Daang Panlihis ng Pili
Daang Panlihis ng Pili Pili Diversion Road | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan Tanggapang Inhinyero ng Ikalawang Distrito ng Camarines Sur | |
Haba | 4 km (2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N1 / AH26 (Lansangang Maharlika) |
Dulo sa timog | N630 (Pambansang Lansangan ng Governor Jose Fuentebella) |
Lokasyon | |
Mga lawlawigan | Camarines Sur |
Mga bayan | Pili |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Daang Panlihis ng Pili (Pili Diversion Road) ay isang daan sa bayan ng Pili, kabisera ng lalawigan ng Camarines Sur, na may habang apat na kilometro.
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalampasan ng Daang Panlihis ng Pili ang kabayanan ng Pili, at nagsisilbing alternatibong ruta papuntang timog sa halip ng patuloy na dumaan sa Lansangang Maharlika, na dumadaan sa kabayanan (o "poblasyon) nito. Isa rin itong tuwirang ruta patungong bayan ng Caramoan. Malinaw na matatanaw ang katimugang gilid ng Bundok Isarog mula sa daang ito.
Bilang ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng pagpapatupad ng sistemang pamilang ng mga ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, ang buong daang panlihis ay isang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 673 (N673) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2017 DPWH Road Data - Camarines Sur 2nd". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-14. Nakuha noong 21 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)