Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Pambansang Ruta Blg. 913 shield}}

Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia
Carlos P. Garcia National Highway
Daang Panlihis ng Lungsod ng Dabaw (Davao City Diversion Road)
Ang Tulay ng Ilog Dabaw na nagdadala ng Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia sa ibabaw ng Ilog Dabaw
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba18 km (11 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Mula sa N1 (Pan-Philippine Highway) / AH26
 
  • N918 (Daang Buhangin–Lapanday)
  • N921 (Daang Ma-a)
Hanggang N1 (Pan-Philippine Highway) / AH26
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod ng Dabaw
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N912N914

Ang Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia (Ingles: Carlos P. Garcia National Highway), na kilala rin bilang Daang Panlihis ng Lungsod ng Dabaw (Davao City Diversion Road), ay isang 18 kilometro (o 11 milyang) pambansang lansangan na may dalawa hanggang anim na mga landas na nagsisilbing rutang panlihis mula sa kabayanan ng Lungsod ng Dabaw.[1] Isa rin ito sa pangunahing mga daan sa Dabaw kapag papuntang Tagum sa Davao del Norte.

Sa ngayon, ito ang pangunahing daang panlihis para sa Dabaw habang itinatayo ang bagong daang pa-iwas at mabilisang daanan.[2][3]

Ang lansangang ito ay itinakdang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 913 (N913) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1955, inilabas ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 113 na nagtatakda sa lansangan bilang isang pambansang daang sekundarya.[4] Ipinahayag nang ganito hinggíl sa tagubilin ng dating Lupon ng Pambansang Transportasyon. Dahil dito, kasalukuyang pinapanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang lansangan, sapagkat pinagtibay ang kautusan sa Kautusang Kagawaran Blg. 90 noong 1977.[5]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Davao City". www.dpwh.gov.ph. Hinango noong 2018-11-24.
  2. Francisco, Carmelito Q. "P394-M Davao bypass road enters detailed engineering planning stage". BusinessWorld. Hinango noong 24 November 2018.
  3. Colina IV, Antonio L. "Deals signed with China include infra projects for Davao, Marawi". MindaNews. Hinango noong 24 November 2018.
  4. "Executive Order No. 113 s. 1955". Official Gazette PH. Hinango noong 24 November 2018.
  5. "Department Order No. 90 S. 1977 PDF" (PDF). www.dpwh.gov.ph. Hinango noong 24 November 2018.