Pumunta sa nilalaman

Bantayog ni Rizal

Mga koordinado: 14°34′54″N 120°58′36″E / 14.581669°N 120.976694°E / 14.581669; 120.976694
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bantayog ni José Rizal
Mga koordinado14°34′54″N 120°58′36″E / 14.581669°N 120.976694°E / 14.581669; 120.976694
KinaroroonanLiwasang Rizal, Maynila
NagdisenyoRichard Kissling
UriMausoleo
MateryalGranito
Taas12.7 metro (42 tal)
Sinimulan noong1908
Natápos noong1913
Pinasinayaan noongDisyembre 30, 1913
Inihandog kaySa alaala ni José Rizal, makabayan at martir

Ang Monumento ni José Rizal o Monumento ni Rizal (orihinal na pamagat: Motto Stella, Latin para sa "gumagabay na bituin") ay isang bantayog sa Liwasang Rizal sa Maynila, Pilipinas na itinayo upang alalahanin ang makabayang Pilipino na si José Rizal. Binubuo ang monumento ng isang tansong lilok ni Rizal, na may obelisko, na nakapatong sa isang patungan na kung saan nakalagak ang mga labi ng bayani.

Ang paikot ng monumento ay patuloy na binabantayan ng Seguridad Pangmarino at Samahang Konsorte ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas, at ang pagpapalit ng guwardiya ay isang pang-araw-araw na ritwal. Mga 100m (330 talampakan) sa hilagang-kanluran ng monumento ay ang mismong kinaroroonan kung saan pinapatay si Rizal, na may mga diorama na sumasalaysay sa kaniyang mga huling sandali.

Isang eksaktong replika ng Monumento ni Rizal ay matatagpuan sa Madrid, Espanya sa kanto ng Avenida de Las Islas Filipinas at Calle Santander.[1][2][3]

Malapitang tanaw ng estatwa ni José Rizal sa Monumento ni Rizal, Maynila, Pilipinas

Walang opisyal na pagpapaliwanag ng mga detalye ng monumento. Inilalarawan ng monumento si Rizal na naka-Amerikana na nakahawak ng libro, kumakatawan sa kaniyang mga nobelang Noli Me Tángere at El filibusterismo. Madalas tinitingnan ang obelisko bilang pagtingin sa masonikong pinagmulan ni Rizal habang ang tatlong bituin ay sinasabing tumatayo para sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga ukit sa likod, gaya ng mga dahon at banga, ay sinasabing sumisimbolo sa mga likas na yaman ng bansa. Pinagkakasunduan na ang mga ukit sa tabi ni Rizal—isang inang nag-aaruga sa kaniyang anak at dalawang lalaking nagbabasa—ay nagpapahiwatig ng pamilya at edukasyon. [4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rizal´s monument cleaned after being vandalized". Embassy of the Philippines in Madrid, Spain. Embassy of the Philippines in Madrid, Spain. 2010-11-23. Nakuha noong 2014-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Rizal´s Madrid". Embassy of the Philippines in Madrid, Spain. Embassy of the Philippines in Madrid, Spain. 2010-11-23. Nakuha noong 2014-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Morong, Joseph (2014-09-15). "PNoy begins 4-nation European trip at Madrid's Rizal monument". GMA News. Pilipinas. Nakuha noong 2014-09-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. [1]