Kalye Estrella
Kalye Estrella Estrella Street | |
---|---|
![]() | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 0.8 km (0.5 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Abenida J.P. Rizal sa Población–Guadalupe Viejo |
Kalye Rockwell | |
Dulo sa timog | ![]() ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Estrella (Ingles: Estrella Street) ay isang maiksing lansangan na dumadaan sa Rockwell Center sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Nagsisimula ito sa Abenida J.P. Rizal sa katimugang baybayin ng Ilog Pasig sa hilaga at nagtatapos ito sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa timog. Ang kabuuang haba nito ay 0.84 kilometro (0.52 milya). Nakadugtong ito sa EDSA sa pamamagitan ng Estrella Flyover. Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng Makati Poblacion (kung saan matatagpuan ang Rockwell Center) sa kanluran at Barangay Guadalupe Viejo sa silangan. Nagsisilbi rin itong hangganan sa pamamagitan ng mga subdibisyon ng Bel-Air at Palm Village. Paglampas ng Abenida J.P. Rizal, tutuloy ang kalye bilang Kalye Pantaleon sa Mandaluyong (sa pamamagitan ng Tulay ng Estrella–Pantaleon na binuksan sa mga motorista noong 2011[1]).
Ipinangalan ito mula kay Maximo Estrella y Bondoc, alkalde ng Makati mula 1956 hanggang 1969.[2]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "New bridge connecting Makati, Mandaluyong opened". GMA Network News. Kinuha noong 30 Oktubre 2013.
- ↑ "NCR-MK-A-47". Haligui.net. Kinuha noong 30 Oktubre 2013.
Mga koordinado: 14°33′48″N 121°2′19″E / 14.56333°N 121.03861°E