||
Mula itaas pababa, kaliwa pakanan: Kanal ng Panama, Horisonte o Skyline, Tulay ng mga Amerika, Casco Viejo ng Panama (Kastila para sa "lumang tirahan") at Kalakhang Katedral ng Panama. | |||
| |||
Mga koordinado: Country 8°59′N 79°31′W / 8.983°N 79.517°W | |||
Bansa | Panama | ||
Lalawigan | Lalawigan ng Panamá | ||
Distrito | Distrito ng Panamá | ||
Pagkakatatag | 15 Agosto 1519 | ||
Nagtatág | Pedro Arias de Ávila | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | José Luis Fábrega (PRD) | ||
Lawak | |||
• Punong-lungsod | 275 km2 (106 milya kuwadrado) | ||
• Metro | 2,560.8 km2 (988.7 milya kuwadrado) | ||
Taas | 2 m (7 tal) | ||
Populasyon (2013) | |||
• Punong-lungsod | 880,691 | ||
• Kapal | 3,203/km2 (7,656/milya kuwadrado) | ||
• Urban | 1.5 milyon | ||
[1] | |||
Kodigo ng lugar | (+507) 2, 3 | ||
HDI (2017) | 0.820 – napakataas[2] | ||
Websayt | MuPa.gob.pa |
Ang Lungsod ng Panama (Kastila: Ciudad de Panamá; binibigkas na [sjuˈða(ð) ðe panaˈma]), payak na kilala bilang Panama (o Panamá sa Kastila), ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Panama.[3][4] Mayroon itong urbanong populasyon na 880,691,[1] na may higit sa 1.5 milyon ang kalakhang lugar nito. Matatagpuan ang lungsod sa bunganga ng Pasipiko ng Kanal ng Panama, sa lalawigan ng Panama. Sentrong pampolitika at administratibo ng bansa ang lungsod, gayon din, isang sentro ng pagbabangko at komersyo.[5]
Naitatag ang lungsod noong 15 Agosto 1519, ng mananakop na Kastila na si Pedro Arias Dávila. Isang panimula ang lungsod sa mga susunod na mga pandadayuhan na sinakop ang Imperyong Inka sa Peru. Ito ang pansamantalang hintuan ng isa sa mga pinakamahalagang ruta ng kalakalan sa lupalop ng Amerika, na nagresulta sa pagkakatatag ng Nombre de Dios at Portobelo, kung saan dumadaan ang karamihan ng mga ginto at pilak na minina ng Espanya mula sa mga Amerika.
Noong 28 Enero 1671, nawasak ang orihinal na lungsod ng isang sunog nang nandambong at sinunog ito ng pribadong manlalayag na si Henry Morgan. Pormal na muling itinatag ang lungsod pagkaraan ng dalawang taon noong 21 Enero 1673, sa isang tangway na matatagpuan 8 km (5 milya) mula sa orihinal na paninirahah. Mababakas pa rin ang mga guho ng orihinal na nawasak na lungsod, na isa na ngayong sikat na atraksyong panturista, at regular na binibisita ng mga paglalakbay ng paaralan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Cuadro 11. Superficie, población y densidad de población en la República, según Provincia, Comarca indígena, Distrito y Corregimiento: Censos de 1990, 2000 y 2010" (sa wikang Ingles). Instituto Nacional de Estadística y Censo, Contraloría General de la República de Panamá. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2016. Nakuha noong 11 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sub-national HDI – Subnational HDI – Global Data Lab" (sa wikang Ingles).
- ↑ Real Academia de la Lengua Española (Oktubre 2005). "Diccionario panhispánico de dudas. Apéndice 5: Lista de países y capitales, con sus gentilicios" (sa wikang Kastila). Nakuha noong 20 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Real Academia Española y Asociación de Academias de la Lengua Española, «Lista de países y capitales, con sus gentilicios», Ortografía de la lengua española, Madrid, Espasa Española, Real Academia (2010), Panamá.1 País de América. (sa wikang Kastila), p. 726, ISBN 978-84-670-3426-4,
GENT. panameño -ña. CAP. Panamá.
Panamá.2 Capital de Panamá.{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Investing in Panama" (sa wikang Ingles). BusinessPanama.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2010. Nakuha noong 16 Disyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)