Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang N402

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N402 (Pilipinas))

Pambansang Ruta Blg. 402 shield}}

Rutang 402
Daang Noveleta–Naic–Tagaytay (Noveleta–Naic–Tagaytay Road)
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng DPWH - Cavite 1st District Engineering Office and Cavite 2nd District Engineering Office
Pangunahing daanan
Mula sa N64 (Lansangang Antero Soriano) sa Tanza
Hanggang N410 (Lansangang Tagaytay–Nasugbu) sa Tagaytay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodTagaytay
Mga bayanTanza, Naic, Indang, Mendez
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N401N403

Ang Pambansang Ruta Blg. 402 (National Route 402 o sa payak N402), na tinatawag ding Daang Noveleta–Naic–Tagaytay o Noveleta–Naic–Tagaytay Road) ay isa sa mga ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.[1] Dumadaan ito sa mga bayang rural ng Kabite.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
N402 bilang Daang Naic–Indang (itaas) at Daang Mendez–Tagaytay (ibaba).

Binubuo ang N402 ng mga sumusunod na bahagi.[2][3]

Tanza papuntang Naic

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisimula ang N402 sa sangandaan nito sa Lansangang Antero Soriano (N64) bilang Kalye Santa Cruz (Santa Cruz Street), isang pang-isahang-daan na kalyeng papunta sa poblasyon o kabayanan ng Tanza. Sa harap ng pasukan sa Dambana ng Diyosesis ng San Agustin, liliko ito patimog-kanluran bilang Kalye San Agustin (San Agustin Street). Magiging pandalawahang kalye ito paglagpas ng Rotondang Biwas pagkaraan ng Tulay ng Tanza. Tutumbok ito sa Lansangang Antero Soriano sa Tagpuang Tanza, at didiretso patungong Naic.[4]

Naic papuntang Indang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa loob ng poblasyon ng Naic, liliko ang N402 patimog-kanluran patungong Kalye J. Poblete (J. Poblete Street; ilan sa mga bahagi nito ay kilala rin bilang Daang Sabang). Sa harap ng Simbahan ng Naic, liliko ito patimog-silangan bilang Kalye Kap. Ciriaco Nazareno (Capt. Ciriaco Nazareno Street). Babagtasin naman nito ang Daang Juanito Remulla Sr. (dating Daang Governor), at tutungo ito papuntang Indang bilang Daang Naic–Indang (Naic–Indang Road), isang isang makipot na daang may dalawang mga landas. Papasok naman ito sa poblasyon ng Indang, alternatibong bilang Kalye A. Mojica (A. Mojica Street). Tutuloy naman ito bilang Kalye De Ocampo (De Ocampo Street), Kalye San Miguel (San Miguel Street), at Kalye A. Mabini (A. Mabini Street), liliko patimog-silangan sa harap ng Simbahan ng Indang bilang Kalye San Gregorio (San Gregorio Street), at tutuloy bilang Karugtong ng San Gregorio (San Gregorio Extension).[4]

Karugtong ng San Gregorio

Indang papuntang Mendez

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa dulo ng Karugtong ng San Gregorio, tutumbukin ng ruta ang Daang Trece Martires–Indang at tutungo ito sa Mendez bilang Daang Indang–Mendez (Indang–Mendez Road). Malaking bahagi nito ay karamihang nakalatag ng aspalto habang kasalukuyang pinalalawak ang ibang mga bahagi kalakip ang kongkreto.

Papasok ito sa Mendez, kung saang kilala ito bilang Kalye C. Llamado (C. Llamado Street, pang-isahan at patimog), Kalye J.P. Rizal (J.P. Rizal Street, pang-isahan at pahilaga), ay Kalye Osorio (Osorio Street) bago magtapos sa panulukan ng mga Kalye J.P. Rizal at Osorio sa poblasyon ng Mendez.[4]

Mendez papuntang Tagaytay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panulukan ng mga Kalye J.P. Rizal at Osorio, didiretso ang daan patimog-silangan sa Tagaytay bilang Daang Mendez–Tagaytay (Mendez–Tagaytay Road). Sa huli, magtatapos ito sa Lansangang Tagaytay–Nasugbu sa Krosing ng Mendez, Tagaytay.

Mga daang sangay at daang pasikot-sikot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Daang Panlihis ng Tanza (Tanza Diversion Road) - Tanza
  • Kalye J. Dimabiling (J. Dimabiling Street) - Indang

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kilometro sero sa Indang
Tulay ng Italaro sa bahaging Indang ng N402

Ang buong ruta matatagpuan sa Cavite. 

Lungsod/Bayankm[5]miMga paroroonanMga nota
Naic N405 (Daang Juanito Remulla Sr.) – Maragondon, Trece Martires, Tanza
49.00030.447Palatansaang pangkatiyakan ng Rutang 402.
57.00035.418Palatansaang pangkatiyakan ng Rutang 402.
Indang N402 (Kalye J. Dimabiling) – Alfonso / Abenida ng Gusi Peace Prize International – Cavite State University
65.00040.389Palatansaang pangkatiyakan ng Rutang 402.
66.00041.010Kilometro Sero ng Indang.
Daang Indang–AlfonsoAlfonso
N404 (Daang Trece Martires–Indang) – Trece Martires, Maynila
Mendez73.00045.360Palatansaang pangkatiyakan ng Rutang 402.
Kalye Osorio / Kalye LlamadoPang-isahang daanan na sangandaan.
75.00046.603Kilometro sero ng Mendez
Tagaytay76.321–
64.119
47.424–
39.842
Babalik ang pagbibilang ng kilometro.
61.69038.332 N410 (Lansangang Tagaytay–Nasugbu) – BatangasKatimugang dulo.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2016 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 8 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cavite 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-01. Nakuha noong 9 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Cavite". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 9 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Road and Bridge Inventory". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-22. Nakuha noong Hunyo 15, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Road and Bridge Inventory". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-22. Nakuha noong 2018-01-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]