Pumunta sa nilalaman

Daang Panlihis ng Pili

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pili Diversion Road)

Daang Panlihis ng Pili
Pili Diversion Road
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Tanggapang Inhinyero ng Ikalawang Distrito ng Camarines Sur
Haba4 km (2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N1 / AH26 (Lansangang Maharlika)
Dulo sa timog N630 (Pambansang Lansangan ng Governor Jose Fuentebella)
Lokasyon
Mga lawlawiganCamarines Sur
Mga bayanPili
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Panlihis ng Pili (Pili Diversion Road) ay isang daan sa bayan ng Pili, kabisera ng lalawigan ng Camarines Sur, na may habang apat na kilometro.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilalampasan ng Daang Panlihis ng Pili ang kabayanan ng Pili, at nagsisilbing alternatibong ruta papuntang timog sa halip ng patuloy na dumaan sa Lansangang Maharlika, na dumadaan sa kabayanan (o "poblasyon) nito. Isa rin itong tuwirang ruta patungong bayan ng Caramoan. Malinaw na matatanaw ang katimugang gilid ng Bundok Isarog mula sa daang ito.

Bilang ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ilalim ng pagpapatupad ng sistemang pamilang ng mga ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, ang buong daang panlihis ay isang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 673 (N673) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2017 DPWH Road Data - Camarines Sur 2nd". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-14. Nakuha noong 21 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)