Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Quirino

Mga koordinado: 14°47′56″N 121°4′7″E / 14.79889°N 121.06861°E / 14.79889; 121.06861
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N127 (Pilipinas))


Lansangang-bayang Quirino
Quirino Highway
Lansangang-bayang Quirino sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte, malapit sa hangganan nito sa Hilagang Kalookan
Impormasyon sa ruta
Bahagi ng
  • R-7 R-7 mula Barangay Kaligayahan, Lungsod Quezon hanggang Bulacan
  • N127
Pangunahing daanan
Daang palibot sa paligid ng Lungsod Quezon, Hilagang Kalookan, at San Jose del Monte
Dulo sa timog E1 / AH26 (North Luzon Expressway) sa Lungsod Quezon
 
Dulo sa hilagaBrgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon, Hilagang Caloocan, San Jose del Monte
Mga bayanNorzagaray
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Lansangang-bayang Quirino (Ingles: Quirino Highway), na dating kilala bilang Daang Maynila-del Monte Garay at Daang Ipo, ay isang lansangan na matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Pilipinas, na umaabot sa apat hanggang walong linya. Isa ito sa mga pangunahing daan sa Kalakhang Maynila, at nagbibigay ito ng alternatibong ruta papuntang Baliwag at Lambak ng Cagayan gamit ang Cagayan Valley Road.

Ang lansangan ay bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 127 (N127) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, at ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistema ng lansangang arteryal ng Kalakhang Maynila. Ang bahagi nito mula sa sangandaan nito sa Abenida Commonwealth hanggang sa hilagang dulo nito sa Norzagaray ay bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan.

Bagamat unang ipinangalang Daang Manila-del Monte Garay (Manila-Del Monte Garay Road), pinalitan ito bilang Daang Don Tomas Susano (Don Tomas Susano Road) kalaunan, mula sa kinikilalang politikal na pinuno ng distrito, noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Pinalitan muli ang pangalan sa Lansangang-bayang Quirino kasunod ng pagpanaw ni Pangulong Elpidio Rivera Quirino (1890–1956) na tumira sa isang kalapit na bahay bakasyunan at pumanaw sa parehong tirahan.

Pag-uugnay sa Abenida Commonwealth

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 1, 2009, inanunsiyo ng alkalde ng Lungsod Quezon na si Feliciano Belmonte, Jr. ang labinlimang-taong pangarap na pag-uugnay ng Abenida Commonwealth at Lansangang-bayang Quirino sa halagang ₱20 milyon - ₱140 milyon, malapit sa Daang Zabarte at Metro Manila Assembly Hall ng Mga Saksi ni Jehova. Natapos ang proyekto noong Mayo 2011.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang Quirino sa Barangay Baesa, Lungsod Quezon.

Nagsisimula ang Lansangang-bayang Quirino mula Norzagaray, Bulacan at dumadaan sa mga lugar ng San Jose del Monte, Malaria, Pangarap, at Lagro sa Caloocan, Novaliches, Daang C-5, Abenida Tandang Sora at nagtatapos sa Palitan ng Balintawak sa North Luzon Expressway sa Lungsod Quezon. Ito rin ang alternatibong ruta para sa mga pupunta sa Baliwag hanggang sa Daang Cagayan Valley ng Lambak ng Cagayan.

Mga kilalang pook at lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang Quirino sa Neopolitan Business District malapit sa pook ng Lagro, Lungsod Quezon.

Sa ngayon, may iilang mga pamilihan na matatagpuan sa kahabaan ng lansangan. Ang mga pinakakilalang pamilihan sa lansangan ay SM City Fairview, Robinsons Novaliches (dating Robinsons Place Novaliches, Robinsons Nova Market at Big R), at Ayala Fairview Terraces na naglilingkod sa mga mamimiling galing sa mga pook ng Novaliches, Caloocan, at San Jose del Monte. Gayundin, may mga pamilihan na naglilingkod sa pook ng Novaliches tulad ng Novaliches Plaza Mall (o NovaMall) at SM City Novaliches sa Barangay San Bartolome. Ang mga pamilihan ng Starmall San Jose del Monte at SM City San Jose del Monte ay naglilingkod naman sa pook ng San Jose del Monte.

May mga paaralan na matatagpuan sa kahabaan ng lansangan. Kabilang sa mga ito ay Our Lady of Fatima University - Quezon City campus, Mater Carmeli School - Novaliches campus, School of St Anthony-Lagro, pangunahing campus ng Local University of Quezon City, Quezon City Polytechnic University - San Bartolome, at Bestlink College of the Philippines - Kaligayahan.

May mga palengke rin sa kahabaan ng lansangan tulad ng Novaliches Bayan sa Barangay Novaliches Proper at Tungkong Mangga Market sa San Jose del Monte. Ang lansangan ay nagbibigay ng daan papuntang pook ng La Mesa Watershed Gate kung saan matatagpuan ang Saplad ng La Mesa na tumutustos ng tubig sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din sa lansangan ang mga pangunahing opisina, istudyo, at transmiter of TV5, subalit noong 2013, lumipat ang punong tanggapan ng network sa bagong kompound nito na TV5 Media Center sa sangandaan ng Kalye Sheridan at Kalye Reliance sa Mandaluyong.

Sinimulan ang pagtatayo ng MRT-7 noong 2016, at inaasahang matatapos ito sa taong 2020.[1] Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa lansangan.

Tatlo sa mga ipinapanukalang estasyon ay matatagpuan sa lansangan. Ang mga ito'y Quirino, Sacred Heart, at Tala.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ces Dimalanta at Emmie Abadilla (20 Abril 2016). "DOTC, SMC break ground for P69.3B MRT-7". Manila Bulletin. Nakuha noong 20 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°47′56″N 121°4′7″E / 14.79889°N 121.06861°E / 14.79889; 121.06861