Pumunta sa nilalaman

Jollibee

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jollibee
UriFast food chain
May-ariJollibee Foods Corporation
BansaPilipinas
IpinakilalaEnero 1978; 46 taon ang nakalipas (1978-01)
(Mga) merkadoTimog-Silangang Asya, Gitnang Silangan, Kanlurang Europa, Hilagang Amerika, Silangang Asya (Hong Kong, Macau)
Tagline"Langhap-Sarap"
Websaytjollibee.com.ph

Ang Jollibee ay isang multinational chain ng mga fast food restaurant na pagaari ng Jollibee Foods Corporation (JFC). Noong Abril 2018, ang JFC ay may 1,200 na sangay ng Jollibee sa buong mundo;[1] na may presensya Timog-Silangang Asya, Gitnang Silangan, Kanlurang Europa, Hilagang Amerika, Silangang Asya.

Jollibee rin ang tawag sa mascot nito, isang malaking bubuyog na kulay pula't dilaw, at may sumbrero na tulad ng sa mga kusinero. Isa siyang uri ng istilong Amerikanong fast food na may panlasang pagkaing Pilipino. Ang mga pagkain dito ay pritong manok, burgers, at spaghetti.

Noong Marso 2006, mayroon nang 1,287 na tindahan ang Jollibee sa Pilipinas at 161 naman sa ibang bansa.

Noong 1975, binuksan ni Tony Tan Caktiong at ng kanyang pamilya ang isang Magnolia Ice Cream parlor sa Cubao, Quezon City na itinalang kauna-unahang outlet ng Jollibee. Ang mga outlet ng Magnolia na pinatatakbo ng pamilya ni Tan ay nagsimulang mag-aalok ng mga hotmeal at sandwich nang mapansin nilang patok ito sa mga tao. Noong 1978, ang pamilya ay nagpasya na kanselahin ang prangkisa ng Magnolia at palitan ang mga ice cream parlors ng fast food outlet. Si Manuel C. Lumba, isang Management Consultant, ang nagpayo sa pamilya ng pagbabago sa kanilang negosyo.

Si Jollibee ang itinuturing na pangunahing maskot ng kompanya, ang ang mukha niya ang nagsisilbing logo nito. Siya ay isang malaking bubuyog na parang tao na nakasuot ng isang pulang blazer, puting damit, at sumbrero ng chef. Ang iba pang mga maskot ay ginawa rin para sa Jollibee fast-food chain, ang ilan sa mga ito ay itinampok sa Jollitown, isang palabas sa mga bata na naipalabas sa Pilipinas noong 2009-2013.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Jollibee lands in Europe". Malaya Business Insights. Abril 5, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 6, 2018. Nakuha noong Abril 6, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.