Greenwich Pizza
Itsura
Ang Greenwich Pizza ay ang pinakamalaking linya ng tindahan ng pizza sa Pilipinas. Nagsimula ang Greenwich sa isang over-the counter pizza store sa Greenhills Commercial Center sa Kalakhang Maynila noong 1971. Noong 1994, ang Korporasyon ng Jollibee Foods ay binili ang halos 80% ng bahagi nito. Ang bagong kompanya ay tinawag na Greenwich Pizza Corporation, at ang prangkisa ay nakaranas ng mabilis na paglaki. Mula sa 50 tindahan sa 1994, mayroon nang 200 tindahan ito noong 2003 at kumukita nang P3 bilyon (US$54.5 milyon). Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.