Pumunta sa nilalaman

Siargao

Mga koordinado: 9°54′18″N 126°4′0″E / 9.90500°N 126.06667°E / 9.90500; 126.06667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Siargao
Ang dalampasigan sa Isla ng Daku, Siargao
Siargao is located in Pilipinas
Siargao
Siargao
Lokasyon sa Pilipinas
Heograpiya
Mga koordinado9°54′18″N 126°4′0″E / 9.90500°N 126.06667°E / 9.90500; 126.06667
Katabing anyong tubigDagat Pilipinas
Sukat437 km2 (168.7 mi kuw)
Pinakamataas na elebasyon518 tal (157.9 m)
Pinakamataas na puntoBundok Baliuko
Pamamahala
RehiyonCaraga
LalawiganSurigao del Norte
Munisipalidad
Demograpiya
Populasyon94,273 (2015)

Ang Siargao ay isang pulo na hugis-patak sa Dagat Pilipinas na matatagpuan 196 kilometro timog-silangan ng Tacloban. Ang area ng lupa nito ay humigit-kumulang 437 square kilometro (169 mi kuw). Ang baybayin nito sa silangan ay medyo tuwid na may isang malalim na ilug-ilugan, Daungang Pilar. Ang baybay-dagat ay minamarkahan ng magkakasunod na bahura, malilit na tangway at mapuputing buhanginan.

Ang mga kalapit na isla ay may magkakatulad na anyong lupa. Kilala ang Siargao bilang kabisera ng pagsusurp sa Pilipinas, at binoto bilang Best Island in Asia (Pinakamagandang Isla sa Asya) sa 2021 Conde Nast Travelers Readers awards.

Ang pulo ay nasa hurisdiksyon ng lalawigan ng Surigao del Norte, at binubuo ng mga munisipalidad ng Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, San Benito, Pilar, San Isidro, at Santa Monica.

Nagmumula ang pangalan sa salitang Bisaya na siargaw o saliargaw (alagaw), isang espesye ng bakawan na tumutubo sa kapuluan.[1]

Unang nasaksihan ng mga Europeo ang Pulo ng Siargo noong si Bernardo de la Torre, isang Espanyol na nabigador, ay nakasakay sa karakang San Juan de Letrán noong 1543 nang sinubukan niyang bumalik mula sa Bagong Espanya mula sa Sarangani. Iginuhit ito sa mapa sa pangalang Isla de las Palmas (Pulo ng Palma sa wikang Kastila).[2]

Noong December 16, 2021, tumama ang Bagyong Odette sa lugar bilang Kategoryang 5 super bagyo. Nasalanta ang pulo, at maraming nawasak o nasirang gusali. Naging sanhi ito ng ₱20 bilyong ($400 milyong) halaga ng pinsala.[3]

Matatagpuan sa Pulo ng Siargao ang isa sa mga pinakamalaking reserba ng kagubatan ng bakawan sa Mindanao. Sumasaklaw ito ng 4,871 ektarya sa Del Carmen.[4] Napakalawak ang mga latian dito, na may potensyal para sa komersyal na pagpaparami ng damong-dagat. Pinagtitirahan ng Crocodylus porosus, isang buwaya sa Indo-Pasipiko, ang masaklaw na kagubatan ng bakawan sa kanlurang baybayin sa may Del Carmen. Noong 2016, nasumpungang patay ang isang malaking ispesimen nito na may sukat na 14 talampakan 9 pulgada (4.50 metro).[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Paredes, Francis Tom; Paredes, Sheila (2017). The Monosyllabic root -ao in Mindanao Languages [Ang Monosyllabic root -ao sa mga Wika sa Mindanao]. 8th Annual In-house Review of the Research Office of Agusan del Sur State College of Agriculture and Technology (sa wikang Ingles). Agusan del Sur State College of Agriculture and Technology.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brand, Donald D. The Pacific Basin: A History of its Geographical Explorations [Ang Pacific Basin: Isang Kasaysayan ng Paggalugad Nito Pangheograpiya] (sa wikang Ingles). New York: The American Geographical Society (New York, 1967) p.123,131.
  3. CNN Philippines [@cnnphilippines] (Disyembre 17, 2021). "Surigao del Norte Rep. Matugas says the damage brought by Typhoon #OdettePH in Siargao is estimated at ₱20 billion: Wala nang nakatayong building sa Siargao, totally devastated. Wala nang roof or half of the building" (Tweet) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 18, 2021. Nakuha noong Disyembre 24, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Twitter. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "MinDA, Siargao LGU partner for mangrove conservation" [MinDA, LGU partner ng Siargao para sa pagkokonserba ng bakawan] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 30, 2022. Nakuha noong Oktubre 31, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Mascarinas, Erwin M. (Oktubre 28, 2016). "14-foot dead crocodile found in Siargao" [14 talampakan na buwaya, nasumpungang patay sa Siargao]. Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 31, 2022. Nakuha noong Oktubre 31, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)