Pumunta sa nilalaman

Enchanted Kingdom

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Enchanted Kingdom
"The Magic Lives Forever!"
Talaksan:EK-no-eldar.png
Map
UriAmusement park
LokasyonSan Lorenzo South, Santa Rosa, Laguna,  Philippines
Nilikha19, Oktubre 1995
Pagmamay-ari ng/niEnchanted Kingdom, Inc.
Pinapatakbo ng/niEnchanted Kingdom, Inc.
Katayuankompleto

Ang Enchanted Kingdom o ipinaikli bilang EK ay isang theme park sa Pilipinas na matatagpuan sa Santa Rosa, Laguna. Ito ay may lupain na 17 hektarya (41 acre). Ang lugar ay tinatakbo at pinamumunuhan ng Enchanted Kingdom Inc.

Ang mga nagtatag ng Enchanted Kingdom ay sila Mario at Cynthia Mamon. Ang kanilang pamilya ay palagiang pinupuntahan ang mga theme park katulad ng Boom na Boom, Big Bang sa Alabang at ang Fiesta Carnival na nagtungo sa pagtatag ng mag-asawa ng kanilang sariling theme park. Nagsulat ang mga Mamon sa iba't ibang mga grupo at sinalihan ang International Association of Amusement Parks and Attractions na tumulong sa kanila na makakuha ng mga consultant, kontraktora at mga taga-suplay para maitayo ang Enchanted Kingdom.[1] Ang Enchanted Kingdom ay nagbukas noong Oktubre 19, 1995.[2][3]

Ang theme park noong Enero 2015, kabilang ang Wheel of Fate, ang ruwedang sa likuran

Nakaranas ng kahirapan ang mga operasyon ng Enchanted Kingdom sa mga una nitong taon mula 1995-2002, Ang krisis pinansyal Asyano ng 1997 ay nakaapekto sa negosyo na nakabawi lamang mula sa problemang pinansyal noong 2003.[1] Nang naging maayos na ang negosyo, nagsimula ang pamamahala ng Enchanted na magpakilala ng dalawang bagong ride o aliwan bawat taon. Lumago ang negosyo at nagtala ng pinakamataas na pagbisita sa isang amusement park sa umaga sa Rehiyon IV (Calabarzon at Mimaropa) mula sa Kagawaran ng Turismo ang Enchanted. Karamihan sa mga bisita ng Enchanted Kingdom ay domestiko o mula sa loob ng bansa.[2]

Mga insidente

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2007, nagkaroon ng insidente sa "Space Shuttle Max" kung saan ang tren ng sasakyang rodilyo ay tumigil sa bahaging Cobra Roll ng ride. Ang mga nakasakay nang mangyari ang insidente ay mga mag-aaral mula sa Batangas na nasa lakbay aral. Kasunod nito, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng Space Shuttle para sa isang pagkukumpuning teknikal. Ibinukas muli ang ride sa publiko at binago ang pangalan nito sa Space Shuttle Max sponsored by Pepsi-Cola Philippines (lit. Space Shuttle Max handog ng Pepsi-Cola Philippines).[4]

  1. 1.0 1.1 Ubaldo, Aye (Enero–Abril 2015). "A leap of faith, a lifetime of memories". PANA AdEdge (sa wikang Ingles). Philippine Association of National Advertisers. 11 (1): 53–55. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. 2.0 2.1 Ubaldo, Aye (Ebero–Abril 2015). "The real magic emanates from middle-class Merlin". PANA AdEdge (sa wikang Ingles). Philippine Association of National Advertisers. 11 (1): 44–45. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  3. "Overview of EK". Enchanted Kingdom (sa wikang Ingles). Enchanted Kingdom. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 8, 2015. Nakuha noong Nobiyembre 28, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. "Space Shuttle reopens at Enchanted Kingdom". GMA Network. Nakuha noong Nobiyembre 3, 2012. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)