Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
250px
Motto Tanglaw ng Bayan
Pagkatatag 1904
Uri Pang-estado
Pangulo Emanuel C. De Guzman
Lokasyon Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Laki ng Paaralan 11 ektarya
Dami ng Nag-aaral 55,282 (2012) undergraduate,
1,537 (2012)
Guro
Mascot PUPoy
Hymn Imno ng PUP
Homepage www.pup.edu.ph
PUP Manila
Ninoy Aquino Library and Learning Resource Center

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: Polytechnic University of the Philippines), dinadaglat bilang PUP at kilala sa mga pangalang PUP Sta. Mesa at PUP Manila, ay isang pambansang unibersidad na matatagpuan sa Santa Mesa, Maynila, Pilipinas. Itinatatag noong ika-19 ng Oktubre, 1904 bilang Manila Business School sa Calle Gunao, Quiapo, Maynila. Ito ang pangunahing yunit at upuan ng adminstrasyon ng Sistema ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang Sistema ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang pinakamalaking pamantansan sa pamamagitan ng populasyon ng magaaral, na umabot sa 68,249 noong 2014. Ang PUP ay nangangasiwa sa tatlong kampo sa Maynila at may dalawapu't isang sangay na kampo.

Noong sentenaryo ng pamantasan, idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang PUP bilang Pambansang Komprehensibong Unibersidad ng Pilipinas (National Comprehensive University) dahil sa mga adhikain nitong maitaguyod ang kahalagahan ng edukasyon sa mga Pilipino.

Sa kasalukuyan, ang unibersidad ay isa sa mga tinitingalang institusyong pang-akademya sa bansa.

Mga Yunit na nagbibigay ng digring akademiko[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Bukas na Unibersidad (Open University)
  • Paaralan Gradwado (Graduate School)
  • Kolehiyo ng Pinasya (CAF)
  • Kolehiyo ng Arkitektura at Sining Biswal (CAFA)
  • Kolehiyo ng Arte at Literatura (CAL)
  • Kolehiyo ng Administrasyong Pangnegosyo (CBA)
  • Kolehiyo ng Komunikasyon (COC)
  • Kolehiyo ng Agham Pamkompyuter at Impormasyon (CCIS)
  • Kolehiyo ng Edukasyon (CoEd)
  • Kolehiyo ng Inhinyerya (CE)
  • Kolehiyo ng Kinetikang Pantao (CHK)
  • Kolehiyo ng Batas-pan
  • Kolehiyo ng Agham Pampulitika at Administrayong Pangmadla (CPSPA)
  • Kolehiyo ng Siyensiya (CS)
  • Kolehiyo ng mga Agham Panlipupan at Pagpapaunlad (CSSD)
  • Kolehiyo ng Pamamahalang Turismo, Hotel at Transporstasyon (CTHTHM)
  • Linangan ng Teknolihiya (iTech)
  • Sanayang Mataas na Paaralan (LHS)

Eksternal na Links[baguhin | baguhin ang batayan]