Daang Governor

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N65 (Philippines).svgN403 (Philippines).svgN405 (Philippines).svgN651 (Philippines).svg

Daang Governor
Governor's Drive
Daang Governor sa General Mariano Alvarez, Kabite.
Impormasyon sa ruta
Haba58.3 km (36.2 mi)
Bahagi ng
  • N405 mula Ternate papuntang Naic
  • N403 mula Naic papuntang Trece Martires
  • N65 mula Trece Martires papuntang Carmona
  • N651 sa Carmona
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganTulay ng Soro-soro sa Biñan, Laguna
 
Dulo sa kanluranSangandaang Palay-palay sa Ternate, Kabite
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBiñan, Dasmariñas, Trece Martires, Heneral Trias
Mga bayanCarmona, General Mariano Alvarez, Tanza, Naic, Ternate
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Gov. Juanito R. Remulla Sr. (Ingles: Gov. Juanito R. Remulla Sr. Road, sa opisyal na katawagan), dati ngunit karaniwang tinatawag pa ring Daang Governor (Ingles: Governor's Drive), ay isang mahalagang lansangan na dumadaan sa mga gitnang lungsod at bayan ng lalawigan ng Kabite. May dalawa hanggang siyam na linya ang lansangan, na may haba na 58.3 kilometro (36.2 milya). Pinakamalawak ito sa tatlong lansangan ng Kabite, ang mga ibang lansangan ay Lansangang Aguinaldo at Lansangang Antero Soriano. Ang lansangan ay isang bahagi ng isang serye ng mga pambansang lansangan, na nakanumero na 403, N405, N65, at N651

Ang silangang dulo ng lansangan ay sa Tulay ng Soro-soro sa Biñan, Laguna, at pagkatapos ay dadaan ito sa Carmona, General Mariano Alvarez, Dasmariñas, Heneral Trias, Trece Martires, katimugang Tanza, tatawid ng Lansangang Antero Soriano sa Naic, at tatapos sa Sangandaang Palay-Palay sa Ternate.

Sa pangkaramihan, ang lansangan ay nakalatag ng kongkreto, subalit isinasailalalim sa pagsasaayos ang ilang bahagi nito at nilalatagan ng aspalto.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong ika-1 ng Agosto, 2016 ipinanukalang baguhin ang pangalan ng lansangan sa Governor Juanito R. Remulla Sr. Road.[1]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula Palapala papuntang Hangganan ng Kabite-Laguna[baguhin | baguhin ang batayan]

Daang Governor sa Dasmariñas
Daang Governor malapit sa Waltermart Carmona.

Ang Daang Governor patungo sa hangganang panlalawigan ng Laguna ay nagsisimula sa may SM City Dasmariñas sa sangandaan nito sa Lansangang Aguinaldo sa Palapala. Dadaan ito pasilangan paglapit nito sa Manila Memorial Park. Pagkaraan, babagtasin nito ang Daang Paliparan at papasok sa General Mariano Alvarez (GMA) sa pamamagitan ng isang tulay sa hangganan ng Dasmariñas-GMA.[2] Dadaan ito sa poblasyon ng GMA bago lumiko pahilagang-silangan sa hangganan ng GMA-Carmona. Sa Carmona, dadaan ito sa mga pook-industriyal ng bayan at i-ba-bypass nito ang poblasyon ng Carmona sa hilaga. Pagkaraan, tatawirin nito ang South Luzon Expressway at papasok sa Biñan, kung saan tutuloy ito bilang Kalye Heneral Malvar.

Mula Palapala papuntang Ternate[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Daang Governor patungo sa Ternate ay nagsisimula sa sangandaan nito sa Lansangang Aguinaldo sa Palapala, malapit sa Robinsons Place Dasmariñas.[3] Sa pangkaramihan isa itong lansangang anim ang mga linya pagdaan nito pakanluran patungong Heneral Trias. Dadaan ang lansangan sa mga kanlurang barangay ng Dasmariñas, at papasok ito sa Heneral Trias. Kalaunan, babagtasin nito ang Lansangang Arnaldo malapit sa mga pabrika ng San Miguel at Purefoods-Hormel.[4] Paglampas, babagtasin naman nito ang Abenida Crisanto Mendoza de los Reyes sa Barangay Manggahan. Pagkatapos, papasok ito sa Trece Martires sa Tulay ng Pulunan, at pagkaraan ay dadaan ito sa pusod nito at tutuloy patungong Naic. Pagkaraan ng Naic, liliko ito pakaliwa patungong Ternate, at babagtasin nito ang Daang Naic–Indang.[5] Susundin ng lansangan ang diretsong ruta, at kakanan ito at tatapos sa tulay sa ibabaw ng Ilog Maragondon malapit sa Ternate.[6] Tutuloy ang lansangan patungong Nasugbu bilang Lansangang Ternate–Nasugbu.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "House Bill No. 2194" (PDF). www.congress.gov.ph. Hinango noong 8 Agosto 2018.
  2. "Governor's Drive from Palapala to Cavite-Laguna boundary". OpenStreetMap. Hinango noong 15 Disyembre 2015.
  3. "Governor's Drive west of Palapala". OpenStreetMap. Hinango noong 15 Disyembre 2015.
  4. "Governor's Drive and Arnaldo Highway". OpenStreetMap.
  5. "Governor's Drive on Trece Martires and Naic". OpenStreetMap. Hinango noong 15 Disyembre 2015.
  6. "Governor's Drive between Naic and Ternate". OpenStreetMap. Hinango noong 15 Disyembre 2015.

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates needed: you can help!